Grabe ang ulan kanina nung pauwi na ako. Bigla ba namang bumuhos ng kanda lakas-lakas! Sa ikli ng lalakarin ko papuntang LRT station, nagawa pa niyang gumawa ng baha sa Pedro Gil. Hindi pa naman super baha pero sapat na para mabasa ang loob ng aking sapatos. Kadiri! Napabili tuloy ako bigla ng Hawianas(pekeng Haviannas; mas matigas ng onte kaysa sa isa pang peke, Havannas).
Sana lang hindi ako nangangamoy sa LRT kanina. Hindi ko naman naamoy kung mabaho ako pero siguro iyong may mga sensitibong ilong naamoy ang aking kinakalat. Heh! Ikaw kaya subukan mong magalakad buong araw, magsayaw tapos ilublob ang paa sa baha ng Pedro Gil.
Ayun. Ayos lang naman na nabasa ang paa ko kanina. Hindi ko lang matanggap na nabasa lahat ng laman ng bag ko. Eh ang tanging laman ng bag ko ay mga photox; puro mga papel! Kaya ngayon nakalatag sila sa may sala namin para matuyo sila. Dahil nabasa sila, hindi ako tuloy makapag-aral ng biochem. Pati nga iyong isang libro ko hindi pinatawad ng ulan eh. Biruin mo mas matanda pa sa akin at glossy paper, nabasa ba naman!
Pero sige, ayos lang naman ang ulan. Dapat na matigil na ang dry spell. Wish ko nga lang sa may bandang North ang ulan hindi sa may South.
No comments:
Post a Comment