I cannot believe, I've only heard of it today(thanks to RSS)!
Why would anyone propose to not require the reading of fiction in (elementary and high)schools?
Well, Ms. Althouse here proposed that. Here's the link. Do not read the comments yet as I would also like to share a counter-article about her proposal. Just go to these two: Adventure in Ethics and Hullabaloo. The first is shorter but the second is nastier.
My take on the matter? Well, Ms. Althouse mentioned that schools shouldn't force kids to read fiction as some may not be inclined to reading it and she pushed for pure nonfiction readings in schools. Also, she told things about how reading fiction and reading for pleasure is not related to economic success. Maybe, it is not related. I am not sure. The Philippine situation seems to contradict my belief, as I do not think many of the successful businessmen here like to read fiction. Studies point out though people who likes reading fiction have higher scores in standardized tests. Again, higher scores doesn't guarantee economic success. I do not think anything ever guarantees economic success. Anyway, I digress.
Regarding her thoughts on the inclination of children, I do not think many people are naturally inclined to math or science or history yet the schools are forcing them to study it. Why? Ms Althouse says they are "something academic and substantive." And reading is not academic? So all those diplomas for MA's and PhD's on literature are just glorified asswipes? Faculty members dedicated to the study of literature are just bums afraid to do "real work?" Not substantive? Hah! By substantive, she would be referring to its usefulness and haven't tons of studies already highlighted the important role that reading fiction play in the growth of a mature human being?
Also, applying her belief that we should let every child to choose what to study based on her inclinations would just lead to anarchy or at least, a very stupid generation as most children are not naturally inclined to anything academic. It's like the Creationists' argument, schools should teach all the knowledge they could offer; teach both evolution and creationism. With the notable exception that Creationism should not be taught, at least in Science class, because it is not a scientific theory. And schools are supposed to be places where kids will learn what they want to do, what they want to become, what they want to learn and what they want. Depriving them of reading fiction would not lead them to thirsting for it. Not introducing them to fiction is the same as saying that all of the children would become scientists even though science was not introduced to them. With her plan, I would be surprised to see the resulting adults even wanting to read anything. Or maybe it'll lead to a society where thick reference books are the Harry Potter books. Besides, how could you entice people to read thick wonderful novels by depriving them of it and forcing them to read textbooks?
But I do agree that good reading material should be present in schools. Not just fiction and not just nonfiction. But seriously? Non-fiction used to entice people to read? Or maybe it is because I tend to attach the word nonfiction(textbooks, lab reports, case studies, essays, biographies) to the word boring.
Thursday, May 31, 2007
Wednesday, May 30, 2007
Maybe after finishing the Dune Series and the Harry Potter series, I should start tackling Tolkien. Yes, I already know the main story( the good guys win, bad guy/s lose) but I am intrigued by the series because of the number of Tolkien fanatics out there. Hey! These curiosity is what led to my being a WoT and Dune fan(not yet a fanatic; when you see me cosplaying as a Mydraal or a Suk Doctor, I'll be a fanatic) Besides, the last book for the Wheel of Time is set to be at the shelves by 2008. Assuming of course that I do not get buried under textbooks in the coming academic year, I need to find another series to read. Or maybe I should start reading General Fiction again. Those best-selling novels are tempting me with their very beautiful book covers. I know I shouldn't judge a book by its cover but if that were always the case, making cover art wouldn't become such a nice business. Neil Gaiman seems nice but his books are too expensive. Compare the near 1000 leaves of a Wheel of Time book to his novel with 300 leaves and the Gaiman book manages to be more expensive. Normally, I would dismiss Gaiman and call him an overrated author but I have read one of his "kiddie" books and it was great! But I shouldn't be thinking about these books right now because I still do not know how I would manage to buy the needed textbooks for the next semester. This semester will be learning things we'd actually apply in our lives(as public health workers)!
-------
Sabi ko sa inyo para akong babae kapag nag-e-english eh! Naisip ko lang kasi na kung gusto ko magkaroon ng mga mambabasa kailangan ko na uli mag-blog gamit ang wikang Ingles. Hindi ko naman gusto ng mga fans o kung anu man. Gusto ko lang na may maka-diskusyon ako paminsan-minsan. Weird! Eh kapag nasa mga ORPG nga ako ay ang taray-taray ko tapos ngayon gusto ko ng kausap. Hehehe.
------
New links and blogs! Visit them! I recommend Dream Anatomy in the links section and Science blogs in the blogs section. And no, it's not just about science. If you like reading about the Creationism controversy, this would be a good place to be and if you know nothing about it, it would be a good place to start. On second thought, the Simpsons would be a better one(start with the Angel discovery then to the Ban on Evolution). Seriously though, Creationists need to have their heads whacked a bit with a hardbound copy of the Bible.
------
I've learned about RSS yesterday. You should try it! Click here to learn more. After you set-up your reader, try subscribing to my blog. Heh. Shameless promotion! Most of the blogs in blogger do not show their subscribe buttons/links but could be easily fixed by typing in the adress box: + feeds/posts/default. ex. http://purpolkurtina.blogspot.com/feeds/posts/default. That will lead to the subscription set-up page.
-------
Sabi ko sa inyo para akong babae kapag nag-e-english eh! Naisip ko lang kasi na kung gusto ko magkaroon ng mga mambabasa kailangan ko na uli mag-blog gamit ang wikang Ingles. Hindi ko naman gusto ng mga fans o kung anu man. Gusto ko lang na may maka-diskusyon ako paminsan-minsan. Weird! Eh kapag nasa mga ORPG nga ako ay ang taray-taray ko tapos ngayon gusto ko ng kausap. Hehehe.
------
New links and blogs! Visit them! I recommend Dream Anatomy in the links section and Science blogs in the blogs section. And no, it's not just about science. If you like reading about the Creationism controversy, this would be a good place to be and if you know nothing about it, it would be a good place to start. On second thought, the Simpsons would be a better one(start with the Angel discovery then to the Ban on Evolution). Seriously though, Creationists need to have their heads whacked a bit with a hardbound copy of the Bible.
------
I've learned about RSS yesterday. You should try it! Click here to learn more. After you set-up your reader, try subscribing to my blog. Heh. Shameless promotion! Most of the blogs in blogger do not show their subscribe buttons/links but could be easily fixed by typing in the adress box:
Tuesday, May 29, 2007
Sinubukan ko gumawa ng tula; hindi kinaya ng utak ko. Tungkol siya sa kalungkutan ng buhay ng isang lion(paano ba ang Filipino ng lion, leyon? layon? li-on? leon?). Hindi ba't kay lungkot ng kanilang buhay?
Kung lalakeng lion ka puro tulog lang ang ginagawa mo. Tulog tulog tulog tapos gigising ka may pagkain na! Hindi mo na kailangan tumakbo o mangaso(aso...lion...hehehe), lalapit ka na lang sa patay na bangkay, tatabi ang lahat at kakain ka na. Kung ayaw mo na kumain, matutulog ka na lang uli. Kung ayaw mo naman matulog, makipagtalik ka sa lagpas lima mong kasamahan. Talik lang nang talik walang pag-ibig(Ewww... ado!). Kapag matanda ka na, papatayin ka ng anak mo o kaya ng kung sino dyan o kung hindi ka mamamatay, itataboy ka at mamamatay ka mag-isa. Sa lahat ng kaso, mamamatay kang mag-isa. Eto na ay kung maswerte kang may pride ka! Kung wala, pagkapanganak pa lang sa iyo papatayin ka na. Kung hindi ka naman namatay, mabubuhay kang mag-isa hanggang may makuhang kang pride. Para namang maganda rin ang buhay kung may pride ka.
Kung babae ka naman, utusan ka ng mga tamad na lalake. Ikaw ang mangangaso at magpapapakapagod mag-alaga ng inyong mga anak tapos ikaw pa ang huling kakain. At wala kang choice kapag gusto ni lalake. Basta gusto niya, ayan na papatong sa iyo. At kapag hindi nakontento sa isang orgasm boom isa pa! Long lasting ang partner mo. Tapos kung mamalasin ka pa, sariling anak o pinsan o kapatid ang gumagawa niyon sa iyo.
Conclusion: Huwag maging lion.
Kung sino man ang writer diyan, pwedeng-pwede mo ito gamitin kung gusto mo. Basta pakibigyan na lang ako ng copy.
-----
Ano ba ang meron sa Multiply?
Halos lahat kasi ng kilala ko ay may multiply account na. Tutal, may blogger account naman ako, pero may blog feature rin ang multiply. Bukod pa sa silang lahat ay meron, palagi pa akong nakaka-recieve ng e-mail invitation(o invitation e-mailkumuha ).
Siguro mag-mu-multiply lang ako kung mangingibang bansa ako o kaya naging mahilig ako kumuha ng mga litrato(Ang tanda na ng mga pictures ko sa pc, last yata eh iyong debut noong December pa!) . Ang hindi ko lang alan kung may edit option sila kasi parang puro pre-made template ang mga nakikita ko sa mga kilala ko. Kapag wala, hindi ako mag-mu-multiply, mag-pho-photobucket na lang ako! Hehehehe. Kapag meron, tinatamad ako mag-lipat ng posts at hindi naman ata affiliated ang Blogger sa Multiply so malamang mahihirapan ako. For connectivity may Eskwela at Friendster naman dyan at may mga yahoo groups pa so hindi ako mawawalan ng connection sa kanila at syempre, ang ever reliable e-mail(joke pala, hindi ever-reliable ang e-mail, minsan nagloloko si yahoo).
------
Medyo nagsisimula na ako ma-adik sa Anarchy online. Free ang account, until 2008 anyway, free ang game client(mga 700mb) at global ang server so kahit saang bansa ang isang tao basta may internet connection, makakapaglaro siya. Medyo pangit ang graphics kung ikukumpara mo sa mga recent MMORPG's pero hindi ka naman maglalaro ng mga MMORPG's para sa graphics eh. Medyo windang ang gameplay at skill system nila; hindi ko pa rin gets masyado kung paano. Maraming classes at skills; as in super kaya nga windang na ako eh. At ang pumipigil sa aking pagka-adik, keyboard ang gamit para gumalaw. Kawawa naman si W-key at Up-arrow key ko kasi baka lumubog sila.

Sunday, May 27, 2007
Nag-tennis ako kanina. Hindi ko alam pero parang pagkatapos ng 30 mins nagsimula na akong magsawa sa kakapalo. Hindi ko naman sinasabi na nagsasawa na ako sa tennis. Naisip ko lang na oras na siguro na magsimula na ako maglaro ng mga friendly matches. Kaya lang may problema ako, una wala akong makitang kalaro. Nandiyan si Madie pero magpapasukan na eh at iyong isa ko namang kaklase... uh... hindi ko alam kung makakapaglaro kami ng matino. Pangalawa, hindi pa ako marunong mag-return ng serve. Sa tingin ko madali lang siya pero kapag malakas tumira ang kalaban paano na? Pangatlo, hindi pa ako marunong mag-serve. Grabe, magdadalawang taon na ako nag-aaral hindi pa rin ako consistent. Sorry naman. Oo, sige na. Magpra-praktis na ako ng serve. Dati kasi naipapasok ko pero super hina as in hindi umiikot; ngayon naman may ikot at mabilis pero kanina 3 lang ata naipasok ko sa 30 na hinagis ko. Ang kawawa ko talaga.
------
Pauwi naranasan ko ang tatlong bagay na pahirap sa mga nag-co-commute. Ang una ay ang hindi pagdating ng gusto mong sasakyan. Kasi, mga 8:50 ako umalis ng tennis court at nagtungo na ako sa UPD Shopping Center. Doon kasi dumadaan si UP-SM North na jeep. Alam ko naman madalang ang mga ganoong jeep kapag Linggo pero 9:20 na hindi pa rin ako nakakakita ng nagpapasakay na jeep. Grabe! Ayaw ko naman sumakay ng Philcoa kasi nagbabakasakali ako na may dumaan. Siguro mapalad na ako kasi may iba diyan araw-araw nag-aantay ng mga bus at jeep ng mga 30 mins at iyong dadating biglang punuan pa. Nang mga 9:25 may dumating na jeep at tuwang-tuwa ako. Buti na lang hindi puno at nakasakay ako at ang kasabay ko mag-antay(kawawa rin siya. hehehe. pero mas kawawa iyong dalawa kasi sumakay sila ng philcoa tapos biglang may dumating na sm north. malas na lang nila).
Eh di ayan. Nakasakay na ako tapos mamaya-maya biglang mas sumakay na malaking babae. Hindi naman puno ang side ko pero sa tingin ko hindi talaga siya kasya kahit ano gawin niya. Iyong kabilang side naman hindi puno at kasyang-kasya siya pero hindi eh, nagpumilit siyang sumiksik. Ayos lang naman na siksikan basta makarating ako sa destinasyon ko pero sa Philcoa may sumakay na mama, malaki rin at itong big woman na ito bigla ba naman pinasiksik sa side namin! Buti na lang payat ako at iyong mga katabi namin kung hindi. Kaya nga minsan naiisip ko na dapat doble ang price ng mga matataba at half-price ang mga payat eh. Kapalit kasi niyon pwede pa magpasakay ng payat o kaya bawas ng isang tao na uupo. O kaya sinusukat ang pwet bago sumakay tapos may formula na gagamitin para makompyut ang capacity pa ng jeep at ang bayad. Oo, alam ko mali iyon at hindi dapat ipatupad pero siguro isa rin siyang paraan para mapilitan na magpapayat ang mga tao. Oo, sinasabi ko na masama ang maging mataba! Hindi ko sinasabing mga pangit kayo sinasabi ko masama! Masama sa katawan at kalusugan. Fine kung fat is beautiful pero marami ka namang problemang pangkalusugan.
Eto na ang huli, sa bus naman ito (Ang dami kong sinasakyan noh?). Eh di ayan. Onte lang kami sa bus. Ayan, nagbayad na ako sa konduktor, bingyan niya ako ng sukli pero walang tiket. Sabi, baka nakalimutan lang at ayos lang iyon kasi basura nga lang naman iyon pero mamaya-maya naisip ko na iyon nga pala ang ginagamit nila para malaman ang kita ng bus. Aba! Huwag niyang subukang i-bulsa ang sampung piso ko(Ang pera ay pera gaano man kababa.). Tinawag ko ang kanyang pansin. Sabi niya sandali lang. Ok. Sandali pero bababa na kasi ako kaya tinapik ko siya. Humarap siya sa akin at parang naiinis na sinabing "Sabing sandali lang eh!" Che! Mahirap na bang magpunit ng papel? Hindi ba't trabaho mo iyon? At bababa na ako, sandali-sandali eh pupunta ka pa sa dulo ng bus para kolektahin ang bayad ng ibang tao. Tigilan mo nga ako! Pero hindi ko naman siya sinagot. Bahala siya. Ayun. Bumababa na ako at natapos ang kwento.
Buti na lang pauwi na ako nang naranasan ko ang mga ito kasi kung papasok pa lang ako. Naku! Kawawa naman ang mapagbubuhusan ko ng galit. As if naman sobra-sobra akong magalit. Marami pa rin na mas malala sa akin.

Friday, May 25, 2007
Hindi pa natatapos ang unang araw ko ng bakasyon ay nadagdagan na ang mga pro-problemahin sa pasukan. Kagabi kasi ay nakakuha ako ng text mula sa presidente ng aming org. Sinabi niya na sasayaw raw kami sa isang freshie orientation. Na-anticipate ko na ang problema at nakagawa na talaga ako ng listahan ng mga sasayaw at kung ano ang sasayawin, kaya lang nakalimutan ko na iyong isa sa mga inilista ko ay hindi nga pala alam ang sayaw, iyong isa naman ay duda akong papayag na sumayaw at iyong natitirang dalawa hindi alam ang buong sayaw. Ano naman kaya ang mangyayari di ba kapag pinasayaw namin sila? Sa totoo lang, madali lang naman maayos ang problema eh. Eh, di sasama na lang ako at sasayaw. Pero ayaw ko! Ayaw! Ayaw! Ayaw! Bakit? Hindi ko rin alam eh. Ayaw ko lang. Basta pipilitin ko na lang sila sumayaw. Pumayag na naman iyong dalawa eh kaya ayos na.
Iyong kadugtong naman niyan ay kung kailan sila magpra-praktis. Sana lang ay wala silang mga balak gawin sa Enrollment week para makapunta sila at maayos namin kung paano ang gagawin nila. At dahil nga ang isa ay hindi alam ang sayaw ay mapipilitan kaming kumuha ng steps mula sa mga sayaw na alam niya at ipataw ito sa kantang gagamitin. Pwede rin namang gumawa kami pero ang hirap ng ni-ru-rush ang pagkatuto lalo na't wala naman talaga kaming lugar na pag-pra-praktisan dahil hindi pa nga opisyal na araw ng pasukan.
Siguro magagawan naman namin ng paraan ito pero gusto ko sana na maging maganda ang kanilang pagtatanghal para naman hindi mapahiya ang org at makapang-akit kami ng mga tao na sumali sa org(na hindi BSPH). Hindi naman ako umaasa na super ganda eh dahil alam ko namang hindi pa ganoon kasanay ang mga pinili kong sumayaw pero sana lang ay matino at katanggap-tanggap ang kanilang maipalabas. Tutal, hindi lang naman ako dapat ang namromroblema. Hah! Magulo nga ang mga ka-org ko!
Magaling na ang pilay ko! Ang galing nga eh! Medyo kirot na lang ang nararamdaman ko pero ayos na iyon. Makakapag-tennis siguro ako sa linggo. yehey!

Thursday, May 24, 2007
May pilay ako ngayon. Nagkamali kasi ako ng landing noong sinubukan kong mag-front walkover kahapon. Ang sakit niya. Noong bago ako matulog hindi, medyo ewan nga lang ang lakad ko pero kanina talaga hindi na ako makalakad ng maayos dahil sa pilay na ito. Sa totoo, kanina pa lang madaling araw nagising ako dahil parang lahat ng ugat sa paa ko namamaga pero syempre pakiramdam ko lang iyon. Nakakaasar nga kasi bukod sa brownout(at mainit, duh!) ay hindi ko pa matanto kung ano dapat ang pwesto ko dahil parang kahit anong ikot ko eh masakit pa rin.
Dahil masakit na nga talaga, nagpahilot ako kani-kanina lang. Ang sarap-sarap kahit napakasakit nang hinihilot na ako. Hindi ko alam kung naayos niya talaga o kailangan ko pang magpatingin talaga sa doctor o pt pero nawala naman nang onte ang sakit at nakakalakad na ako kahit papaano. Nasubukan ko na rin iyong paa na pinapagulong-gulong sa bote, masarap naman hindi ko nga lang alam kung gumagana talaga.
Kahit medyo nawala na ang sakit medyo nakakaasar pa rin dahil kailangan pang balutan ng dahon ang paa ko. Hindi rin raw ako pwede maligo ngayon. Pakiramdam ko tuloy ang dumi-dumi ko na dahil nga pawisan ako kahapon dulot ng gymnastics training at nagpagulong-gulong pa ako sa mat.
Sayang talaga at napilayan ako kasi gusto ko maglaro ng tennis bukas o sa Sabado at may bowling pa ata dapat kami ng mga kaklase ko noong high school bukas. Paano ko naman gagawin iyong mga iyon kung matinong paglalakad nga hindi ko magawa? Pero umaasa naman ako na umepekto ang hilot at maging maayos na ang paa ko mamayang gabi o bukas.
-----
Nanonood ba kayo ng AI? Kung oo, malamang kilala niyo si Melinda Doolittle. Grabe! Bakit kaya siya na-eliminate? Alam ko naman na hindi siya mananalo pero sa tingin ko karapat-dapat naman siyang makatungtong man lamang sa finals. Tsk tsk tsk. Nga pala, finals na ngayon. Nakita ko ang special number ni Melinda at wow! Grabe siya makipagsabayan sa mga magagaling na singers at iyong isang guest, kinanta pa iyong pinang-audition niya; iyong For Once In My Life. Siguro, ginawa iyon para makapag-sorry ang AI kay Melinda. Hehehe

Friday, May 18, 2007
Tapos na ang mga lectures for summer!
Yehey!
Hindi ko na rin kailangan gumising ng 4 ng umaga para pumasok!
At wala na rin siguro munang praktis ang StDC! Yehey!
Mapapahinga na rin ang katawan ko!
Matuwa ang lahat!
May isang tao kaninang nakakaasar. Bwiset! Hindi marunong magbigay at magsakripisyo kahit onte lang. Masyadong pinahahalagahan ang sarili kaysa sa iba. Siguro may mali nga kami pero namumuro na siya. Palagi na lang.

Sunday, May 13, 2007
Mother's Day ngayon.
Masasabi ko rin na ito ang pangalawang araw ng tag-ulan. Sa tingin ko lang ha, kasi kahapon nagkaroon ng unang pagbuhos. Hindi ko nakuhahan iyong kahapon pero iyong kanina meron ako.
Medyo panget kasi iyong hangin papunta sa akin at nababasa ako.
Ano naman ngayon di ba? Wala lang. Naalala ko lang na kinuhahanan ko rin kasi iyong malakas na ulan noong huling summer.
Kanina nagamit ko ang aking weather panghuhula. Napansin ko kasi na puro cirrus clouds noong umaga tapos naisip ko na uulan siguro. Tapos mamaya-maya naglabasan na ang mga strato-cumulus clouds. Mamaya-maya ulan na. Iyong mamaya-maya ko, mga ilang oras talaga. =p
Eleksyon na bukas, hindi ako rehistrado. Mabuti na rin siguro kasi nakakabaliw ang choices eh; parang gusto ko sana may none of the above option.

Thursday, May 10, 2007
Nag-bowling kami kanina at as expected ako ang kulelat. Ganoon naman palagi kapag isports ang pag-uusapan; ako ang pinakamahina. Ay teka, sa lahat pala... at least sa simula ganoon. Kailangan magsipag ako para tumino sa paggawa ng isang bagay at para gumaling ay kailangan magsumikap ako.
Halimbawa na lang, Chemistry. Nakwento ko na ata ito pero uulitin ko na lang. Hindi talaga ako matino at chem. Naisip ko nga noong 3rd yr ako kung bakit hindi ako mahal ng chemistry eh hirap na hirap na nga ako patinuin ang grade ko at intindihin iyon. Hindi naman sa hirap ako umintindi ng mga bagay-bagay(hello! ang tino ko kaya sa comprehension; sa hilig ko ba naman magbasa eh dapat hasang-hasa ko na ang skill na ito) pero parang ayaw talaga maging bahagi ng mundo ko ang medyo abstract na konsepto ng molecules at atoms, ang sayaw ng mga electrons at ang importansya nito sa buhay. Tapos ngayon, super geek na ako tungkol sa chem at related sciences. Hindi naman sa master ko na ito dahil 4 lang naman ang chem subjects ko at hindi naman talaga kami dapat nalulublob sa chem kasi PH nga kami pero interesado na ako sa mga ito.
Nagsimula ito noong napilitan ako mag-aral dahil napasali ako sa compet team for Chem ng Kisay. Kumusta naman! Average to below average ata ang performance ko noon sa chem at marami ata ang naibagsak kong quiz at hindi ako napapabilang sa highest sa 1st periodical namin. Pero sipag at tyaga at pagbabasa palagi kay Zumdahl(actually, super onte ng nabasa kong nobela noong 3rd year kasi si Zumdahl lang ang basa ko) para maging matino at sa ngayon medyo komportable na ako sa chem at madali na na-i-integrate ang mga concepts nito(at ng ibang sciences) sa mga alam ko ukol sa chem. Actually, napag-isip-isip ko na mas mabilis intindihin ang mga bagay at tumino sa mga ito kapag in-integrate mo. Tigilan na natin ang asaran ukol sa paggamit ng mga konspeto ng agham sa ating buhay kasi dapat lang natin itong gamitin. Bakit hindi natin gamitin ang konsepto natin ng anatomy sa sayaw; alamin ang action ng muscle at maiintindihan mo agad kung paano ito i-pop, hindi ba? Anyway...
Isa pang halimbawa siguro ang lawn tennis. Sobrang bagal ko matuto. Masisi ko rin siguro ang hindi ko madalas na pag-sasanay at medyo walang kwenta ang una kong guro pero mabagal pa rin. Dalawang taon na pero hindi pa rin ako makapag-return ng serve... at least acceptable na ang aking ground strokes at matino na ang form ko.
Ano ba ang pinagsasabi ko? Hindi ako nabwibwiset dahil mababa ang score ko kanina at lalong hindi ako nagbibigay ng excuses. Naisip ko lang na wala talaga ako siguro akong mararanasang "Gifted moments" at wala siguro talaga akong talento bukod sa pagtyatyaga(wow! Rock Lee na ba ito?) Hindi ako siguro ako magsisimulang mag-aral ng isang kakayahan at sa unang beses na aralin ito ay "above-average" na ang level ko. Pero marami siguro akong mararanasang "Wow! moments"; tipong "wow! ang galing/tino mo na!" Siguro tanggapin ko na dapat iyon at tsaka hindi ko na rin mararanasan iyong mga expectations na binabagsak sa mga "gifted." Expectations, bwiset! Pero ibang usapan na uli iyon.
PS.
Nilapitan ako noong nakaraang araw ng ka-batch ko. Gawa raw ako ng welcome/inspirational na essay. Tumanggi ako pero parang napagisip-isip ko na dapat sinubukan ko na rin. Naisip ko na babalaan ko sila tungkol sa BSPH. Hindi ka naman yayaman sa degree na ito at lalong bawal ito sa mga tamad at mga walang pangarap sa buhay. Kasi super hirap niya at sa real world(kung susundan mo ang mission at vision ng college) ay hindi ka talaga yayaman at parang wala kang matinong patutunguhan. Hello! May yumayaman ba sa research? Sa lagay nga ng Pilipinas ngayon, parang iyong mga health workers pa ang nagbabayad para lang magawa nila ang trabaho nila(ie suma-side line ang researcher para mapondohan ang research niya; health worker nangungutang/nanlilimos para mapaangat ang sitwasyong pangkalusugan ng community niya). Kung gusto mong yumaman, mag-nursing ka... sa ibang bansa. At babalaan ko na rin sila na maraming chem at dapat talaga matutunan mo itong mahalin para maging mas masaya ang buhay mo sa PH(Pwede naman na hindi mo mahalin ang chem pero para sa akin malungkot ang mundo kapag marami kang hindi alam.).
PPS
Iyong first draft. Iyong bunga ng stream of consciousness method ay nabura dahil nag-error si PC kaya ito ang lumabas. At least sa tingin ko mas matino ito medyo pangit nga lang ang simula. Hehe

Subscribe to:
Posts (Atom)