Friday, June 30, 2006
Toxic kami ngayon o pina-pa-toxic ko lang dahil sa STDc. Siguro kung wala akong org ang aga palagi ng uwi, kaya lang hindi masaya ang buhay kung wala akong org.
Sunday, June 25, 2006
Naliligaw
Ano ba ang nangyari noong nakaraang linggo? Ewan. Basta dumaan lang siya. Nasa blah state na naman ako, hindi ko masimulan tuloy ang aking mga takdang aralin. Bakit kaya ganito? Sana may mangyaring masaya bukas para bumalik ako sa masipag na estado. Nakakainis pa dahil kung kailan gusto kong mag-burn ng CD ay biglang nasira si burner. Hindi pa nga namin nagagamit iyon eh! Mukha lang akong ewan, pero ang dami talagang nangyari noong nakaraang linggo. Nag-lab kami, nagkasakit ako, nag-"quiz" kami sa CommIII Fil, humawak ng microscope, nanood ng "The Nun"(basura), may nalaman na bagay na katawa-tawa, nagsayaw, at kung anu-ano pa. Para bang gustong mag-pahinga ng utak ko at ayaw muna mag-isip ng mga bagay tungkol sa bio at chem(!). Pero mali ito, dapat bukas matino ka na, Ado! Laki na rin ng mga tupi sa ilalim ng mata mo at pumapayat ka na naman.
Wimbledon na pala bukas! Mananalo kaya si Feddy?
PS. Trend ba ito? May pic sa mga post?
Saturday, June 24, 2006
Thursday, June 22, 2006
nasan na ang ulan?
Sunday, June 18, 2006
Saturday, June 17, 2006
part 2
Mukhang mabuti ang araw na ito dahil may dumating agad na tren at buti na lang naisipan kong magdala ng pamaypay dahil basang-basa na ako ng pawis. Pagdating sa 5th ave bumaba ako at nakita na wala pa ang tatay ko. 5 minuto pa, wala pa rin. Nagsimula na ako magdasal, at pagmulat na pagmulat ng mata ko dumating ang aking ama. Wow! Takbo takbo ngiti ngiti... Nakabalik na ako sa UPM at nalaman kong tapos na ang kaklase ko mag-enrol. Sige ayos na, mabilis rin ako matatapos siguro. Ayan na... tentenenenenen... pagbukas ko ng pinto ng OCS nakita ko ang dalawa ko pang kaklase na huli rin mag-enrol. Laking tuwa ko dahil may kasabay pa ako mag-enrol. Dahil medyo maraming grad students na nakipagdaldalan muna ako sa kanila. Skip na tayo. Nabigay ko na ang mga requirments at lumabas na si form5A na kailangan pa-pirmahan kay adviser. Dahil wala siya doon ako sa head ng dep't niya na nasa 4th floor. Lakad uli ako at lumalagatak na ang pawis ko.
Pagdating ko doon inabot ko ang papel, nakangiti dahil matapos nito may form5 na ako. Ngunit hindi pala ito mangyayari. Ayaw maniwala ng prof na nakapasa ako sa chem18 na pre-req ng chem27. Sabi niya kumuha raw ako ng proof at problema kasi hindi pa na-fo-forward sa cph ang grades namin, pambihirang buhay ito... maglalakad ako papuntang cas para lang kunin ang grade ko na hindi ko naman talaga alam kung may na-compute na basta alam ko exempted ako sa finals na ibig sabihin ay pasado na. Pero ano pa ba ang pwedeng gawin. Naglakad na naman ako tapos takbo tapos lakad kasabay pa nito ang pag-paypay ko sa sarili ko.
Pagdating ko doon isang magandang bagay ang nakita ko. Ang grade ko! Yehey! Mataas-taas! Yehey! Pero dapat ko na maglakad pabalik dahil malapit na mag-break ang ang tao sa mga opisina. Lakad uli...marathon talaga ito... at least lahat ng kailangan kong subjects enrolled ako(kala ko lang iyon...eto ngayon ang problema ko). Malamang hindi ko pa napapirmahan ang papel na kailangan pirmahan kaya balik tayo sa 4th floor. Naks! Napuri na naman ako! Hehehehe... Syempre lab ko ang chem eh!
Matapos ang lahat nagka-form5 na ako. Kaya lang sa kabobohan ko, hindi ko napansin na mali pala ang seksyon na nakalagay sa form5 ko. Putek! At nalaman ko na anim lang kami sa seksyon na iyon. Sa totoo na-dissolve na siya. Change mat ako sa lunes, bwiset. Pila na naman ito tapos punong-puno pa ang sked ko kapag Lunes. Hmp... bala na nga si batman.
Friday, June 09, 2006
Simulan natin ang lahat sa aking pag-alis. Maaga ako umalis ng bahay, kasi balak komakarating ng UP ng 8am kaya 6:30 pa lang umalis na ako. Naghanap pa ako ng barya napambayad sa dyip. Pero paglabas na paglabas ko ng gate namin nakita ko ang kotse ng titoko, syempre sumabay na ako. 30 pesos at 1 oras ng pag-co-commute rin yon! Dumating akong mga 7:20 pero sa CAS ako bumaba(doon iyon sa may Padre Faura) imbes na sa CPH(na nasaPedro Gil); kasi mahihirapan pa ang tito ko na makapunta sa opisina niya kung doon akobababa.
Dahil maaga pa, tinignan ko muna kung makukuha ko ang classcard ko sa chem18.1. Maaganga eh kaya hindi ko nakuha. Nasayang ang pag-akyat ko ng 3rd floor, papalabas na akonakita ko ang isa kong ka-course na nag-shift na pala; parang nagulat siya kung anoginagawa ko. Sabi ko mag-e-enrol; laking gulat pa niya pero sabi ko skedyul raw naminngayon kaya ngayon ako mag-e-enrol. Dito ako nagsimulang mabagabag na baka kahapon(june5)ang nakatakdang araw para sa amin. Nakow! Pero sige, tuloy pa rin sabi ko.
Naglakad na ako, at nagsisimula na uminit. Sa loob ako ng PGH dumaan at napahanga sa kagalinganng arkitektura ng lugar dahil nananatiling malamig ang mga pasilyo doon kahit sobrang init sa labas.Pagdating sa CPH nalaman ko na 8:30 pa ang simula kaya kumuha na lang ako ng number. Bumabaako at kinausap si blockmate. Nalaman ko na mag-re-removals sila mamaya at KAHAPON pa palaang enrollment namin! Takte! Pero sige ayos lang yan, sisingit na lang ako sa pilang matatanda. Aba! Number 1 ata ang number ko. Tinakot niya pa ako na nagkakanda-ubusanna raw ng slots sa mga subjects. Shit! Masisira ang sked ko, late reg na ito, pano angSTD practice(may kwento dito, next post siguro)?! Sige ayos lang iyan, matino naman angCRS mo eh.
Skip na tayo, nasa harap na ako ni babaeng matanda, hiningi niya ang lib clearance at healthcert ko. PI! Nakalimutan ko ang health certificate ko! 1hr and 30mins ang byahe mula dito pauwi taposbabalik pa ako na aabot rin ng 1hr and 30 mins; 3 hrs iyon noh! Ayaw ko nga bumalik; naisipko na hihingi na lang ako sa health service. Nasa OPD sila sa PGH na nasa Padre Faura. Nasa P. Gilako ngayon(mga 1km siguro ang total distance na lalakarin ko) at kailangan pumunta doon.Takbo! Takbo! Takbo! Pagdating ko sa office, nakita ko na doon na sila sa dati nilang pwestosa harap ng PGH. Bwiset! Takbo uli! Pagdating ko sabi sa akin gumawa raw ako ng affidavit of loss.Huh?! Sa abogado pinagagawa iyon di ba?! Pano ko naman gagawin iyon?
itutuloy...
Saturday, June 03, 2006
I really should be doing something productive, like learn how to play a low D using my sax, make a new layout for this blog or learn a new language. I know I should do those things but I am not motivated enough.
Weird weather we're having in this end of the world, really sunny and hot mornings then cloudy afternoons then thunderstorms at night. Fortunately, my immune system seems to be functioning quite nicely and I haven't had any colds, YET.
The pics will come next and hopefully the last part of my Homo who essay. After that, we might tackle Faith, God, Reason and Man. Hah! All those long car rides to La Union really helped.
Io Tu Voi Lui Lei Loro wink wink
Friday, June 02, 2006
Pero baka hindi ko na kayanin pang mag-ibang bansa kasama ang buo kong pamilya. Nakakaasar kasi minsan. Pero hindi siguro mangyayari iyon kasi, hindi nila ako siguro papayagan PA. Sa susunod na post iyong mga pics, syempre puro mukha ko uli iyon.
Huwag nga pala kayo papatol sa package tour sa HK-China. Mga mangga-gancho iyang mga iyan. Hindi ko nga maisip kung paano nila matiis na magsinungaling ng harap-harapan. Tsaka iyong mga tindera sa night market, masyadong gahol sa pera. 130 HK dollars magiging 30 bigla! Anong klaseng katarantaduhan iyon. Hindi ba nila maisip na kung binababaan nila ang presyo sa simula pa lamang eh mas maraming bibili sa kanila? Tataas rin ang kanilang kita. Hay nako... Tama na. Mabwi-bwisit ka lang, ado. Ang ganda nga ng pinuntahan namin pero sana lang mas mababait iyong mga tao. Napansin ko rin na parang lahat sila ayaw sa kani-kanilang mga trabaho. Para bang pilit na pilit sila pati iyong mga staff ng HK Disneyland ganoon rin.
Pero naaawa rin ako sa kanila, kasi binibigyan sila ng mga "English names" tulad ng John, Pat at Lyn. Makadadali para sa mga turista pero ganoon ka na ba ka-desperado kumita ng pera at ipag-papalit mo na ang iyong tunay na pangalan?
Oo na ado, mahal mo na ang Pilipinas, shut up na!