Nabanas talaga ako sa mga ka-block ko kahapon. Hindi naman lahat ng tao pero sa ilan lang. Kasi humingi ako ng pabor sa ilan kong ka-block, itext naman sa akin iyong mga themes of existentialism na tinuro sa amin. Nasa kanila kasi ang blubuk ko sa Philo1, nandun lahat ng sinabi ng prof namin at finilipino ko at pinasimple para maintindihan ko. At nandun rin iyong ilang insights ko. In short, pinaghirapan ko gawin iyon. Tapos hiniram nila at pinaphotox, ayos lang naman sa akin iyon eh. Nanghihiram rin naman kasi ako ng notes sa mga sabjek na hindi ako nag-no-notes tulad ng psych10. Kaya lang nakalimutan ko kunin sa kanila at nalimutan nila isauli sa akin. Nasa lrt na ako nun ng nalaman ko, kaya lang maganda na ang upo ko doon kaya hindi na ako bumaba. Ayos lang sabi ko, papatext ko na lang iyong themes kasi may copy pa naman ako ng readings at may internet naman, tsaka naaalala ko pa naman ang sinulat ko doon. Alam ko na walang load ang ite-text ko pero umasa pa rin ako na gumawa sila ng paraan para matulungan ako kasi nasa kanila na nga notes ko eh piso lang naman ang gagastusin nila. Pero walang dumating. Hay... nakakaasar talaga. Ang sakit ng pakiramdam na parang walang may pakialam sa iyo. Papakabait na nga ako...sana lang...
Tapos sabog pa iyong presentation namin sa pe at may ilang bagay pang nangyari na nakakaasar at nakakadown. Halos di na nga ako makinig sa chem at parang nararamdaman na ng katabi ko na medyo asar ako. Comment pa nga ng isa, kala niya sasabog na ako kanina. Ningitian ko na lang siya. Naisip ko puyat ka lang kaya ka ganyan, kaya pumikit na lang ako at nagpahinga. Nandun pa rin naman ako. Hindi ako natutulog sa klase, nakakatakot kaya! Pagkatapos naman ng chem at histo5, nag-notes na lang ako para hindi na mapikon. Kahit papaano nawala naman siya, nakapag-aral naman ako kahit papaano at nakapagnotes pa sa histo. Maayos naman ang ginawa ko sa test namin, may onting kulang pero pwede na para matino ang score. Terrific Thursday talaga!
Friday the 13th ngayon, dalawang kamalasan lang ang nangyari sa akin. Una, naipit ko ang index finger ko sa aking kaliwang kamay at masakit, sana hindi nagka-fracture. Nagagalaw ko pa naman at pangalawa, hindi ko nalagyan ng annotation ang kom2 ko kasi naman tinatanong ko sila eh wala namang sumagot ng matino, kala ko di nila lalagyan, nilagyan pala nila. Takte! Pero ayos lang, matino naman ang score ko sa nat sci2 eh, 84%. hmmm...sounds family... d ba 84% ka rin sa chem? ah...shut up ado! Kung di ko lang napagbaligtad ang striations part sana 84.67% ako na 85% na rin. Oh well...
Nagpunta nga pala ako sa upd kanina, nakita ko sila. Nag-usap pero parang ang tahimik namin. Lumalayo na ba kami sa isa't-isa o baka naman kasi naubos na ang kwento ko sa mga post ko sa y!grup? Hindi naman siguro... sana naman hindi...
May bago pala akong philosophy/ies care of Sartre and the existentialists:
You are what you choose to be. You are not what you can do or the things you might do but what you did do. You are the sum of the choices you make. You are responsible for who you are.
You are condemned to be free.
...existentialism...kala ko noon pessimistic view lang sa buhay iyon, matino-tino pala siya...
Saturday, January 14, 2006
Terrific Thursday and Sartre
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment