Wednesday, January 04, 2006

~_~

Narinig ko ang isa kong ka-block kanina, sabi niya na parang nakakatamad at di maganda ang sem na ito. At nagpokus sila sa "kapangitan" ng sked namin. Baka nga iyong sked pero ewan ko ba nasa isang "slump state" na naman ako. Parang walang nangyayari. Nagagawa ko na dapat ko gawin at nandiyan na sa harap ko ang kailangan ko pero hindi ko pa rin ginagawa ang DAPAT kong gawin. Hintayin ko na lang kaya ang inspirasyon uli. Nababagalan na naman ako sa oras, nagsasawa sa paligid, nako-kornihan sa mga nangyayari. Pero sandali lang siguro ito. Katatapos lang kasi ng bakasyon. Hindi nga talagang nagbabakasyon ako ng dalawang linggo. Nagkakasakit na, nawawalan pa ng katinuan. Sa sobrang kaewanan ko imbes na mag-aral ng dapat aralin nagmumuni-muni na lang ako tungkol sa mga existentialist themes. Parang may mali sa existentialism eh, di ko lang mapuna kung ano. Iyong para bang may nakita kang tao na maganda naman pero may mali. Ganun iyong feeling. Ha? Anu raw? Basta bored na naman ako sa buhay. Magiging doktor pa rin ako, makaka-uno sa chem(hah!), magiging US uli(hah hah!) pero anu gagawin ko kapag hindi ko ginagawa iyong mga iyon. Magsayaw? Wala namang praktis pa eh tsaka naguguluhan na naman ako. Anu ba yan? Ang dami mong problema, Ado! Gawin mo na lang ang iyong psych10 hw, mag-aral magsaing at magplantsa ng polo.

Alam niyo ba ang larong Chrono Trigger? Ha? Ito ay isang 2D RPG game na malalaro sa SuperFamicom at PS1 at sa isang emulator sa PC. Masaya ito kahit di ko natapos, muntik lang, napagod kasi ako labanan ang final boss(hindi ako gumagamit ng recovery items). Matapos ba naman ng 30 mins na pakikipagbakbakan malalabanan mo ang isang super boss(mga 10 pa lang ako) eh di pinatay ko iyong SuperFamicom. Hay... Eh basta bukod sa story(na may napakalaking loophole na na-realize ko lang nung nilalaro ko na ang Chrono Cross, ang sequel nito) ay napakaganda ng music niya! Wow! Boom talaga! Pag malungkot ako o masaya ay pinapatugtog ko ito at mas sumasaya ako(kung malungkot, sasaya). Hindi ko kilala iyong composer pero master ko siya. Kapag nakahanap ako ng mas matinong midi editor aaralin ko talaga tugtugin ang mga music themes na iyon(Pinakamaganda na nagamit ko Midi Maestro pero di ko na ma-install uli, magaling ang nagprogram ng free trial).

Chem lab. Ang daming nangyayari sa iyo. Kapag nagbalik na sa matino ang buhay ko, eh di masaya. Malapit na, papasok na ang mga prof namin, tatambakan na naman ng trabaho, tests at readings, sasayaw na ako uli, babalik sa dapat panggalingan(di mamatay noh!) at magkulang uli sa tulog. Malapit na pero wala pa. ~_~

Wala na akong sore eyes. Naloko ko sila, kala nung isa umiyak ako. Iyong iba dedma. Isa lang nakapansin. Heh!

No comments: