Tuesday, January 03, 2006

aray...

Kagabi nagtext ang ka-block ko na wala kaming chem, histo at philo, ang tatlong subjects ko ngayong araw na ito. In short, wala kaming klase. YES! Naka-smile ako noong natulog pero paggising ko para akong binugbog. Sa sahig kasi ako natulog(may kuston naman) at grabe ang bandang baba ng likod ko at ang aking dibdib ang sakit-sakit! Nagising pa ako ng mga 3 at sumalubong sa akin ang napaka-sabog na boses ng isang OFW na kumakanta sa radyo. At di lang pala siya, sinundan pa ng isa pa. Aarrghh... may kasunod pa yata eh buti na lang may hostage situation sa may Taguig(wala namang nasaktan) at natigil ang torture.

Nakakatuwa iyong radio host kasi kinukulit niya iyong reporter na gamitin raw iyong station nila na tool para mapasuko iyong nang-ho-hostage. Medyo mahiyain ata iyong reporter tapos mapilit iyong host, pakiramdam ko nga mag-aaway iyong dalawang iyon sa meeting nila mamaya. Pero hindi pa rin nito napawi ng tuluyan ang sakit at napilitan akong umakyat at makisiksik sa kama. Nawala naman ng onte at nakatulog na ako pero paggising ko ang sabog ko pa rin. Hindi talaga ako siguro dapat nagbabakasyon ng matagal. Tignan mo last week nagkasakit ako, sa totoo may mga tira-tira pa ng sakit ko. Feeling ko iyong sakit ko sa ulo umaaligid-aligid lang banda diyan at isang maling galaw ay babalik na. Siguro ganun iyong feeling ng mga torture victims(malamang mas malala iyong sa kanila).

Kaya lang makakapasok ba ako bukas? May sore eyes nga ako eh. Baka mahawa ko ang aking mga ka-block. Hmmm... bala na. Anu ba ang sore eyes parang sipon lang yan pero sa mata nga lang. Ah basta aatend na lang ako ng lab tapos kung papalayasin nila ako aalis na ako. Iiwan ko na lang iyong mga ipinapapasa. Pero sana magaling na ito bukas para mas masaya.

No comments: