Tuesday, January 31, 2006
Di ba kahapon na-bwisit ako? Well, masaya na ako ngayon. Nakuha ko na results ko sa chem14.1 dep test, hindi sya ung chem 14, ung lab ito. Syempre matino score ko! Masaya ba ako kung hindi?! Duh! ok. 92% ako! hehehehe... of course marami akong mali, pero matino na iyan. ayos na iyan. masaya na ako diyan, pero mas masaya kung mas mataas. Hehehehe...
Problema ko lang ngayon nagkanda-leche-leche ang mga activities ko, 2 tests sa sabado, may debut after, wala pa akong damit, may std practice, may practice pa for presentation dun sa debut, may notecards sa kom2, manonood pa kami ng big time bukas, gagawa ng reaction paper at may report sa psych10. Oh yeah! Masaya ito! Bangag moments again... pero di ako magpupuyat.
Monday, January 30, 2006
ops! may pahabol!
na-move na ang dalawang dep sa chem. So hindi na tatlo ang aking tests sa sabado, dalawa na lang pala. oh well... karir mode dapat lalo na iyong philo1... kaya pa ito...
tapos na ang 2nd lt sa histo5 at madali naman siya ng onte pero medyo marami rin ang hinulaan ko, pero parang gusto ko ganoon na lang iyong tests kasi ang oti eh... halimbawa... university of the --84-- college of --85-- ... oti talaga...
sabi ko sa inyo hindi ko kaya gumawa ng malungkot na post eh...
masyado akong masayahin at tumitingin sa magandang parte ng buhay, pero kung iisipin ko pwede ng pang-teledrama ang buhay ko... hehehehe... sulat ko dito? ayoko nga, aayusin ko muna (hindi organize o compose, aayusin)... yey walang pysch10 bukas... tinuan dapat ang report...
Aaaarggh!!!!
Toot talaga! I hate me! I hate me! I hate me!
Grrr...
Hingang malaliiiiim.... haaaaaaaa...
Bakit! Bakit! Bakit! Huwag ka na gumamit ng mga defense mechanisms, Ado! Tapos na! Kasalanan mo ito! Well, hindi naman lahat, pero may kasalanan ka pa rin!
Malas nga talaga siguro ang mga dragon ngayong taon...
Oh well... tuloy pa rin ang buhay... babay matinong grade sa philo1...
Saturday, January 28, 2006
flea
Ayan! Puro tests na naman sa mga susunod na linggo. Hindi na pala dalawa ang sabay naming tests sa sabado, TATLO na! @#!&! Sana talaga malipat ang chem dep namin kasi naman naman naman...
Hay... Quizzardry kahapon sa UP Manila. Kung hindi nyo po alam, sumali kami noong high school pa ako dito, in short last year. Sa awa ng Diyos, nakakuha kami ng third place. Hehehe. Nababangag na kasi kami ni xylene noon eh, dapat talaga si VG na lang ang pinaglaro noong finals, malay mo lang. Hehehehe. Anyway, sumali uli ang quesci sa high school division, second lang sila. Walang nagawa ang aking geo handouts pero may natulong naman. Bakit ba kasi galit na galit ang mga Xientians sa Earth Sci? Mas maganda, bakit hindi pa tinuan ng kisay ang pagtuturo ng Earth Sci? Anyway, pag natapos na ako sa geo ng nat sci2, ipamimigay ko na sa kanila ang aking notebook at handouts. At least, kung mabasa nila at maintindihan, mababawasan ang kahinaan nila sa geo, so bio na lang na sa pagkakaalam ko ay tumitino na. Tsaka pala ang dami kong natutuhan, ex. tumatalon ang flea to the north lamang
Wow! May nasulat akong mahaba-haba! Sabi ko ilalagay ko lang na hindi ako makakapag-blog sa "hell week" na darating. Ah yun! Natayp ko rin. UP fair pala sa feb, di ko alam eh. Ah basta alam kong PH month ang feb. Na-curious naman ako sa UP fair, punta ba ako? Well, pag may nagyaya sa akin.
Wednesday, January 25, 2006
Sunday, January 22, 2006
too many sighs
Will be busy for the the next few weeks. *sigh*
But not right now... Let's see what I need to do...
prepare for psych10 test and report, histo5 test, chem14 dep, chem 14.1 dep, komII concept paper and others, philo1 report, fever dance thingy, nat sci2 test and production number...
*sigh* Atleast they'll occur one after another; thus I get only one hell week. Hopefully I do good on all the tests so the end of this semester would be really fun.
I want to read Memoirs (heard the movie was not so good; maybe I'll watch it if I have the resources). I need to buy the most recent installment of WoT. I have to buy some things to prepare for the unholy heat this summer.
Writing a term paper is hard... huhuhu... it eats all my free time... huhuhu...
Haven't touched my sax in weeks, it'll be two(or three) years since I bought it and I'm still crap at least I can play simple tunes. Oh well... need to find a good midi editor, my current editor sucks(it's so hard to read notes, I have to write it on a sheet of paper).
Tried to store my dreams, didn't work, have to practice maybe I could be like Egwene. Another thing to learn, the Aes Sedai and Asha'man ignore-the-heat trick, could be useful if true...something about breathing...
Hello people! Happy Chinese New Year(tagal pa kaya).
dinagdag:
Panalo si Pacquiao. Yey! Papapalitan niya ang $2million dito to peso tapos tataas ang value ng peso, as if! May bagong org sa kisay, Young Scientists Guild, at isa ako sa mga alumni member. hah! org para sa mga contestant... intriga to... naisip ko lang di kaya matulog na lang sa mga science subjects nila ang mga kasali dito? Naalala ko iyong chem time nung 4th at 3rd year parang nasa trance state ako. oh well... magaling naman ang mga members... at mas napaghahandaan nila ang contests sana lang di sila magsawa tulad ko...
Tuesday, January 17, 2006
Library...
Hahaha...
Magandang bagay talaga nangyayari sa akin pag nagli-library ako.
Nakakita ako ng thesis na similar sa term paper na gagawin ko at...
Nakita ko si Tado at Lourd(ng radioactive sago project) kanina! Nagtitigan pa kami, kasi mukhang ako lang ang nagulat at nakakilala sa kanila. Sisigaw sana ako at hihingi ng autograph kaya lang nakakahiya. Hehehe...
Bakita kaya sila nandoon?
Ewan...gagawa na nga ako written report.
Saturday, January 14, 2006
->arisse: uy... uy... uy... senti ah... kaya mo yan. marami kang kaibigan.
Sabi sa akin ng friend ko kanina, "Kakaiba ka ado, hindi ko mukhang taga-Manila(upm). Nag-fi-fit in ka sa Diliman." Nagtaka ako dito... sa jeep iyon lang iniisip ko kaya lang tinulog ko na lang. Inaantok ako nun eh.
Quotable Quote ko:
Friend: Wala na akong pera! Pano ako makakauwi nyan!
Ako: Ok lang yan. Marami ka namang kaibigan.
=p
Terrific Thursday and Sartre
Nabanas talaga ako sa mga ka-block ko kahapon. Hindi naman lahat ng tao pero sa ilan lang. Kasi humingi ako ng pabor sa ilan kong ka-block, itext naman sa akin iyong mga themes of existentialism na tinuro sa amin. Nasa kanila kasi ang blubuk ko sa Philo1, nandun lahat ng sinabi ng prof namin at finilipino ko at pinasimple para maintindihan ko. At nandun rin iyong ilang insights ko. In short, pinaghirapan ko gawin iyon. Tapos hiniram nila at pinaphotox, ayos lang naman sa akin iyon eh. Nanghihiram rin naman kasi ako ng notes sa mga sabjek na hindi ako nag-no-notes tulad ng psych10. Kaya lang nakalimutan ko kunin sa kanila at nalimutan nila isauli sa akin. Nasa lrt na ako nun ng nalaman ko, kaya lang maganda na ang upo ko doon kaya hindi na ako bumaba. Ayos lang sabi ko, papatext ko na lang iyong themes kasi may copy pa naman ako ng readings at may internet naman, tsaka naaalala ko pa naman ang sinulat ko doon. Alam ko na walang load ang ite-text ko pero umasa pa rin ako na gumawa sila ng paraan para matulungan ako kasi nasa kanila na nga notes ko eh piso lang naman ang gagastusin nila. Pero walang dumating. Hay... nakakaasar talaga. Ang sakit ng pakiramdam na parang walang may pakialam sa iyo. Papakabait na nga ako...sana lang...
Tapos sabog pa iyong presentation namin sa pe at may ilang bagay pang nangyari na nakakaasar at nakakadown. Halos di na nga ako makinig sa chem at parang nararamdaman na ng katabi ko na medyo asar ako. Comment pa nga ng isa, kala niya sasabog na ako kanina. Ningitian ko na lang siya. Naisip ko puyat ka lang kaya ka ganyan, kaya pumikit na lang ako at nagpahinga. Nandun pa rin naman ako. Hindi ako natutulog sa klase, nakakatakot kaya! Pagkatapos naman ng chem at histo5, nag-notes na lang ako para hindi na mapikon. Kahit papaano nawala naman siya, nakapag-aral naman ako kahit papaano at nakapagnotes pa sa histo. Maayos naman ang ginawa ko sa test namin, may onting kulang pero pwede na para matino ang score. Terrific Thursday talaga!
Friday the 13th ngayon, dalawang kamalasan lang ang nangyari sa akin. Una, naipit ko ang index finger ko sa aking kaliwang kamay at masakit, sana hindi nagka-fracture. Nagagalaw ko pa naman at pangalawa, hindi ko nalagyan ng annotation ang kom2 ko kasi naman tinatanong ko sila eh wala namang sumagot ng matino, kala ko di nila lalagyan, nilagyan pala nila. Takte! Pero ayos lang, matino naman ang score ko sa nat sci2 eh, 84%. hmmm...sounds family... d ba 84% ka rin sa chem? ah...shut up ado! Kung di ko lang napagbaligtad ang striations part sana 84.67% ako na 85% na rin. Oh well...
Nagpunta nga pala ako sa upd kanina, nakita ko sila. Nag-usap pero parang ang tahimik namin. Lumalayo na ba kami sa isa't-isa o baka naman kasi naubos na ang kwento ko sa mga post ko sa y!grup? Hindi naman siguro... sana naman hindi...
May bago pala akong philosophy/ies care of Sartre and the existentialists:
You are what you choose to be. You are not what you can do or the things you might do but what you did do. You are the sum of the choices you make. You are responsible for who you are.
You are condemned to be free.
...existentialism...kala ko noon pessimistic view lang sa buhay iyon, matino-tino pala siya...
Monday, January 09, 2006
Baaaa...
Last night I was finally able to watch Silence of the Lambs on Studio 23. It was scary and creepy and ugh… It reaffirmed my plans NEVER to work in a psychiatric institution which holds violent patients like serial killers. The movie was not scary in a there’s-a-killer-on-loose kind of way but in another. I can’t explain it, it’s scary and I want to switch channels but I come back again, if not for the horror then it’s for the crash course on psychology and forensics. Who says TV doesn’t teach you stuff? About 40% of what I know came from the tube. Cartoons for example teach very important life lessons like dealing with people, how to make fun of someone, and why the telletubbies are evil. I remember when I used to watch the show, it was so moronic and stupid and so out-there it was hard not to watch. Ever seen the music video of Eager Angels by Session Road? Well, it was shot in Corregidor. Remember when I told you we had a trip there and we had a movie maker with us, maybe it was the director of that video looking for locations. And their ferry service was the same as ours (Sun Cruises) not that it’s very important since only a few provide ferry and tour services to that island. Back to the movie, it just screams for a sequel and I think there is, I’m just not sure what. I already saw the first parts of Red Dragon but none of the movie Hannibal. I could read the novels but it’ll have to wait since I can’t buy any new books until February due to my Powerbooks spree last December.
I hope I have a nice week ahead. Oh and yours too!
Aussie open is near, Hingis is back, Feddy is injured(but recovering), Safin resting…hmm…and recently I've lost track of the dates...
Thursday, January 05, 2006
CHEM!!!!
84% ako sa dep namin!
84% lang!
Siguro para sa iba mataas na iyon, di ba?
Pero hindi! Ayoko ng 84% lang. Kung iisipin mo nga 84/110 at kaya ganyan ay may bonus pang 10 points. Toot naman! Kailangan magsikap. Kaya mo yan ado!
Basta sa next dep ako ay makakakuha ng 100! Kaya ko ito! 100! Uno! Para sa Chemistry!
Nakaka-disappoint naman iyang performance mo ado kaya dapat ha! Sa susunod... ala ka nang excuse ngayon. Mas magaling ka namang mag-stoich, solutions at nuclear kaysa sa pag-Le-Lewis at resonance kaya dapat lang.
Basta...100! 100 or drop. joke. 100 dapat ala nang iba pa!
Wednesday, January 04, 2006
~_~
Narinig ko ang isa kong ka-block kanina, sabi niya na parang nakakatamad at di maganda ang sem na ito. At nagpokus sila sa "kapangitan" ng sked namin. Baka nga iyong sked pero ewan ko ba nasa isang "slump state" na naman ako. Parang walang nangyayari. Nagagawa ko na dapat ko gawin at nandiyan na sa harap ko ang kailangan ko pero hindi ko pa rin ginagawa ang DAPAT kong gawin. Hintayin ko na lang kaya ang inspirasyon uli. Nababagalan na naman ako sa oras, nagsasawa sa paligid, nako-kornihan sa mga nangyayari. Pero sandali lang siguro ito. Katatapos lang kasi ng bakasyon. Hindi nga talagang nagbabakasyon ako ng dalawang linggo. Nagkakasakit na, nawawalan pa ng katinuan. Sa sobrang kaewanan ko imbes na mag-aral ng dapat aralin nagmumuni-muni na lang ako tungkol sa mga existentialist themes. Parang may mali sa existentialism eh, di ko lang mapuna kung ano. Iyong para bang may nakita kang tao na maganda naman pero may mali. Ganun iyong feeling. Ha? Anu raw? Basta bored na naman ako sa buhay. Magiging doktor pa rin ako, makaka-uno sa chem(hah!), magiging US uli(hah hah!) pero anu gagawin ko kapag hindi ko ginagawa iyong mga iyon. Magsayaw? Wala namang praktis pa eh tsaka naguguluhan na naman ako. Anu ba yan? Ang dami mong problema, Ado! Gawin mo na lang ang iyong psych10 hw, mag-aral magsaing at magplantsa ng polo.
Alam niyo ba ang larong Chrono Trigger? Ha? Ito ay isang 2D RPG game na malalaro sa SuperFamicom at PS1 at sa isang emulator sa PC. Masaya ito kahit di ko natapos, muntik lang, napagod kasi ako labanan ang final boss(hindi ako gumagamit ng recovery items). Matapos ba naman ng 30 mins na pakikipagbakbakan malalabanan mo ang isang super boss(mga 10 pa lang ako) eh di pinatay ko iyong SuperFamicom. Hay... Eh basta bukod sa story(na may napakalaking loophole na na-realize ko lang nung nilalaro ko na ang Chrono Cross, ang sequel nito) ay napakaganda ng music niya! Wow! Boom talaga! Pag malungkot ako o masaya ay pinapatugtog ko ito at mas sumasaya ako(kung malungkot, sasaya). Hindi ko kilala iyong composer pero master ko siya. Kapag nakahanap ako ng mas matinong midi editor aaralin ko talaga tugtugin ang mga music themes na iyon(Pinakamaganda na nagamit ko Midi Maestro pero di ko na ma-install uli, magaling ang nagprogram ng free trial).
Chem lab. Ang daming nangyayari sa iyo. Kapag nagbalik na sa matino ang buhay ko, eh di masaya. Malapit na, papasok na ang mga prof namin, tatambakan na naman ng trabaho, tests at readings, sasayaw na ako uli, babalik sa dapat panggalingan(di mamatay noh!) at magkulang uli sa tulog. Malapit na pero wala pa. ~_~
Wala na akong sore eyes. Naloko ko sila, kala nung isa umiyak ako. Iyong iba dedma. Isa lang nakapansin. Heh!
Tuesday, January 03, 2006
aray...
Kagabi nagtext ang ka-block ko na wala kaming chem, histo at philo, ang tatlong subjects ko ngayong araw na ito. In short, wala kaming klase. YES! Naka-smile ako noong natulog pero paggising ko para akong binugbog. Sa sahig kasi ako natulog(may kuston naman) at grabe ang bandang baba ng likod ko at ang aking dibdib ang sakit-sakit! Nagising pa ako ng mga 3 at sumalubong sa akin ang napaka-sabog na boses ng isang OFW na kumakanta sa radyo. At di lang pala siya, sinundan pa ng isa pa. Aarrghh... may kasunod pa yata eh buti na lang may hostage situation sa may Taguig(wala namang nasaktan) at natigil ang torture.
Nakakatuwa iyong radio host kasi kinukulit niya iyong reporter na gamitin raw iyong station nila na tool para mapasuko iyong nang-ho-hostage. Medyo mahiyain ata iyong reporter tapos mapilit iyong host, pakiramdam ko nga mag-aaway iyong dalawang iyon sa meeting nila mamaya. Pero hindi pa rin nito napawi ng tuluyan ang sakit at napilitan akong umakyat at makisiksik sa kama. Nawala naman ng onte at nakatulog na ako pero paggising ko ang sabog ko pa rin. Hindi talaga ako siguro dapat nagbabakasyon ng matagal. Tignan mo last week nagkasakit ako, sa totoo may mga tira-tira pa ng sakit ko. Feeling ko iyong sakit ko sa ulo umaaligid-aligid lang banda diyan at isang maling galaw ay babalik na. Siguro ganun iyong feeling ng mga torture victims(malamang mas malala iyong sa kanila).
Kaya lang makakapasok ba ako bukas? May sore eyes nga ako eh. Baka mahawa ko ang aking mga ka-block. Hmmm... bala na. Anu ba ang sore eyes parang sipon lang yan pero sa mata nga lang. Ah basta aatend na lang ako ng lab tapos kung papalayasin nila ako aalis na ako. Iiwan ko na lang iyong mga ipinapapasa. Pero sana magaling na ito bukas para mas masaya.
Monday, January 02, 2006
HAPPY NEW YEAR!
Bagong mga kulay!
Bagong layout!
Bagong buhay!
Bagong cellphone! hah! panakaw mo muna ado, kung may magtangka man.
Comment naman kayo kung ano pakiramdam ninyo sa bagong itsura ng blog ko.
May pasok na kami bukas. Hay... Sige iyon lang.