Ay nako. May LSS na naman ako. Ang kanta, Isipin mo na lang. Nakaadik kasi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagpapakasenti naman ako kasi ganun. Ilang araw na ang epekto ng nangyaring iyon sa akin. Kala ko ba tigil na ado?! Takte.
Uy...may assignment ka pa ado! Gawin mo na. Tapos i-popost mo iyong ginawa mo para wala lang. May nanood pa ba ng palabas na iyon, Oliveros hindi olliveros, eng-eng! Pagdadalaga=blossoming pala. Siguro mas maganda na iyon kaysa sa maturation(parang alak), growing(parang pambata) at iba pang salita na naiisip ko.
Gusto ko manood ng dula. Ang tagal ko na hindi nakakapanood ng matinong dula. Iyong tipo ng dula na magugulat at mababangag ako. Patawad, hindi ko po nagustuhan ang St Louie masyado. Ewan ko ba, pauso kasi hindi naman siya musical na musical. Pero hindi naman siya pangit, maganda nga ang end ng act 1 at act 3 eh, ang lakas ng dating tapos akma iyong mga kanta kaya lang iyong iba parang scenes parang "filler" na lang.
Stream of conciousness. Absent ako noong pinagawa sa amin iyan. Hindi tuloy ako marunong ng ganun pero parang ganito yata iyon. Ayan tuloy alang sense. Kakabasa ko lang ng interview kay Rica Paralejo sa philstar, parang andaming grammatical errors sa mga sagot niya. Ah ewan. Hindi pala pwede maglagay ng "comments" within a post. Hay...
Sunday, December 04, 2005
no title
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment