Sunday, December 18, 2005

Break

Christmas break na sa wakas! Oras na para matulog ng matagal at magbabad sa computer at syempre magpataba. Oo nga pala, linisin ang aking kama este kwarto.

Ang daming nangyari ngayong lingo. Una sandamukal(OA naman, actually 3 lang) na tests, isa na dun ang pinakamamahal ko na chem dep. Pero hindi ko na ikwekwento iyon, madugo masyado ang mga nangyari sa exam. Pangalawa, nag-party ang aming college at block. At pangatlo, ang lantern parade.

Pano ko ba ito sisimulan? Ayun nagparty kami sa college. Kala namin pupunta lang kami, uupo, tapos kakain. Mali pala kami, VARIETY SHOW pala ito! Toot naman. Sinabihan na kami na maghanda ng isang presentation pero dahil pasaway at tamad kami, hindi na lang kami gumawa agad, nung nalaman na lang namin na seryoso ito tsaka na lang kami kinabhan. To the rescue naman ang dalawang singers ng block namin(as usual ala ang kabilang block, may 2 dumating pero di ata tumuloy) kahit medyo napilitan ang isa dahil may "camera" raw at no-co-concious siya kapag may kamera. Nagkapera naman sila eh kaya ayus lang. Kahit medyo na-ba-bangag na talaga ako sa mga numbers at sumakit ang tiyan ko sa nakain ko ayos lang dahil NANALO, ulitin ko ah, NANALO AKO! Ng ano? Ng tupperware! Joke lang. Ng tupperware at 500 pesos! Wow! Pers taym kong manalo ng kahit ano. Sana magpatuloy ito dahil gusto ko manalo sa promo ng powerbooks. Hehehe. Pupunta uli ako next year, malay mo manalo uli ako.

Pagkatapos ng lahat(isama mo na ang unsuccessful tagutaguan namin at isang nakakagulat na exchange gift), nagpunta kami sa McDo sa may Pedro Gil station ng LRT. Baket kamo? Anu ka ba! Birthday ko may party kami! Joke lang! Baliw ka! Pero nagparty nga kami, binayaran namin ang lugar at may pagkain wala nga lang mascot. Wala ring cake dahil nawalan ng pera ang isang taong hindi nagbabasa ng blog na ito. Kala ko kakain lang kami tapos dadaan na lang. May mga plano pala sila. "Hot Seat." Nung una talaga na-co-cornihan ako at medyo kinakabhan. Pero naging ayos lang. Nakatulong pa nga kasi parang gumaan ng kaunti ang aking buhat. Nagkaiyakan, nagkatawanan, at nagka-awww... moments, wala namang nag-away at wala ring nagkasakitan. Naging masaya ang gabi. Hindi ako nakaupo sa hot seat at pakiramdam ko hindi pa ako handa pero ayos lang. Itutuloy naman raw namin. Ano kaya ang mangyayari kung ako na.

Kinabukasan, masakit ang tiyan ko at hirap na hirap ako gumising. Pero dapat tumayo kahit ayaw. Lantern parade noh! Ayun nalaman ko na lang nasa LRT station na ako na puno ng tao(malaki ang gulat ko dito dahil hello! 11 na bat kayo nandyan lahat?!) at sa mabuting palad naka-upo ako dahil kung hindi baka mag-collapse ako. Tapos ayun nasa upm na ako. Bumili ako ng Sky flakes para malagyan ng laman ang aking tiyan. Wala gaanong epekto. hay... Sabi na nga ba onte lang ang darating. 8 pa lang kami. Nagrob na lang kami. Humiwalay ako sa kanila. Nagmuni-muni at namili sa powerbooks. Tapos lp na! Masaya. Masaya. Masaya. Yun lang. Pagktapos natalo kami, 2nd place lang. Tapos, kain ng libreng Burger Mcdo sa napakagandang facade ng Lara hall. Tapos uwian na. Ayun lang. Walang kwenta kwento mo ado. Anu ba yan.

Tama na ito. Mawawala muna ako siguro. Xmas break. Wala sa mood magpost. Meron akong tinatago, aayusin ko pa, baka may makaaway pag hindi maayos.

No comments: