Thursday, December 29, 2005

HAPPY BIRTHDAY ADO!

Kaarawan ko ngayon! Hah! Tumanda na naman ako. 17 na ko! Isang taon na lang legal na ako. Hay… corny naman ako eh kaya masasayang lang ang mga “privileges” ng pagiging 18 at siguradong pagkakamalan na naman akong 13 yrs old. Mag-ahit kaya ako, kung gawin ko siguro iyon magiging 11 na lang ako. Masaya… hehehehe. Kukuha na raw ako ng lisensya sa pagmamaneho. OPO, marunong ako magdrive at wala pa akong nasasagasaan o nababangga.

Ano pa ba ang nagawa ko noong nakaraan taon? Nasa college na ako. Nasa paaralan pa rin ako na nabubulok na ang mga kagamitan(basahin: UP, Quesci). Nakakilala na naman ako ng ibang tao. May nakabonding na iba at wala pa namang nakaaway, mayroon lang isa na nakakaasar pero lahat naman ata kami ganun ang pakiramdam sa kanya. Natuto ako ng mga bagong konsepto sa chem tulad ng Molecular Orbital Model at isang matinong paraan ng paggawa ng Lewis structures. Tumangkad daw ako, pero hindi ako naniniwala. Gamit ang panukat ng lolo ko nasa pagitan pa rin ako ng 5’2-5’3 idagdag mo pa ang kapayatan ko(93-100 pounds) at boom! Sa madaling salita, maliit pa rin ako(tatalon uli ako sa new year). Matino-tino na ako maglaro ng tenis pero hindi pa rin ako marunong mag-serve. Nakakatuwa pala mag-volley, kaya pala ganun ang ginagawa ni Federer eh. Uh... anu pa ba? Nabasa ko ang WoT at HP at Chronicles(hindi ko to natapos) at iba pang likhang panitikan ng iba't ibang manunulat. Nagpanata ako ng grad namin, nagsuot ng toga, naglakad, grumadweyt. Natuto na ako gumawa ng skin at gamitin ang photoshop. Mas matino na rin ang mga sanaysay ko. Ang dami. Wala pa sa isang kapat yan. Marami-rami rin pala akong nagawa.

Alam niyo ba dapat raw RAMON ang pangalan ko! Yak! Kadiri! Maiisip mo bang ako ay isang RAMON! HaH! Ngayon mas natatangkilik ko na ang aking pangalan Adovich Sarmiento Rivera. Kahit parang german o rusyan, kahit napaka-unique nya, kahit minsan inaasar ako na "Oi! Vich!" ayos lang basta hindi Ramon ang pangalan ko. Ewww...

Ninos Inocentes nga pala ngayon! Magsimba ka nga! asa!

No comments: