Wednesday, November 30, 2005

18/20

Kakapanood ko lang ng Pagdadalaga ni Maximo Olliveros. Nakakatuwa. Tsaka na siguro ang pagtanaw at pag-analisa ng pelikulang ito. Kapag na ayos ko na ang aking utak at tumagos na ito sa aking ulo. Patawad ganun talaga ako pagkatapos manood ng mga pelikula, hindi agad nakikita ang "deeper meaning." Pansamantala makontento muna kayo sa aking pagsasabing NAKAKATUWA ito! At maganda ang sound effects lalo na iyong song nila. Kaya lang nakalimutan ko na iyong tune. Panoorin ninyo po at dapat mulat kayo at huwag matulog. May parte kasing medyo aantukin ka pero dapat maging masigasig!

Anu pa ba? May sakit ako ngayon pero nakalakad pa at malamang pumapasok pa rin. Dry cough lang naman at sipon, ayos lang kaya naman kaya lang nakakaawa na ang katabi ko sa klase, jeep at lrt, mahahawa sila.

Ayun, sa susunod na uli, magbabasa pa ako ng 15-page na reading para sa Histo5. May maganda namang epekto ang pagbabasa, highest ako sa pampa-test namin sa KomII. Score ko po un sa taas. Mayabang talaga! Anu ba, minsan lang ako makakuha ng mataas sa Filipino, wahahahaha!

No comments: