Saturday, November 19, 2005

Ayun

Muntikan ko na makalimutan na magpost ngayong lingo. Naalala ko na dapat pala nagpost ako noong miyerkules. Nadala kasi sa pag-aaral ng kung anu-ano at paggawa ng isang hw na ala namang kahalagahan sa buhay(popost ko produkto ng mga oras na nasayang sa susunod). Di ba sabi ko movie ideas ngayon? Tinatamad ako eh. Dapat nga hindi na ako magpopost kasi inaantok na ako at kailangan kong bumawi sa tulog dahil 2 araw akong magkasunod na gumising ng 4 kahit na ang master clock ng katawan ko ay nagsasabi na gumising ng 6. Ano ba ilalagay ko dito? Mga bagay-bagay. Tama ang nga ang mga una kong pakiramdam sa mga guro ko. Sa kom2 oti nga talaga siya, sa natsci2 para nga talaga siyang si Sir Sanghel, sa Psych10 hindi naman siya ganoon ka walang kwenta pero sana naman tumino pa ng onte, sa Chem14 wala lang. Ayun.

Manood nga pala kami ng HP4 bukas, at lalaitin ko na siguro ito sa susunod kong post. Bakit ko ba pinanonood iyon eh alam ko namang mabwibwiset lang ako dahil hindi ito maaachieve ang aking standards(hindi naman ako demanding pero kung ako JK sasakalin ko ang mga directors ng movie pati na rin iyong writer). Oo nga hindi talaga makokopya o maaadapt ang lahat ng nasa libro pero dapat nandoon ang diwa. Dapat pag nanood kami maramdaman namin pero bakit natatawa lang ako pag nagagalit si Harry? Sa libro nga natakot talaga ako sa book2 at end ng book1 at grabe ang tuwa na naramdaman ko sa end ng book3. Bakit ganoon? Binasa ninyo ba ang libro? English director raw ang magpapabago ng views ko(kasi Ams ang previous 2) pero base sa trailer parang hindi.

Panawagan nga pala sa mga nablo-blog, pakiwasan po ang paggamit ng text lingo. ung tld n2. kc ang hrp bshn eh. lm ko ngwa k n un dti pro ngbgo na me kya u n rn, d b? =) Naisip ko lang kung tinatamad kang itayp ang buong salita huwag ka na lang magtayp. Kahit gaano ka naman kagaling magsulat kung sabog at hindi mabasa/torture basahin ang iyong sinulat walang mag-aapreciate nito. Symbolism ba? Nagblo-blog ka para sa iyo? Bakit mo ginawang public? Ay nagalit bigla! Hindi iyon lang po. Txt lingo at blog ay hindi dapat magsama.

Cla-cla, pROSE ay hindi pRO. Punta ka dito
pROSE. Good luck sa italian mo. Saya kanina natsci2, nakasagot ako ng tanong. Yey! Sana uno(yabang talaga).

No comments: