Tuesday, February 28, 2006

Takte! Wala na namang pasok! OA naman kasi! Grrr...

Bakit ba ngayon pa? Kung kailan wala akong dalang gamit para magpaka-GC, ok lang sana kung nasa amin iyong mga notecards eh, eh di nasimulan ko na iyong term paper. Tinatamad naman ako gumawa ng pysch. Hay...

To cla-cla ang kyut na 20 year old: Hindi pa po martial law, state of emergency lang.

Sunday, February 26, 2006

Hell week na naman. Pero kaya ko ito! Bring it on! Hehehehe...

Booo Psych 10 Boooo!

Sige, bilangin natin. Bio long test, psych10 long test, philo1 long test, chem14 dep, kom2 chorva, nstp presentation, pe practice, histo5 report... teka lang parang lahat na ata ng subjects ko ngayon iyang mga yan ah!

Kanina nga pala may sunog malapit sa amin. Dedma naman kami. Hindi man lang kami kinabhan eh parang ang lapit-lapit nga ng sunog. Wala kasing telepono ang buong area namin(Sta. Quiteria), may magaling kasing taong nanakaw ang main line ng telepono(mataba iyon at malaki, parang ewan nga kasi walang nakakita na ninakaw ito) na nagko-konek sa amin sa kabihasnan ng mga telephone lines. Effect sa akin? Wala masyado kasi hindi ako telebabad person at ang aming internet ay hindi nakadepende sa telepono. Wahahahaha! Kaya nga lang kung sakaling magkasunog(tulad kanina) wala kaming choice kundi gumamit ng telepono. At naghihirap rin ang mga internet shops sa amin kasi walang DSL ngayon. Wawa naman pinsan ko.

Nagkakagulo na sa Pilipinas, hehehe. Wala na naman akong pake, parang ewan. Dapat nakikinig ako sa balita ngayon eh kaya lang ang OA kasi ng coverage parang magbuhat lang ng isang upuan o kaya bumahing iyong isang general magre-react na lahat ng reporters. Ah basta talo kami sa Fev-ER. Bukas na siguro(sana na rin) ang results sa chem 14 2nd dep. = /

Saturday, February 25, 2006

dapat

Ang daming dapat nangyari ngayon na hindi nangyari.

Dapat nag-tennis kami ng aking best friend kaninang umaga sa up diliman at tapos manonood ng show ni Erik Mana sa hapon. Pero hindi natuloy. Tinamad kasi ako gumising ng maaga, dahil ilang araw rin akong medyo puyat(opo hindi ako sanay matulog ng anim na oras o mas mababa pa). Iyong pangalawa, may dalawang dahilan. Una, nagkaroon ng failed coup chuva at dahil dito ay na-move ang show date. Pangalawa, naubusan kami, o ako, ng ticket para sa palabas. Sayang gusto ko pa naman ma-feel kung ano ang feeling ng binabasa ang utak. As if naman mag-vo-volunteer ako kung sakali.

Dahil hindi naman natuloy ang tennis at show sa hapon, nagpasya akong umatend ng practice sa std. Dapat meron, pero wala. Pag dating ko doon tahimik ang paligid at pagpasok sa room na pinag-pra-praktisan namin ay nagulat ako. Nandoon lamang ay mga gard, takte. Sayang pamasahe, pangalawang kasalanan na ito ng std sa akin. Una ay iyong unang practice na super short notice at eto naman na walang notice. Sabi ng aming mabuting president, walang practice kasi state of emergency ngayon sa Pilipinas, how nice... sinama pa ang politika. Pero iyong seryosong dahilan, pahinga raw kasi "napagod" kami sa compet.

Dapat rin ay kakain kami sa labas, kasi dadalaw ang mga taga-bulacan kong kamag-anak pero hindi natuloy bukas na lang raw ng tanghali. Ibig sabihin, mag-cra-cramming moments na naman ako bukas ng gabi. Sa kabilang panig, kakain kami sa eat-all-you-can, makakatulong ito para mapataba ako.

Dapat rin ay nagawa ko na ang choreo namin para sa SD finals. At least may kanta na. Sana nga lang tanggapin ng "Greater Powers."

Eto wala nang relasyon sa mga bagay sa itaas. Mukha raw akong grade 6 ayon sa isang prof sa upm na hindi ko kilala. Marami ang nagsasabi na mukha raw akong bata, sige na nga. Kaya nga hindi ko tinatangka manood ng R-18 na pelikula sa sine kasi siguradong mabibisto ako. Ang pinakamababang age na sinabi sa akin ay 13. Sige na nga, tapos kapag nag-ahit raw ako baka maging 12 pa. Hay nako... ewan ko ba. Hindi naman ako insecure pero nakaka-asar rin naman ang paulit-ulit na pagpansin nila sa itsura ko. May dati nga akong klasmeyt na sinabing kamukha ko raw si Marcos. Toot! Pano nangyari iyon. Magpakulay kaya ako ng buhok at magbago ng hairstyle tapos magwo-work out sa gym...hmmm... pwede... Asa pa! Hindi ko gagawin iyon. Ah basta, pag ako mukhang matanda na, mukha na silang uh... buto na ginagamit ng Anatomy class. =p

Toot! Kailangan ko na mag-aral para sa philo1, bio at chem14. Tapos mag-isip ng maaaring gawin namin sa simulaw at ayusin na ang nstp namin. Kailangan kong mag-tennis, masarap ata ang pakiramdam ng hinahampas na bola.

Feb 25 ngayon! Edsa rev! Iyong una ha! Ang galing ng mga dokyu na napanood ko tungkol dito, amazing.

bow!

Natapos rin sa wakas. Okay, medyo nagkalat kami. At sabog rin ako. Ni hindi nga ako napagod noong time na iyon eh. Dapat nahihimatay na ako after, oh well. Pero feeling ko naman matino na kaunti ako kahapon, mas matino nga lang noong practice. At least gawa ng sarili naming members ang sayaw. Bakit ba kasi kailangan ng choreographer kung may mga contests? Parang tanga. Sorry po sa ma-o-offend. Pera naman nila iyon eh. May next year pa naman.

Walang pasok ngayon. Nagkatotoo ang aking mga hiling. Yey. Ang gulo ko na naman. Down na naman ako. Kumpleto naman tulog ko.

Malapit na lumabas ang upcat results. At may isang pasaway na general na gusto atang maging hari ng Pilipinas. Malapit na ang deadline ng term paper ko at hindi pa rin naisasauli ang notecards namin. Buhay talaga...

Salamat sa Block 22!

Sunday, February 19, 2006

hooooo....

Where Do We Begin?
performed and written(?) by Mishka Adams
So how are we intended to be?
And how are we supposed to grow?
So this is not the way
and that is all we know
Though it's so round you cannot see(?)
Mankind can't bear much reality
And we go round and round
In a search for dreams
Who will be the one to stay behind?
Who will be the ones to open their eyes?
Birds with the sun above many waters(?)
Look for the different isle(?)
Search for realities that we cannot see in our daily lives
If you look then the truth will come to you my friend
How do we know where to begin?
We're blinded by the way things are
Then look to how it all should be
So this is not the way
and that is all we know
******************
I recently told you about how we now have a broadband internet connection and I am currently in download heaven(after dial-up connections, anything more than 100kbps is heaven). Of course, I am feeling a bit guilty about the "illegal" mp3 files so starting next week I'll start my own cd collection. Hopefully, it won't be too expensive, I'll just apply the same rule I use in buying books, buy anything under 500 pesos. First investment-to-be, Mishka Adam's album. Her songs are so addictive... Oh yeah, she is British-Filipino and a sax player(idol!).

Haven't started the writing part of my term paper and March is approaching. Hopefully, my schedule will clear up after that Thursday thing.

Saturday, February 18, 2006

Official na! US[university scholar] na talaga ako. Sige ipagmayabang pa! Eh, sabit ka nga lang eh! 1.44. well atleast.

Nakaka-high magsayaw sa harap ng maraming tao. Ewan ko ba, kapag practice parang ang hirap ilabas ang lakas sa pagsasayaw. Dalawang beses pa lang ako nagsasayaw sa harap ng mga tao. Iyong una, medyo sabog etong pangalawa, mas maganda na. Salamat nga pala sa aming mga mabubuting kaibigan, napilit namin ang mga iyon na magbayad ng 20 pesos para lang panoorin ang sayaw namin! Fine, sige sa mayaman mababa ang 20 pesos pero dahil taghirap ang iba sa amin... salamat talaga!

May wireless internet connection na pala computer ko, kaya ang bilis-bilis na. Nakakatuwa. Ang saya-saya magdownload, nga pala magdo-download pa ako ng antivirus. Sige. Sa Sunday.

Sayang at hindi man lang ako nakapunta sa UP fair, mayroon pa naman sa susunod na taon eh. Pupunta ako next year, kahit toxic pa ako. Basta! Pupunta ako!

Nagulat ko ang ilan kong klasmeyts nang sabihin ko ang salitang chenes/tsienes/chienes. Bakit kaya?

Thursday, February 16, 2006

Ano mag-i-english ka na naman ba? Ang tagal mo nang hindi nag-i-english, baka mabarok ka lalo doon? Baba ang tingin sa iyo ng mga tao? Hah? Asa pa sila? Oo nga, kaya ba nila mag-redox? Nyek! Wala akong pinapatamaan.

Yabang moments... "nadalian" ako sa chem14.1 dep! Ayan! Lumabas na! Okay?! Pero malay ko ba, malay mo marami akong mali, pero sana wala. Sabi nga ng ka-block ko,"Kahit pag-usapan pa ng pag-usapan iyong test, wala nang magbabago, napasa na natin iyon." Wait, footnote o kaya biblio...duh...baliw ka ado!

Bitch ang proctor namin kanina! Kakasindak as in, to the max(mmmm....max's). Naka-contribute ata iyon sa performance namin, fine baka magaling siya, bitch pa rin siya. As if naman mandadaya kami sa test kanina. Hello?!

Speaking of pandaraya, naloko kami sa dyip kanina. Kasi may field trip kami at aming kawawang grupo ay napilitan mag-commute/maglakad papuntang hospicio. Nagbayad na kami at naabot na iyong bayad tapos sabi bigla nung driver mamaya-maya, hindi pa raw kami nagbabayad! Toot ka! Iyong mabuti naming prof naman ay nagbayad, grrr... dapat hindi niyo ginawa iyon! Pagbaba namin lumingon ako sa dyip tapos nakita ko nakangiti iyong dalawang lalake sa harap(driver na epal+epal). Buhay talaga! Ang masakit pa doon lalo, sa dami namin naloko pa kami!

Napawi naman ang aming "kalungkutan" noong nakahalubilo na namin ang mga bata. Bilang ph hindi kami bilib sa mga med missions at donations at one-time charity work... nakakatulong sila pero dapat na-momonitor ang ginawa nila. Sayang naman kung ang inayos na ngipin ay pababayaan hindi ba? Anyway, ayon nakakatuwa, ang kulet ng mga bata doon at malambing pa. Sabi sa amin noon sa nstp class, ingat raw kami sa gagawin namin at sasabihin namin kasi malay ba namin kung ano ang naranasan nung mga bata, gulat talaga ako noong kumandong pa iyong bata sa akin.

Sa kabutihang palad, hindi napunta sa amin iyong bayolenteng makulit(iyong ka-block ko kasi, sinipa ata ng 3 beses, heh, wawa naman siya), kaya lang napagtripan naman noong mga hawak namin ang aming mga cellphones, este, cellphones ng ka-group ko na may camera. Syempre bulok phone ko kaya nadismaya alaga ko sa akin. Tapos ang aking isa pang ka-block na may mahabang buhok ay may nag-fi-filing na hair stylist na alaga, kinawa buhok niya. Bagay pa lang model iyong ka-block ko, iyong "before" model. Mukha siyang ni-rape tapos pinalakad sa labas habang bumabagyo. Tawa talaga ako nang tawa. Sarap talaga tumawa.

Nga pala...

HAPPY BIRTHDAY LOLO DOC!

Saturday, February 11, 2006

Yehey Yehey
Tapos na ang test
Yehey Yehey
Tapos na ang test
Yehey Yehey
Isa na lang sa miyerkules
Yehey Yehey

Friday, February 10, 2006



Chem 14 dep namin bukas.
Pray for us! =p


Wednesday, February 08, 2006

GC talaga!

Grabe... napapabayaan ko na itong blog na ito. Ang dami ko kasing ginagawa eh. Palagi na lang may sinusulat o kaya ginagawang extra-co. Kasi naman masyadong mabait na estudyante, umuuwi palagi ng gabi tapos pagod pa.

Sawi na naman ako sa chem lab... palpak ang aming titration experiment, well hindi naman palpak wala nga lang bonus, misleading kasi ang unang data namin eh. Weird talaga... next time! At napakasabog ng aking psych10 long test, babay uno! hehehehe. As if naman, eh hindi ka nga nagre-recite dun eh kung hindi kailangan. Tinuan mo na lang iyong last test at "scrapbook" ng kaewanan.

May nahahalata ba kayo? Puro ka-GC-han na lang ang nababasa ninyo sa blog kong ito. Kasi naman eh. May maganda namang nagagawa ang pagiging GC, nagiging makulay ang mga panaginip ko. Kaya lang wala namang naitutulong sa bigat ko. Alam niyo ba noong elem ako 100pounds ako tapos nagka-PPTB ako kaya bumaba ng 90 something. Tapos tumaas uli noong high school, ngayon 95 pounds na lang ako. Ifactor mo ang aking pagtangkad, buto't buto na lang talaga ako. Pero pwede pa yan, 110 pounds na goal!

Nagfield trip nga pala kami sa isang "depressed area" sa Paranaque kanina. Hay... Syempre makikita mo iyong itim na lupa, itim na tubig, itim na paa, matatabang tiyan pero tinik na braso, walang kwenta ilong ko pero hindi naman ata mabaho, siguro kung i-kukumpara sa may squatter's area malapit sa amin, lamang iyong sa amin ng tatlong paligo. Oi, hindi ko ji-no-joke joke lang ito... PH po ako(kahit 1st yr pa lang) alam kong ang daming mali sa lugar na iyon. Mag-iinterview daw kami, syempre feeling ko na naman na galit lahat ng tao doon sa amin... merong ngang galit pero dahil bata pa kami, heheheheh... may slight away ata doon sa pagitan ng health worker at isang residente doon... ewan... pulitika... ew...

Nawawalang kwentahan ako sa aming field trip, kasi naman inasahan ba naman kami gumawa ng community diagnosis? nyek! Ano naman ang alam namin bukod doon sa nakikita at naririnig namin? Mas importante, ano ang karapatan namin na gumawa ng community diagnosis?! Pwede siguro kami kuhanan ng raw facts pero ugh... Siguro ginawa lang iyon para mapakita sa amin ang itsura ng isang squatter's area... di sa pagiging masama o anu man pero medyo sanay na ako dun sa mga ganun, may pagkamanhid na ako tungkol sa mga ganung bagay... bakit? basta! medyo nagulat lang ako dahil two or three levels pala doon, mayroon sa lupa tapos sa tubig tapos sa gitna nung dalawa. Takot ko lang naman sa lugar na iyon ay baka makakuha ako ng sakit, mahina ako eh.

Last na, nakakaasar talaga ang mga politiko! Pat mga squatters! Parehas sila. Ang plastic nung una at ang ewan naman ng pangalawa(tama ba namang manghingi ng sardinas at noodles sa amin?). Wag dapat sisihin ang iyong circumstances(coniotic!). Tao ka! Tapos sa mga pulitiko, sorry ha! hindi ako sa district nyo eh, wala akong magagawa kahit magpabango pa kayo ng magpabango.

Binabasa ko muli ang Catcher ni JD Salinger... heh!