Thursday, December 29, 2005

HAPPY BIRTHDAY ADO!

Kaarawan ko ngayon! Hah! Tumanda na naman ako. 17 na ko! Isang taon na lang legal na ako. Hay… corny naman ako eh kaya masasayang lang ang mga “privileges” ng pagiging 18 at siguradong pagkakamalan na naman akong 13 yrs old. Mag-ahit kaya ako, kung gawin ko siguro iyon magiging 11 na lang ako. Masaya… hehehehe. Kukuha na raw ako ng lisensya sa pagmamaneho. OPO, marunong ako magdrive at wala pa akong nasasagasaan o nababangga.

Ano pa ba ang nagawa ko noong nakaraan taon? Nasa college na ako. Nasa paaralan pa rin ako na nabubulok na ang mga kagamitan(basahin: UP, Quesci). Nakakilala na naman ako ng ibang tao. May nakabonding na iba at wala pa namang nakaaway, mayroon lang isa na nakakaasar pero lahat naman ata kami ganun ang pakiramdam sa kanya. Natuto ako ng mga bagong konsepto sa chem tulad ng Molecular Orbital Model at isang matinong paraan ng paggawa ng Lewis structures. Tumangkad daw ako, pero hindi ako naniniwala. Gamit ang panukat ng lolo ko nasa pagitan pa rin ako ng 5’2-5’3 idagdag mo pa ang kapayatan ko(93-100 pounds) at boom! Sa madaling salita, maliit pa rin ako(tatalon uli ako sa new year). Matino-tino na ako maglaro ng tenis pero hindi pa rin ako marunong mag-serve. Nakakatuwa pala mag-volley, kaya pala ganun ang ginagawa ni Federer eh. Uh... anu pa ba? Nabasa ko ang WoT at HP at Chronicles(hindi ko to natapos) at iba pang likhang panitikan ng iba't ibang manunulat. Nagpanata ako ng grad namin, nagsuot ng toga, naglakad, grumadweyt. Natuto na ako gumawa ng skin at gamitin ang photoshop. Mas matino na rin ang mga sanaysay ko. Ang dami. Wala pa sa isang kapat yan. Marami-rami rin pala akong nagawa.

Alam niyo ba dapat raw RAMON ang pangalan ko! Yak! Kadiri! Maiisip mo bang ako ay isang RAMON! HaH! Ngayon mas natatangkilik ko na ang aking pangalan Adovich Sarmiento Rivera. Kahit parang german o rusyan, kahit napaka-unique nya, kahit minsan inaasar ako na "Oi! Vich!" ayos lang basta hindi Ramon ang pangalan ko. Ewww...

Ninos Inocentes nga pala ngayon! Magsimba ka nga! asa!

Monday, December 26, 2005

Manggang Hilaw

At ako ay nagbalik...
Nilalasap ang manggang hilaw...


Natapos ko na rin ang book 10 ng WoT. Hmmm... parang ang onte lang ng nangyari at wala gaanong Forsaken/Chosen na lumabas. Ang haba pero ang bitin. Sayang wala pa akong nakikitang book11 na paperback, merong hardbound akong nakita sa Powerbooks pero wala po akong pera. Ayan alam niyo na ireregalo sa kaarawan ko.

Balak kong manood ng MMFF films. Sana may "matino" kasi parang wala pero baka matuwa na rin ako sa iba. At kung topakin akong panoorin ang Mulawin, grabeng panlalait na naman siguro ang mababasa ninyo rito.
1st impression sa Mulawin: Mano Po3 with wings

Huli na ito pero...


Maligayang Pasko!
Happy Hannukah!
Merry Quanza!
Peaceful Boxing Day!(dunno wat dis is)
Produktibo sana ang Christmas Break mo!
Oy! New Year na!

Sunday, December 18, 2005

Break

Christmas break na sa wakas! Oras na para matulog ng matagal at magbabad sa computer at syempre magpataba. Oo nga pala, linisin ang aking kama este kwarto.

Ang daming nangyari ngayong lingo. Una sandamukal(OA naman, actually 3 lang) na tests, isa na dun ang pinakamamahal ko na chem dep. Pero hindi ko na ikwekwento iyon, madugo masyado ang mga nangyari sa exam. Pangalawa, nag-party ang aming college at block. At pangatlo, ang lantern parade.

Pano ko ba ito sisimulan? Ayun nagparty kami sa college. Kala namin pupunta lang kami, uupo, tapos kakain. Mali pala kami, VARIETY SHOW pala ito! Toot naman. Sinabihan na kami na maghanda ng isang presentation pero dahil pasaway at tamad kami, hindi na lang kami gumawa agad, nung nalaman na lang namin na seryoso ito tsaka na lang kami kinabhan. To the rescue naman ang dalawang singers ng block namin(as usual ala ang kabilang block, may 2 dumating pero di ata tumuloy) kahit medyo napilitan ang isa dahil may "camera" raw at no-co-concious siya kapag may kamera. Nagkapera naman sila eh kaya ayus lang. Kahit medyo na-ba-bangag na talaga ako sa mga numbers at sumakit ang tiyan ko sa nakain ko ayos lang dahil NANALO, ulitin ko ah, NANALO AKO! Ng ano? Ng tupperware! Joke lang. Ng tupperware at 500 pesos! Wow! Pers taym kong manalo ng kahit ano. Sana magpatuloy ito dahil gusto ko manalo sa promo ng powerbooks. Hehehe. Pupunta uli ako next year, malay mo manalo uli ako.

Pagkatapos ng lahat(isama mo na ang unsuccessful tagutaguan namin at isang nakakagulat na exchange gift), nagpunta kami sa McDo sa may Pedro Gil station ng LRT. Baket kamo? Anu ka ba! Birthday ko may party kami! Joke lang! Baliw ka! Pero nagparty nga kami, binayaran namin ang lugar at may pagkain wala nga lang mascot. Wala ring cake dahil nawalan ng pera ang isang taong hindi nagbabasa ng blog na ito. Kala ko kakain lang kami tapos dadaan na lang. May mga plano pala sila. "Hot Seat." Nung una talaga na-co-cornihan ako at medyo kinakabhan. Pero naging ayos lang. Nakatulong pa nga kasi parang gumaan ng kaunti ang aking buhat. Nagkaiyakan, nagkatawanan, at nagka-awww... moments, wala namang nag-away at wala ring nagkasakitan. Naging masaya ang gabi. Hindi ako nakaupo sa hot seat at pakiramdam ko hindi pa ako handa pero ayos lang. Itutuloy naman raw namin. Ano kaya ang mangyayari kung ako na.

Kinabukasan, masakit ang tiyan ko at hirap na hirap ako gumising. Pero dapat tumayo kahit ayaw. Lantern parade noh! Ayun nalaman ko na lang nasa LRT station na ako na puno ng tao(malaki ang gulat ko dito dahil hello! 11 na bat kayo nandyan lahat?!) at sa mabuting palad naka-upo ako dahil kung hindi baka mag-collapse ako. Tapos ayun nasa upm na ako. Bumili ako ng Sky flakes para malagyan ng laman ang aking tiyan. Wala gaanong epekto. hay... Sabi na nga ba onte lang ang darating. 8 pa lang kami. Nagrob na lang kami. Humiwalay ako sa kanila. Nagmuni-muni at namili sa powerbooks. Tapos lp na! Masaya. Masaya. Masaya. Yun lang. Pagktapos natalo kami, 2nd place lang. Tapos, kain ng libreng Burger Mcdo sa napakagandang facade ng Lara hall. Tapos uwian na. Ayun lang. Walang kwenta kwento mo ado. Anu ba yan.

Tama na ito. Mawawala muna ako siguro. Xmas break. Wala sa mood magpost. Meron akong tinatago, aayusin ko pa, baka may makaaway pag hindi maayos.

Monday, December 12, 2005

nangangati ang kamay

Nandito ka na naman! Mag-aral ka na. Multiple choice ka dyan! Huwag mo maliitin ang mga subject mo! Lumayas ka na dito at huwag babalik hanggang hindi natatapos ang mga test mo! Ano ba! Nandito ka pa rin? Baka gusto mong ilabas ko ang mga lihim mong pinakatatago-tago? Aba matapang! Sige na nga. Papatawarin na kita basta umalis ka na pagkatapos ng tatlong minuto. Ayos ba? Vacation mode na ba? Masaya talaga, sana hindi ka na magkasakit ngayong Paskong ito, at syempre dapat taasan mo ang iyong grado sa Chem 14. Karir di ba? Kaya mo yan! Kung... LALAYAS KA NA DITO AT MAGSIMULANG MAG-ARAL!

Sunday, December 11, 2005

garrr...

Nagloloko ang linya ng telepono, kuryente at cable sa aming kalye. Ang mga jumper kasi diyan pakalat-kalat, naggugulo ng buhay ko. Hindi tuloy ako makapaglaro masyado. Tatlong mahahalagang pagsusulit sa linggong ito, histo5 sa lunes, psych10 sa martes at chem14 dep sa miyerkules, pero pagkatapos nito wala na. Christmas break na! Sana manalo CPH sa lantern parade. Nakakatakot ang mangyayari sa MMFF, mulawin, exodus, horror movie, comedy na parang corny aka mano po4. Nasan na ang matitino? Bakit ganoon? Pero ano ba ang alam ko, malay mo matino ang ibang pelikula pero sigurado ako hindi mulawin iyon. Etheria, isang telenobelang nabuo dahil nasayang ang production staff ng enkantadia sa props at costume na pinaghirapan nila. Hay nako...

Napansin ko lang. Noong unang panahon ang mga Katoliko ay naniniwalang sila ang tamang relihiyon at ang mga lupaing sakop nila ay dapat may mga mamamayang katoliko samantalang ang mga arabe/muslim ay hindi namimilit na i-convert ang mga sakop nila, may tax nga lang. Ngayon baligtad na, "accepting" na ang Catholics at grabe naman ang sa mga Muslim. Pattern ba ito? Wala po akong balak manakit ng tao ha! Napansin ko lang, malay mo mali.

Wednesday, December 07, 2005

here's the review...warning...

I have decided to NOT post my kom2 assignment. It was too crappy even for this blog. So where's the review then? I do not feel like doing it but I find it harder to keep insights bottled up. This post might have no coherence if I continue but what the heck.

I really like Pagdadalaga(blossoming). It ranks high in my favorite movies along with those children movies I saw as a kid(which I do not plan to watch again in case I find it corny), Crying Ladies and I am Sam. This movie is something and it's not just about the homosexuality that makes it special. The homosexuality is just the base actually what makes it good is something I find putting into words even using Filipino really hard to do. It's such a "natural" and nice movie. It may be kinda feel-good but compared with the other mainstream Filipino movies showing like Mulawin(the horror! the horror!) and Hari ng Sablay(ewww...). It's a love story but different. It's a growing up movie but much more than that. Actually, I tried to be objective about it and even tried viewing it through the eyes of a homophobe or in other words walking feces. The only thing that will cause you to dislike it is if you are against people being people.

Timeless quotes will be stuck in my mind like "Love is uhm...ah...er.." and "Marami ngang masasamang tao sa mundo pero isa lang ang tatay ko." And those moments, the whistling scene, the where in Maxi made an inside joke "Panget hindi sila nagkatuluyan." And that song! That song! Got to make livewire work! There are so many good things in this movie that it'll spoil your fun if I continue on but I think I will. Some scenes are so fun, what is love according to a adolescent gay kid? I heard "he" has a blog, hmmm... One thing also, those hugs(and there's plenty of them) and "intimate moments" did not cause viewers to stir. Such power that the dirty-minded became wholesome.

Argh... no coherence! no coherence at all! stop right now! GO WATCH THE MOVIE! SAVE THE RAINFOREST! PUBLIC HEALTH YEH! I LOVE CHEMISTRY!

huh... watch it!

************************
In order for those who read this blog to have a much easier time, I have altered the colors. Apologies to those who had a hard time browsing through it. heh. hope you like the "new" colors.

Sunday, December 04, 2005

no title

Ay nako. May LSS na naman ako. Ang kanta, Isipin mo na lang. Nakaadik kasi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagpapakasenti naman ako kasi ganun. Ilang araw na ang epekto ng nangyaring iyon sa akin. Kala ko ba tigil na ado?! Takte.

Uy...may assignment ka pa ado! Gawin mo na. Tapos i-popost mo iyong ginawa mo para wala lang. May nanood pa ba ng palabas na iyon, Oliveros hindi olliveros, eng-eng! Pagdadalaga=blossoming pala. Siguro mas maganda na iyon kaysa sa maturation(parang alak), growing(parang pambata) at iba pang salita na naiisip ko.

Gusto ko manood ng dula. Ang tagal ko na hindi nakakapanood ng matinong dula. Iyong tipo ng dula na magugulat at mababangag ako. Patawad, hindi ko po nagustuhan ang St Louie masyado. Ewan ko ba, pauso kasi hindi naman siya musical na musical. Pero hindi naman siya pangit, maganda nga ang end ng act 1 at act 3 eh, ang lakas ng dating tapos akma iyong mga kanta kaya lang iyong iba parang scenes parang "filler" na lang.

Stream of conciousness. Absent ako noong pinagawa sa amin iyan. Hindi tuloy ako marunong ng ganun pero parang ganito yata iyon. Ayan tuloy alang sense. Kakabasa ko lang ng interview kay Rica Paralejo sa philstar, parang andaming grammatical errors sa mga sagot niya. Ah ewan. Hindi pala pwede maglagay ng "comments" within a post. Hay...