Ang hirap ng walang inaaral lalo na kapag may mga bagay ka na ayaw mong isipin. Buti na lang simula na ng totoong pagtuturo at pag-aaral bukas sa CPH. Anat at Physio bukas(2 subjects bawat araw, 3-4 hours bawat isa). Napakagandang kombinasyon at dahil mas matindi ata ang kagustuhan ng mga taga CPH at CM na maging world-class ay nakahanda na ang schedules namin para sa buong sem at mayroon pa kaming kopya. Tutal meron rin niyon sa CAS pero hindi naman ata nila sinusunod. Problema ko lang bakit hindi ata coordinated ang Anat at Physio namin. Kumusta naman! Habang nag-aaral kami ng mga cells at epithelium sa Anat ay nag-aaral naman kami ng puso at circulation sa Physio. Kaya siguro kami pinag-aral ng BIO 22 at BIO 102, bwiset, kailangan ko ata muling buklatin si Hyman.
-----
Natuwa naman ako sa mahiwagang baul ng aking mga kamag-anak dahil hindi ko na ngayon kailangan pa bumili ng mga libro. Oo medyo luma na at siguro may mga kulang at maling impormasyon doon. Oo, may kakaibang amoy na ang iba(pero gusto ko talaga ang amoy ng lumang libro). Oo, kailangan ko siguro bumili ng bagong libro para naman may magamit ako sa med school at sa grad school pero maghihintay muna ako at napansin ko kasi nagiging tamad na ako mag-notes dahil nasa libro na nga. Kung alam kong hindi ko mapagkakatiwalaan ng todo ang aking mga libro ay mapipilitan akong makinig at mag-notes. Ang magiging problema ko lang siguro kapag walang kwenta ang lectures pero sa tingin ko hindi naman mangyayari iyon. Mas mataas naman ata ang quality ng mga prof sa CPH kung ikukumpara sa CAS(pero matino na rin naman ang mga tao sa CAS at parang DPSM ata ang pinagbabasehan ko ng aking mga sinasabi) kung pagbabasehan ang kanilang kaalaman at karanasan sa kanilang itinuturo.
No comments:
Post a Comment