Friday, November 24, 2006
Saturday, November 18, 2006
Pagod na pagod ako. Buti na lang wala pa kaming mga takdang aralin kaya makakapagpahinga pa ako. Ang dahilan siguro ang panonood ko noong Miyerkulesng Anak ni Brocka sa Cinema One. Asahan mo pa ang mga Pinoy, 9:15 ang iskedyul na simula pero lagpas 10 pa ipinalabas. At dahil natuwa ako sa pelikula(at hindi ko kailangan gumising ng maaga kinabukasan) 12 na ako nakatulog. Siguro ang iba sa inyo ay sanay na, pero subukan niyong gumising ng 5, pumasok, tapos magsasayaw ng 3 oras, tignan natin kung hindi kayo mapagod. Idagdag pa natin na ang dami naming ginawa kahapon sa eskwela, **** yang mga amphioxus na iyan! Minadali-dali ko ang pagguhit tapos hindi pa pala ipapasa.
Nawala ata ako, ayun... nakakatuwa iyong pelikula. Kailangan mapanood niyo iyon. Medyo oti at may pagka-theatrical iyong ibang umaarte pero ayos lang. Iyong plot at pagkakakwento ang maganda at nakakapagpanatili ng atensyon ko. At isa pa, makikilala mo kahit papaano si Lino Brocka; hindi ko siya masyado kilala pero napanood ko na iyong ilang pelikula niya at AMAZING talaga. Isang bagay na natuwa ako, sa pelikula may lumabas na karakter pangalang si Kapitan Contra na ginanapan ni Bembol Roco tapos sa pelikulang Orapronobis may tauhang Komander Kontra na si Roco rin ang gumanap. Tapos siniraan pa nila iyong mga pamagat ng mga pelikula ni Brocka, hehehe.
Sa ibang bagay naman, may PTB like symptoms na naman ako at may suspicious object na nakita sa aking x-ray kaya iinom na naman ako ng gamot. Kailan ba ako makakawala sa sakit na ito? Paano ko mabubura ang sakit na ito sa mundo kung ako ay prone na makuha ito? Buhay talaga.
Tapos ang oti ng PI namin, literary aspects raw ni Rizal ang pag-aaralan. Ok. Pwede na rin pero gusto ko rin ng onting historical part, kasi ang daming kontrobersyang nababalot kay Rizal na hindi makikita sa kanyang mga akdang pampanitikan pero siguro kung sa panitikan pa lang baka nga isang semestre lang ang kasya kaya ganoon ang napagdesisyonan ng prof namin. Isa pa, ibabagsak niya raw kami kapag gusto namin historical approach. Tsk tsk tsk, mag-si-sit-in na lang ako sa ibang klase siguro.

Sunday, November 12, 2006
Aaargh!!!
Nasayang lang ang sembreak na ito!
Wala man lang nangyaring kakaiba sa akin(liban sa ilang maliliit na bagay, hehehe...).
Tapos ayaw pa matanggal iyong pulang tira ng dalawa kong pimple sa ILONG! Teka, hindi lang sa ilong eh, sa gitna pa talaga!
Tapos nalaman ko pa ngayon, aabutin ng 6 hanggang 12 na buwan bago mawala iyon ng tuluyan.
Aaaargh!!!
Pero may solusyon, mag-apply ng hydrocortisone. Sana nga lang may naliligaw na ganoon sa bahay namin para hindi na ako bumili. Oo na! Vain na kung vain pero kasi sa ilong eh, buti kung sa ibang lugar.
At hindi ko pa tapos ang Noli, pero natatawa ako sa kopya ko ng Noli, may mga Ingles na salita tulad ng necessary evil, napaisip tuloy ako kung ano talaga ang ginamit ni Rizal. Kaya lang, sabi ng prof namin, kakaibang Tagalog daw ang gamit ni Rizal noon kaya mangarap na lang ako o kaya maghanap ng mas magandang modernong bersyon.
Para matuwa tayo sa ating buhay, tignan na lang natin ang mga larawan ng aming asong si Barbie(di ako ang nagpangalan niyan noh!)

Saturday, November 11, 2006
Hindi ako natuloy maglaro ng tenis ngayon dahil sa ulan kaninang umaga pero ngayon wala na! Nakakaasar talaga! Magpapasukan na nga eh, hindi pa ko nakapaglaro. Siguro sa isang Sabado na lang, sana nga lang may lakas pa ako pagkatapos ng unang linggo ng pasok. Kasalukuyan ko ngayong nilalaro ang FFXII, tama ang ibang nag-review medyo kinuha iyong plot ng laro mula sa mga naunang laro ng square at enix pati iyong ilang aspeto ng gameplay. Ang isang problema ko lang eh, bakit gumagawa ang mga programmers ng napakagagandang graphics tapos mapipilitan rin naman pala kami gumamit ng mini-map sa laro? Dapat ang mga fields at towns ay madiling pasikut-sikotan, oo mas realistic pero paano namin ma-a-appreciate ang mga pinaghirapan niyo kung ang mata namin ay nakapokus sa mini-map?
Ayun... pasukan na. Kakapanood ko lang pala ng Alice ni Woody Allen sa Lifestyle. Ang kulet! Hehehehe...

Thursday, November 09, 2006
Sa monday ang unang araw ng aming klase at katatapos ko lang kahapon mag-enrol, pero may problema pa rin ako. Kulang pa ako ng 1 subject/3 units na kakailanganin ko pa tuloy i-late reg. Isang malaking pahirap pero nakakatuwa gawin kasi kapag nakuha mo na ang kailangan mo para ka nang nanalo sa lotto! Ganoon ang pakiramdam dahil bukod sa hindi mo sigurado kung makukuha mo nga ang gusto mo, maaari ring maagawan ka pa o kaya naman makabunot ka ng pangit na araw ng pag-e-enrol(may box at papel talaga!). Idagdag mo pa na kailangan mo papirmahan ang mga form sa adviser mo na nasa kabilang dulo pa ng mundo nalalagi. Tapos mayroon pang kandahaba na "pila", mainit na corridor at mga estudyanteng nakikipagpatayan kumuha ng subject. Pero kakaibang high nga ang makukuha kapag tapos ka na kaya masaya na rin ako.
Friday, November 03, 2006
Oh no! Matatapos na ang sembreak! Bagong sem na naman at wala pa akong nagagawang matino! Hindi ako nakapagbabad sa tennis courts, hindi ko na likha ang dapat kong likhain, hindi pa ako nakakabili ng bagong reed, hindi ko pa natatapos ang Noli, at ang pinakamahalaga, hindi pa ako nakakabawi ng tulog! Pero kaya iyan, isang linggo pa.
Kasi naman, nag-pra-praktis kami para sa sayaw sa debut ni Jan(pics ng debut niya sa Tuesday ko siguro i-po-post), may kasama pang coat and tie at lahat ng ka-pormalan(Kadiri talaga ang shoulder pads). At syempre naglaan rin ako ng panahon para sa pagpunta sa sementeryo at pagbisita sa mga (buhay na) kamag-anak ko sa Bulacan. Nagulat nga ako kasi ngayon ko lang napagtanto na umabot ng 109/110 isa kong kamag-anak, isipin mo yon! Eh di kung hereditary ang life span, mataas ang tsansa na umabot ako sa ganoong edad pero nagka-Alzeimer's at siya o naging senile noong mga ganoong edad pa siya. Isa nga lang nakakatawa kasi kung hindi raw nadulas iyon sa kinauupuan niya, hindi pa siya siguro namatay. Teka! Kanina lang muntik na ako mahulog noong nag-duduyan-duyan ako sa upuan ko. Hala! Dapat mag-ingat!
Kaarawan nga pala ngayon ng aking kaibigang si Duga(Jesse James ang tunay niyang pangalan) at bukas ang kay Jan(Joanne).
Grabe, matatapos na ang aking pagiging second year at junior standing na kami next sem. Hala! Oh no! Pano na ito!
Nagkasunog nga pala malapit sa amin kanina; 19 na bahay ang natupok. Kagabi pa naman nababagabag ako na magkasunog at tinignan ko pa nga kung nakasara mabuti ang gas namin. Coincidence lang ba ang mga ito? Kung reader ka ni J. Zafra, maiisip mo na ito ay isang kaso ng synchronicity(spell check!).

Subscribe to:
Posts (Atom)