Kakapanood ko lang ng Pagdadalaga ni Maximo Olliveros. Nakakatuwa. Tsaka na siguro ang pagtanaw at pag-analisa ng pelikulang ito. Kapag na ayos ko na ang aking utak at tumagos na ito sa aking ulo. Patawad ganun talaga ako pagkatapos manood ng mga pelikula, hindi agad nakikita ang "deeper meaning." Pansamantala makontento muna kayo sa aking pagsasabing NAKAKATUWA ito! At maganda ang sound effects lalo na iyong song nila. Kaya lang nakalimutan ko na iyong tune. Panoorin ninyo po at dapat mulat kayo at huwag matulog. May parte kasing medyo aantukin ka pero dapat maging masigasig!
Anu pa ba? May sakit ako ngayon pero nakalakad pa at malamang pumapasok pa rin. Dry cough lang naman at sipon, ayos lang kaya naman kaya lang nakakaawa na ang katabi ko sa klase, jeep at lrt, mahahawa sila.
Ayun, sa susunod na uli, magbabasa pa ako ng 15-page na reading para sa Histo5. May maganda namang epekto ang pagbabasa, highest ako sa pampa-test namin sa KomII. Score ko po un sa taas. Mayabang talaga! Anu ba, minsan lang ako makakuha ng mataas sa Filipino, wahahahaha!
Wednesday, November 30, 2005
18/20
Thursday, November 24, 2005
bakit?
Bakit ba ako galit sa hp movies?(See review below)
Bakit ba ang mga tao sa paligid ko ay nagustuhan ito?
Bakit sumasakit ang likod ko palagi kapag hindi ito naisasandal?
Bakit ba kasi hindi ako sumusunod sa payo ng dapat umupo na may "good posture?"
Bakit natalo si Federer kay Nalbandian eh dapat natalo na niya ito dahil 2-0, isang set na lang?(Albeit, Nalbandian is a pretty good player)
Bakit hindi ko pa naaayos ang thing for the week?
**************
Balikan muli ang HP4. Last na ito. Apat na movies, tatlong direktor, mga 15 hours ng movie at mga 5 taong katumbas ng pagsho-shoot, kasama na rito ang milyong taong nagtrabaho at milyong pera na nagastos. Siguro ito ang dahilan. Kasi naman. Buti sana kung isang beses lang nagkamali eh. Ayus lang. Pero apat! At sa mga tao pong nagsasabi na para ma-appreciate ang movie na ito eh dapat kalimutan na ito ay base sa libro at ang mga "small details" lang ang tinanggal, NABASA MO PO BA ANG LIBRO? FAN KA BA TALAGA NG LIBRO? BAKA NAMAN NA-KYU-KYUTAN KA LANG KAY DANIEL, RUPERT, EMMA O WHOEVER?
Ganito siguro ang pakiramdam ng ilang LOTR fans nang napanood na nila ang movie ng LOTR(haven't/won't read the books, thought the movies was good especially the music and themes). Sige pwede na siya panoorin, maiintindihan naman ata eh kahit papaano ng mga di nagbasa. Pero wala na ang "thrills at surprises" ng libro, napaka-obvious naman na si Moody(na si Crouch Jr talaga) ang may pakana ng lahat dahil na rin sa utos ni Voldy. Oo karamihan ng nanonood ay nabasa na o alam ang kwento pero hindi iyan excuse para gawin iyon. Tsaka buong taon sila nag-shoshoot at gumagawa ng bagay-bagay bakit hindi naman nila ayusin at gawin itong perpekto hanggang makakaya(sa Pilipinas nga eh, vidcam lang at 48 hrs may movie na na pede panoorin at matutuwa ka, sa inyo pa kaya). Ayan tama na. Ayoko na. Basta papanoorin ko pa rin ang susunod na installment sana mamangha na ako sa susunod. Optimist po ako at magpakatulad kay Dumby(ng libro) sa ganitong aspeto, may chance pa kayo, sana lang talaga, nakakasayang kasi ang 130Php pede na ako bumili ng libro gamit iyon.
Federer! Why! Grabe ah! Ayos lang yan, number 1 ka pa rin. Wala pa pala nakaka-Grandslam(ung lahat ng grandslams napanalunan) sa batch niyo(di counted si Agassi[Andre not Carlos duh]).
Philo1 how! what! grabe!
Sunday, November 20, 2005
HP4 "movie" review
JK shouldn't have allowed her books to be adapted into movies. She should have waited for her death and then let the movie be made. By that time, Harry Potter would be achieve a better rank in the "children's classic" hierarchy. Also, the first kids who read the books would be directors by then and would be the one/s making the movie not some adult who read a children's book. Face it! Adults have a different view on things from those kids(who are now teens) that have read the book. Even if that adult is claimed to be a "child at heart" it is still not enough. And no I do not want to direct the HP movies. This movie do not have spoilers really, I expect you to have read to book or atleast know how it'll turn out.
To be fair, the movies was not bad throughout. There were very good moments. The Quidditch cup made me a jiggly inside. I loved the entrance of the teams and the effects. I hoped to see what they'd do with the match. What tricks they might pull. I'd LOVE to see what happens next. Will this movie blow my mind? Then the scene stops. I slumped down my sit and concluded, this is a bad movie.
Creating a movie adaptation is tough. Especially books that are in their prime, ie the HP series. That's is why most movie adaptations were created ages after the books were written like the movie versions of LoTR, and Romeo and Juliet. Now, we do not expect the movie to include everything in the book(though we'd be happy if you manage). We do not expect the exact same interpretation of the book also. We do expect an interpretation near ours, some sense of loyalty to the book and the "flow" and "spirit" of the book be retained. We expect feel to the same or nearly the same emotions we felt when we imagined the scenes in the book. Unfortunately, (as said by the previous post) I laugh when they cry, I cringe when they laugh, and when they feel "in love" I look away(in fear and disgust). Okay, I was scared by the snake(in hp2 movie) but that was a special effect, the chamber itself and the fear Harry felt I didn't feel and I was scared of both of the first two books last chapters.
I do not demand too much but is it really to difficult to get the colors right, Harry's eyes are green. Remember the line "You look like your father, except you got your mother's eyes"? I hope JK figure in the green eyes into the last book to shake up the makers of the film! Hermione was wearing blue, Harry wore green. Well atleast the Quick Quotes Quill was green. Even the seemingly irrelevant things were incorrect. Beauxbatons and Durmstrang were not exclusive (for girls/boys) schools! Parvati and Padma danced with boys from Beauxbatons! The mermaid in the prefect's cr was asleep. Sirius's face appeared out of the fire not from the coals. And I do think the maze contained other obstacles and the Death Eaters were many times more than the Weasley family. Oh yeah, Padma was from Ravenclaw! And the enchanted ceiling was enchanted always not like in the final scenes.
Now, on a more technical view. Editing was crap. The only role not underwritten is Harry's. Snape actually disappeared, Rita Skeeter seems unusually good-natured and likeable, Krum was suddenly stupid, Hermione and Krum's togetherness seem to be due to physical reasons(which was not, Krum was quiet in public only or that is how I like to think things are), Fleur was weak, Moody was nothing. On the other hand, Neville seems to be a really important characer. Dumbledore suddenly became a manhandling teacher, and became more open to show his feelings. I don't know, but the charisma of Dumbledore was due to his aloofness and his unnatural calm in situations. The anger Harry saw(in the book) was radiated and was not shown through harrassing Crouch Jr. I blame the director and the actor who played Dumby. And what's with the bells? The Voldy scene was blah or maybe because I was tired of watching already.
The things I did like were the jokes, the Quidditch opening and the Myrtle scene(all those fanfic writers must be exploding to write something about it). I didn't like everthing else, especially the laziness of the special effects team and the cgi team. The wardrobes were okay but I think Muggle fashion was radically different from Wizard fashion. Oh yeah, the speech Dumby made was crap! Who wrote that stuff?! And were was Fudge's and Dumby's argument? Some notable disappearances Mrs. Weasley, Percy, Ludo, Dobby, Winky, and Sprout. Why? Did Mr Radcliffe ask for a raise? For a movie so expensive, why wasn't I dazzled by the effects and costumes.
Compared to the other HP movies, maybe next to last.
I'm getting tired. Here...
Grade:3(up grading system)
***************
Wtf happened to the National Bookstore branch in SM north edsa? WoT suddenly disappeared and the books seem to be in the wrong categories.
Saturday, November 19, 2005
Ayun
Muntikan ko na makalimutan na magpost ngayong lingo. Naalala ko na dapat pala nagpost ako noong miyerkules. Nadala kasi sa pag-aaral ng kung anu-ano at paggawa ng isang hw na ala namang kahalagahan sa buhay(popost ko produkto ng mga oras na nasayang sa susunod). Di ba sabi ko movie ideas ngayon? Tinatamad ako eh. Dapat nga hindi na ako magpopost kasi inaantok na ako at kailangan kong bumawi sa tulog dahil 2 araw akong magkasunod na gumising ng 4 kahit na ang master clock ng katawan ko ay nagsasabi na gumising ng 6. Ano ba ilalagay ko dito? Mga bagay-bagay. Tama ang nga ang mga una kong pakiramdam sa mga guro ko. Sa kom2 oti nga talaga siya, sa natsci2 para nga talaga siyang si Sir Sanghel, sa Psych10 hindi naman siya ganoon ka walang kwenta pero sana naman tumino pa ng onte, sa Chem14 wala lang. Ayun.
Manood nga pala kami ng HP4 bukas, at lalaitin ko na siguro ito sa susunod kong post. Bakit ko ba pinanonood iyon eh alam ko namang mabwibwiset lang ako dahil hindi ito maaachieve ang aking standards(hindi naman ako demanding pero kung ako JK sasakalin ko ang mga directors ng movie pati na rin iyong writer). Oo nga hindi talaga makokopya o maaadapt ang lahat ng nasa libro pero dapat nandoon ang diwa. Dapat pag nanood kami maramdaman namin pero bakit natatawa lang ako pag nagagalit si Harry? Sa libro nga natakot talaga ako sa book2 at end ng book1 at grabe ang tuwa na naramdaman ko sa end ng book3. Bakit ganoon? Binasa ninyo ba ang libro? English director raw ang magpapabago ng views ko(kasi Ams ang previous 2) pero base sa trailer parang hindi.
Panawagan nga pala sa mga nablo-blog, pakiwasan po ang paggamit ng text lingo. ung tld n2. kc ang hrp bshn eh. lm ko ngwa k n un dti pro ngbgo na me kya u n rn, d b? =) Naisip ko lang kung tinatamad kang itayp ang buong salita huwag ka na lang magtayp. Kahit gaano ka naman kagaling magsulat kung sabog at hindi mabasa/torture basahin ang iyong sinulat walang mag-aapreciate nito. Symbolism ba? Nagblo-blog ka para sa iyo? Bakit mo ginawang public? Ay nagalit bigla! Hindi iyon lang po. Txt lingo at blog ay hindi dapat magsama.
Cla-cla, pROSE ay hindi pRO. Punta ka dito pROSE. Good luck sa italian mo. Saya kanina natsci2, nakasagot ako ng tanong. Yey! Sana uno(yabang talaga).
Monday, November 14, 2005
The post that was not meant to be
I was hoping to post something relevant something today; unfortunately, my chosen topic suddenly disappeared into the deep recesses of my brain, securely hidden and out of my reach. I’ve been meaning to post something I could be proud of or at least be able to admit that I wrote it unlike all those essays I’ve been submitting to my teachers all these years. Somehow, creativity and willpower disappears when I face the computer, keyboard, pen and pencil and returns when these tools are inaccessible. So, I’ll just post some random tidbits on the goings-on of my life. Have fun! =p
*************
Yesterday, we had StdC practice. It was horrible and pretty much a disaster. My mind has wandered of again thus my memory and coordination diminished. In short, I was horrible. They decided to teach a new dance again, Kuya Leo was teaching. He’s a good teacher and a really good dancer. He also looks glum and moody during practices last sem but yesterday he was smiling. It was pretty disorienting. I felt something amiss. Indeed there was. He was teaching SOOO FAST! We barely kept up. No wait! Scratch that! Nothing planted on my brain. He taught the first eight and we copied it. Then he moved on to the next. And I was thinking, “WAIT! I haven’t processed anything yet!” But this continued on and on and on. Then we danced it with the music. Turns out the dance was really fast. In the end I, together with the other new members thankfully, just stood there. Wondering what f*** happened? And Kuya Leo and the other members were smiling! My god! Is this a test? Or maybe a practical joke? But how dare they! It was so bad of them to do that! He taught more steps and after a few more reps and discussion moments we were able to sort-of follow the dance but now I can’t remember anything. *Sigh*
*************
I have an assignment for Psych10. I just feel that I would be horrible in this class. I don’t know why, but I’ll try to play along. I’ll be taking the stupid subject anyway might as well do it now while we’re still not so busy. The assignment was to make a logo that will represent you. Sounds easy, but I CAN’T DO IT! I know I want a circle, a tree and my name on it and of course the OTI logo(cleverly hidden) but I cannot conceive it. It is due on Tuesday so whatever, I’ll do it tomorrow.
*************
I now remember what my post would originally be! My movie ideas! But I have typed this piece of toot already, so I’ll do it next time. (TAMAD!) There's something wrong. '''''' can you see that? I don't know the source. There it goes again, please bear with it na lang.
Tuesday, November 08, 2005
*sigh*
Katatapos ko lang magenrol kanina. Opisyal na estudyante na naman ako ng up. Ang tution fee ko? 6,149.50 Php. Ano naman pake nyo sa tuition ko? Pake ko. =p
Ayun. Nakakapagod. Dahil sa kabulukan ng sistema o maaari na rin dahil sa di pagkahanda ng ocs namin, inabot kami ng 2 araw sa pag-eenrol. Special raw! Tsieness. Naunahan pa nga kami ng mga grad school students eh! Wala na rin namang saysay magreklamo pero masaya pa rin.
Nagduty na naman ako. Base sa aking kalkulasyon nakapagduty ako ng 18 hrs pero hindi ko nalagay ang 2 sa timecard kaya 16 lang. At sa 18, 14 hours ako nagpacute sa triage, at 4 sa pedia. Wala naman kasing ginagawa sa pedia eh. At sa pananatili ko sa triage ay natuto ako kahit papaano ng mga bagay-bagay tungkol sa sistema sa ER ng PGH. Meron na akong primitibong kaalaman sa pagpapadala sa pasyente. Kunwari, may lalakeng masakit ang tiyan pero 4 na buwan ng masakit, malamang hindi appendicitis o kung anu mang "emergency" kaya siya ay papupuntahin sa OPD ng PGH o kaya sa AMBU gagamutin tapos patutuluyin sa OPD pero kung may kilala, makulit at mabait ang Residente ay baka ma-confine na rin. Tapos 30 mins lang susubukang buhayin ng mga taga-ER ang namatay, pag hindi nabuhay muli, patay na siya. At kailangan maging matatag o "assertive" ka kung ikaw ang intern o resident sa triage area(parang reception area) ng ER. Dito kasi hinuhusgahan ang pasyente kung i-aadmit ba siya o hindi, kung hindi kailangan mo siyang kumbinsihin na bawal siya. At syempre may mga pasyente na maaarte na kailangan tarayan ng onte, may iba pa ngang sinisigawan eh. At isa pa, huwag tatakan ng date ang mga form kung gusto mo onte lang ang dumating.
Sige tama na. May pasok pa kami bukas, toot talaga. NSTP pa importante.
Sunday, November 06, 2005
end na!
Matatapos na ang sembreak! Yehey! Xzayted na ako na makilala ang mga bago naming guro. Sana may terror! Pero ung terror na hindi kuripot sa grade. Nyek! Eh di parang hindi na iyon terror. Matatapos na po ang sembreak, sa nov. 8 ito matatapos. Nov 7 po ang enrollment namin, tuition: 6-8thou. Mura noh? Mas mahal pa ata ang tution ko noong elem eh. Hehe.
Ang saya dito sa street namin kagabi. Alang party pero masaya. Pero ako lang ata natuwa. Pero kinabhan rin naman ako. Nagbrownout po kagabi. Ang saya nga eh. Nagbabasa ako, umalis lahat ng tao sa bahay, tapos boom! Wala nang ilaw. Takot ako. Kanonood ko lang kasi ng thriller kaya may mga di-kanais nais na bagay na naglalaro sa aking utak. Ano ginawa ko? Wala. Umupo ako at pumikit (DUWAG!). Buti na lang sandali lang umalis katulong namin(TAMAD!). Sabi niya may sumabog raw uli. Napansin ko iyong parte lang ng street namin ang walang ilaw. Tadhana talaga! Eh di ayun, kinuha ko cell ko para may pampaliwanag sa daan ko kahit papaano tapos nagpunta ako sa bahay ng lola ko. Nandun kasi mga pinsan at tita ko. Pagdating ko dun umalis rin kami kaagad. Sabi nila kasi may kuryente sa kanto, nandoon iyong clinic ng lolo ko. Aircon, sige punta tayo!
Nakakalakad pa lang kami ng mga 5 meters nakita namin naglalabasan ang mga tao. Bakit kaya? May kuryente naman sa kanila. Tapos tingala ako. Saya! Nagliliyab iyong fuse box sa poste ng kuryente! Lintik(Speaking, grrr kayo Brownman Revival!)! Sabi nung mga tao baka sumabog eh di takbo kami. Tapos ayun wala nang panganib kaya ngiti na naman ako. Biglang maraming bagay ang nagsulputan sa utak ko.
Pano pag nagkasunog? Eh di tawag ng bumbero.
Pano pagmatagal sila dumating, kumalat iyong apoy sa bukid? Damay iyong iskul mo(iyong school ko nung elem)? Bahala na.
Tapos pano pag kumalat papunta sa bahay niyo? Wala kayong pera, damit, matutulugan, atbp? Bahala na.
atbp...
Isang bagay na natutunan ko sa pagpapacute(new word, di ko lam kung san ko napulot at pinaggagamit ko na lang) sa ER dapat ay maging kalmado sa mga sitwasyon para makapagisip ng tama. Eh di pumunta ako sa clinic at kwinento sa aking magulang at lolo ang nangyayari. Ever the hero, takbo palabas ang tatay ko. Saya talaga ng aking buhay! Kami naman tumawag sa bumbero. Sabi nila sa amin tumawag sa MERALCO. Sabi namin eh nagaapoy na nga eh. Basta MERALCO bahala. Takte! Gusto yata nila may nasusunog na na bahay bago sila dumating. Pilipinas talaga. Tawag kami sa MERALCO, tawag naman raw kami sa bumbero at alamin ang number ng poste tapos tumawag uli at tsaka sila magpapadala ng tao. Asa ka pa! Walang magtatangkang lumapit dun noh! Pero di namin iyon sinabi, binaba na lang namin iyong telepono.
Lumabas uli ako at sisilipin ko. Syempre, chismax ito, kailangan updated sa mga pangyayari. Nakita ko? Wala, umaapoy iyong linya ng telepono pero ala paring sumasabog. May parte ata ng utak ko na gusto pasabugin iyon eh, para naman hindi ganoon ka-boring ang buhay, pero dapat pinapatay ang parte na iyon. Tapos biglang umulan eh di naisip ko mawawala na ito, tumila bigla nyek! Balik ako sa clinic. Nangulit uli kami sa MERALCO. Wala pa rin, mag-antay na lang raw. Hindi nila kasi alam iyong lugar namin. Hala! Trabaho ninyo iyon eh! Parang nagpunta ka sa doktor dahil masakit ang tiyan mo at sinagot niya sa iyo, sorry ha di ko alam kung ano ang tiyan eh. Nakow! Bulok talaga sistema sa Pilipinas, siguro magpasabog ka ng tatlong bomba sa mga lugar na liblib(tulad ng sa amin) sa NCR magkakagulo talaga. Sa ibang bansa nga pusa lang na naistranded sa puno inaaksyunan, dito umaapoy na poste! Walang dumarating! Kasi siguro holiday kaya alang pumupunta, after midnight pa para hindi na holiday, di ba?
Pagkatapos ng ilang oras, nawala na ang apoy, may nagsaboy raw ng tubig, buti hindi sila nakuryente. Tapos umuwi na kami, malamang brownout, tawag uli kami, nagreklamo ang nanay ko. Kaya binabaan siya! Hehehehe. Moral: Patalsikin si Gloria! Joke lang, medyo pro po ako, may matinding galit kasi sa oposisyon. Pero baliw na rin si Gloria eh, o kaya iyong mga advisers nya. Ibang topic na iyan kaya wag ituloy.
Ayun. Saya di ba? Magulo? Bahala ka! Dapat siguro nag-English na lang ako. hehehe. Parang isang 1st yr hs na di marunong ang sumulat. Sabi ko nga end na ng sembreak kaya baka 1 post a week na lang uli. Magpapaka-gc na ba ako? Syempre! Chem eh!
Thursday, November 03, 2005
puti na ngaun...
Puti na ngayon ang aking kurtina sa kwarto. Naisip na nila na madumi na ang mga purple na kurtina na may mga bituin na hindi nagniningning. Puti na siya tapos may blue flowers na forget-me-nots ata tapos may gold leaves. Ang saya talaga ng kwarto ko. Kung di nyo po alam, violet ang aking kwarto. Light violet na hindi solid ang style ng pagkakapaint, ung style parang ewan eh, mga brush strokes. Post ako ng picture sometime.
Ilang posts ako nag-iingles? Anong bagay ang pumasok sa aking kokote at naggamit ko na naman ang ganoong wika? Hindi ko alam. Mapapansing ang daming bagay na di ko alam. Patawad. Uy...naalala ko ang kanta ng Chubibo(o Chibibo, ulyanin talaga). Naaliw lang ako sa video nya. Hehehe.
Grabe! Wala na akong magawang matino sa bahay. Hindi ako makakapagduty ngayong lingo. Nagpangako kasi ako sa aking mga kaibigan na kikitain ko sila sa Huwebes at Biyernes. Makapaglaro na uli ako ng tennis. Sa wakas. Nawawalan na ng kwenta itong post na ito. Nagagaya na ako sa blogger na nagblo-blog para masabing may blog sila. Ganoon yata ako dati eh. Hay... nagbago na ako. Ayoko nang maging ganoon uli.
Sa sobrang kawalan ng maggawa, nakagawa ako ng dalawang layout na maaari kong gamitin kapag tinamad na ako sa layout kong ito. Pero iyong isa parang di bagay sa akin kasi black and white. Tama ba namang sabihin ko sa inyo tapos hindi ipakita di ba? Hehehe. Tsaka na. Makikita nyo rin iyon. Basta bumisita ka na lang palagi. Hehehe. Wala palang hit counter ang aking blog. May nagbabasa ba nito? Kawawa naman ako, alang nakikitang new tags o kaya comments. Huhuhuhu... Sige na magparamdam kayo. Kahit foreigner o anu man. I'm so lonely...sob. Drama lang po. Patawad.