wag ka na lang mag-aral sa UP
kung ganito ang paniniwala mo. Sa pagpasok mo sa UP (sa kahit anong paaralan naman) inaako mo ang responsibilidad na tulungan ito makamit ang kanilang bisyon. Hindi na nga hinihingi na maging "excellent" o ma-laude kayo, papasa na lang. Sa mata nga ng marami, binabaan na ang standards para sa iyo tapos di niyo pa pinahahalagahan bagkus (naks, nagamit rin ang bagkus) pinipilit niyo pa iharap na nag-aaral naman kayo sa ibang lugar nga lang; ang edukasyon niyong nakukuha ay walang katumbas na grades ika nga. Problema lang hindi ang edukasyong gusto ng institusyon ng iyong pinanggalingan ang iyong natutunan. Baguhin natin, hindi mo natututunan ang dapat mong nakukuha sana kung kahit minsan manatili ka sa loob ng silid aralan. Aanhin mo ang doktor na hindi marunong manggamot dahil may iba siyang gustong aralin. Eh di sana di ka na nag-enroll. Sayang ang slot. Sayang ang paunti na paunti na resources ng UP. At dahil sa kapabayaan niyo, nawalan kami ng mga lider. Oo, naninisi kami. Sino ba ang kanilang binigo?
Aminin na kasi na may malaking pagkakamali nagawa.
PS Mali ang blue at dilaw. Walang relasyon ang pagiging tibak sa grades. Kung tinatanong siguro ano ba ang ideal na tibak na UP, baka pwede na sagot iyon.
No comments:
Post a Comment