Monday, February 23, 2009

So interbyu ko ngayon sa UP Med at naka-iskedyul ako na 8am. Ang instruction pumunta ng 7am para masagutan ang essay. Ang sistema pala may darating na panel (2-3 interviewers) at assigned sila sa 2 o 3 applicants.

Isa ata ako sa mga minalas kasi nagka-emergency ang panel ko. PI. Nagkataon na may strategy meeting kami para sa aming Community work ng 1pm. Ayan nawalan na ako ng panel at muntikan na ako magparesched. Syempre hindi ok iyon. Pinili ko nga ang araw na ito para hindi masyado maaapektuhan ang Ph 195 ko tapos iinterbyuhin ako sa ibang araw. Sino sila?

Matagal ako nag-intay. 1pm na nga ako nainterbyu. Hindi na ako nakapaglunch o nakagawa ng iba pang requirements sa 195. Masama pa doon muntikan na ako mainterbyu ng galit at sigurado na hindi maganda ang magiging resulta noon.

Buti na lang nagawa ko ilabas ang galit ko sa admissions ng UPCM. May question kasi na nanghihingi ng karagdagang impormasyon na magiging pabor sa aking application. Ang ginawa ko sinulat ko ang nangyari. Hindi naman ako nagpapaawa. Hello! Hindi ko kailangan ng awa nila. Maayos kaya ang aking credentials! Sinulat ko lang para malaman nila na hindi talaga tama ang ginawa nila sa akin. Red ballpen pa nga ang ginamit ko.

Natakot rin naman ako na baka maging dahilan ng hindi ko pagpasa pero iningatan ko naman na hindi lang puro reklamo ang laman ng aking sagot. Pero kung sakaling hindi nga ako pumasa dahil doon, magrereklamo ako. Alam ko naman na ako ang tama at sila ang mali.

Wala akong pakialam kung mamamatay na lahat ng pasyente mo sa hospital kasi may appointment ako sa iyo. Kung aalis ka, siguraduhin mo lang na may  papalit na panelist. Tsaka ano ba naman iyong sabihan ako direkta kung ano ang nangyari at kung ano ang mga alternatibo. Ang hirap kaya mag-antay ng hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Ang hirap talaga. Idagdag mo pa na sinira ng aktong ito ang schedule ko ngayon. Imbes na nakagawa kami ng aming Sit Ana, napilitan ako maghintay ng panel. Sh*t talaga. Eh paano kaya kung thesis defense ko at hindi lang isang meeting?

Ang yabang-yabang ng mga taga-UP tungkol sa mga achievement nila pero simpleng respeto sa mga aplikante wala. Oo na, nagkakandarapa kami sa pagpasok sa paaaralan niyo pero tama bang gawin ito? Ang sarap-sarap niyong pag-u-uuntugin.

Sa mas magandang balita, mabait naman ang mga panel members. Nagkukulang lang ang iba sa courtesy. Tsaka binigyan pa ako ng lunch. Actually, nalipasan na ako ng gutom. At kung ako sa admissions, aayusin ko ang sistema para sa mga aplikante para maiwasan ang mga bagay na ito.

Nasabi ko lang naman ito kasi kahit papaano confident ako sa credentials ko. Kung aalanganin kaya ako, ganito pa rin kaya ako?

OO GALIT PA RIN AKO SA KANILA. Lalo pa ng nalaman ko na hindi lang pala ako ang naging biktima ng sira nilang sistema. Kala ko ba matatalino ang nasa UP? Research dito, awards diyan pero pagdating sa sariling kolehiyo. f*ck!

Nakakatawa kasi may tanong sa interbyu tungkol sa pag-i-i-schedule. Ang sagot ko iyong nangyari sa akin. Pinagididiinan ko talaga, noh? Dapat lang. At least alam nila na hindi ako basta-bastang tinatapaktapakan at nananahimik. Kung pwede nga lang magfile ng complaint sa kanila eh; ang problema lang baka masira ang application ko. Kahit papaano hawak pa rin nila ang kinabukasan ko.

No comments: