Tuesday, March 25, 2008

Napanood ko kanina ng Game KNB. Bonus round na ang naabutan ko. Ang category ay Scientific Laws named after famous Scientists. Ang Bonus letters ay JEW. At ang mga letrang binigay ng kalahok ay MDT. Ayon. Wala siyang natama. Malas niya lang kasi kung sinabi niya sana ang mga letrang A, C, B, G, H o V, may tatlo na siyang tama. Sino ba namang nakaabot ng 3rd yr high school ang hindi nakakakilala sa Avogradro's, Charles', Boyle's, Graham's, Gay-lussac's, Henry's at Van der Waals equation? Malas lang niya.

Madali naman ang M, Maxwell's equations pero iyong iba ang hirap. Hindi ko agad naisip ang Torricelli's law(ayaw ko talaga sa Physics) at wala talaga ako naisip sa J at W(wala rin ako makita sa Wiki? May sagot sila, hindi ko maalala.). Pati nga ang mga researchers ng Game KNB mali ang mga sagot sa ilang letra. Hindi naman LAW ang Enstein's THEORY of relativity at ang Darwin's THEORY of Evolution. Pwede siguro siya mag-reklamo sa ABS.

Siguro, maganda ang mangyayari kung isang Physical Chemist o Physicist ang nandoon kasi kung anu-anong Law at Equation ang mababanggit niya at baka mag-away pa sila ng researchers ng Game KNB. Kaya lang nga may salita ngang FAMOUS sa category so baka matalo siya kapag masyadong obscure ang isagot niya. At least masasabi niya na hindi law ang theory at baka bigyan siya ng bagong pagkakataon.

Ano ba ang pwedeng sagot sa E at D? D, Descartes' theorem. E, Erlenmeyer rule(kunwari pwede na pati ang rule). Pwede rin siguro sa M ang Markovnikov's rule

No comments: