Bakit ba ang bobo ng aking kapatid at ama? Teka, dapat siguro Ingles na lang ginamit ko, hindi ganoon kasakit marining. Hindi, ibang salita na lang. Bakit ba ang bagal at ang tigas ng ulo ng kapatid at ama ko? Ayaw nila gayahin ang ina ko, madali makaintindi. Paulit-ulit nang ipapaliwanag hindi pa rin maintindihan. Tsk tsk... Ayaw nila maniwala na walang patutunguhan ang "research project" ng kapatid ko. Paki alam ko ba kung in-approve ng research teacher nila, obviously walang alam sa analytical chem, physiology at simple biology ang teacher nila kasi kung meron sasabihin ng teacher nila na hindi kakayanin ng mga HS students isagawa ang project na iyon sa ikli nang panahon na ibinigay sa kanila.
Ganito kasi, itong kapatid ko may Research na subject sa school at isang req't ang gumawa ng isang research paper. Syempre, natural science kasi hindi naman sila tinuruan pa tungkol sa paggawa ng Sociological at Behavioral research tsaka mas mabenta iyon sa Intel-ISEF. Anyhoo, ito namang ama ko sinabi na subukan nila pag-aralan itong isang halamang gamot. Ayos lang naman sana pero sinabi niya subukan nila alamin kung gagana ba ito sa bato sa bato(as in kidney stones). Grabe!
Ayos lang naman ang topic pero ang daming problemang kailangang harapin na hindi kakayanin ng iilang HS students lalo na ang sa lebel nila(nabasa ko ang proposal nila, joke talaga!). Hindi man lang ata nila binasa kung paano gumagana ang mga bato(kidneys hindi stones), kung paano nabubuo ang bato sa bato(kidney stones) at kung anong dating research o anecdote na sumusuporta kahit kakaunti sa kanilang binabalak tapos gusto pa nila ito subukan sa tao kaagad! Sabi ko nga sa kanila ipapakulong ko sila(kasama ang guro nila) kapag tinuloy nila ang balak nila.
Tapos matapos ang ilang linggo, sabi nila hindi na sa tao. Ilulublob na lang nila ang isang kidney stone sa crude extract. Joke ba yun! Malamang mawawala iyon. Ilublob ko sa kumukulong tubig, baka malusaw(dissolve) iyon pero hindi ko naman pwede sabihin na dapat uminom ng kumukulong tubig ang isang tao para mawala ang mga kidney stones niya.
Okay fine, tinigil na nila ata iyon, gusto naman nila ipa-analyze na lang ang halaman at ang crude extract mula dito. Okay, sabi ko para saan? Ano gusto nila makita? Sabi nila iyong makikita? PI! Tubig makikita nila, okay ba iyon? Malamang hindi. Siguro kulang pa ang nababasa nila dahil walang lab sa mundo ang papayag sa ipagagawa nila o kung meron man tiyak na milyon ang ibabayad nila tapos hindi pa nila masasabi na research paper nila iyon kasi ala naman silang ginawa bukod sa magpakulo ng tubig at maglublob ng dahon doon.
hay... ayos! Aral na uli!
No comments:
Post a Comment