Tao: Anong year mo na?
Ako: Third year na po.
Tao: Ano course mo?
Ako: Public Health po
Tao: Ah... Public Ad... so pagkatapos mo iyan mag-lo-law ka?
Ako: Hindi po public ad, Public HEALTH.
Tao: Ah... so pagkatapos mo iyan mag-me-med ka?
Ako: Um... opo.
Sige na... hindi mo na alam kung ano ang Public Health. Kasi naman eh napaka-low profile ng degree program ko. Ayan tuloy hindi alam ng tao kung ano ba ang inaaral namin. Siguro mabuti na rin iyon para masiguro namin na ang tanging nasa field ay ang mga desidong isulong ang mga layunin ng Public Health pero parang ang kaawa-awa naman namin 50 lang kaming BS Public Health at mga 200 lang ang grad students, eh ilan na ba ang tao sa Pilipinas? Paano naman namin magagawa ng maayos ang(magiging) trabaho namin eh ang walang pake alam ata kahit ang mga health professionals(tulad ng mga nars at doktor) sa Public Health? O baka nag-i-ilusyon lang ako.
------
Dapat tigilan na ng DOH ang pagsuporta sa STAR margarine. Alam naman nila siguro ang mga health risks ng pagkaing may trans-fat eh(malamang, trabaho kaya nila iyon). Isa nga ako sa mga nabiktima ng margarine craze noong bata ako. Wala naman siguro masyadong malaking effect iyon sa akin kasi hindi naman ako na-adik sa margarine pero paano na ang ibang tao? Mahirap na nga sa Pilipinas, ang dami na ngang nagkalat na infectious diseases, kung anu-anong parasites at mga pulmo-respiratory diseases dadagdagan mo pa ng Cardiovascular diseases? Paano na ang mga Pilipino?
Siguro, ang bilang pampalubag loob, iisipin ko na lang na ka-kaunti lang ang may kayang bumili ng margarine dahil kailangan pa nila bumili ng ibang pagkain. Pero parang mapupunta naman ako sa ibang problema, noodles. Noodles! Noodles! Adik ako sa noodles pero nabasa ko na ayos lang kumain niyon basta may pagitan na tatlong araw para naman maalis ng katawan mo ang ilang undigestable na components nito. Karamihan ata ng mahihirap ito ang pagkain kapag kinakapos at malamang hindi na nila iintayin pa ang tatlong araw kasi gutom na nga sila. Hinde pwede ito!
Syempre lahat ng problemang nabanggit ko problemang nauugat sa Public Health. Mukhang tatanda at mamatay nga ako ng maaga. Joke lang! Magiging mahaba ang buhay ko.
No comments:
Post a Comment