Sunday, April 29, 2007

3 weeks na lang tapos na ang summer. 3 weeks na lang para mapatino ang kanilang pagsayaw. 3 weeks na lang at babay cas at hello cph na!

Bakit ba pakiramdam ko ang toxic ng summer na ito? Parang kailangan ko i-extend ang aking pag-ske-schedule ng mga bagay-bagay(oo, nag-gaganun ako pero hindi ko sinusulat; dapat ine-exercise ang utak) mula sa 2 araw gagawin kong 1 linggo. Mahirap, masakit sa ulo. Tapos kailangan ko pa mag-isip ng mga steps at exercises. Hindi na napahinga ang utak ko. Tutal, pwede nga naman tayo magpahinga kapag patay na tayo. Sino nga ba ang nagsabi niyon?

Nag-eco park nga pala kami kahapon. Maliit ang lugar, kala ko sakop ang buong watershed iyon at may mga forest trail. Nangangarap lang pala ako pero ayos rin naman siya. Hindi ko nga lang alam kung efficient at sustainable nga ang eco-park na iyon. Sinusubukan nilang mag-segregate ng basura kaya lang may marami ata talaga ang bobo sa Pilipinas kasi may nakita akong styro plates sa biodegradable trash bin tutal marami rin namang bobo sa UPM kasi doon nga iyong biodegradable punong-puno palagi ng plastic cups. Sana lang, sinesegre-gate nila ang basura nila uli bago itapon.

Nag-wall climbing kami. Ayos naman. Hindi ko natapos iyong level 3 pero iyong level 2 medyo mabilis kong naakyat. Kumusta naman ang mga umiikot na rock holds nila. Sa tingin ko kaya ko naman siya matapos kaya lang kulang pa ang endurance ng aking mga braso at bisig kasi nanghina na ako pagdating sa kalahati. Sayang kasi gusto ko subukan iyong naka-diagonal na part ng wall. Basta, babalikan raw namin iyon balang araw.

Excited na ako bukas kasi kakain kami sa Nat Sci 5 ng mga non-conventional food. Ako iyong gagawa ng isang ihahain ng aming grupo, pinasubukan ko sa kisay friends kahapon. Ayos naman ang feedback; wala naman sa kanilang nagkasakit o kaya ay isinuka iyong pagkain at ang ilan ay nagtanong pa kung paano ko ginawa iyon. Nyahar!

Friday, April 27, 2007

Pictures sa Singapore

Sa airport, hindi marunong kumuha ang kapatid ko...
Sa Raffles Hotel(waste of time)
Teka! Sa Maynila ata iyan ah! Pero pansinin na may dome on a drum; walang ganyan ang Supreme Court ng Pilipinas
Saan sila nakatingin? Malay ko!
Ganda noh? Espalanade Theatre. Sana may kauri rin iyan sa Pilipinas.
Ang Merlion, photographer ata ako dito

Nakakasilaw ang araw eh...
No littering raw... joke lang pala iyon.
Sa isang chinese temple
Sa Singapore Zoo iyan, mahal ng pagkain at hindi naman super sarap

Isang artwork sa loob ng Esplanade, bullshit ang concept pero maganda
Sa cable car, huwag niyo na pansinin iyong multo na naka-brown
Sa Palawan Beach, ang payat ko grabe
Ganda noh?
Sa hotel, hindi ko alam kung bakit kailangan pa ito.

Sunday, April 22, 2007

Maulap ngayon. Hindi rin ganoon kainit; parang hindi tuloy tag-init.
Nakakaasar. Bakit kaya kapag may pasok ako ang init-init at ang lakas ng sikat ng araw?
Hindi ba mas maganda kung mas mainit kapag weekend kasi nasa bahay lang ako, walang ginagawa at maraming paraan para magpalamig?
Ang joke talaga.

Friday, April 20, 2007

Kapagod ang mga nakaraang araw. Hindi naman sa toxic ang mga subjects, ang joke nga nung natsci5 eh, pero kasi hindi ko pa rin nahahabol ang kulang kong tulog. Pakiramdam ko tuloy 20 units ang load ko ngayong summer pero maayos iyan; wala pang assignments. Har har!

Bumili ako kanina ng Fable(PC game). 200 pesos para sa pirata dahil 4 na cd. Ininstall ko tapos excited na excited na ko maglaro biglang ayaw gumana! PI! Sabi, hindi raw kaya ng video card ng pc ko. Kaasar! Kailangan ko na talaga i-upgrade itong pc ko at i-reformat na rin dahil sa virus na nagpapabagal sa kanya. Balak ko sana i-upgrade pagkatapos ng summer classes pero dahil gusto ko maglaro kukulitin ko na ang magulang ko. Video card, memory at siguro dvd player lang naman ang idadagdag at mataas-taas naman ang grade ko last sem kaya papayag sila siguro. At maglilimang taon na rin naman iyong PC ko.

Nakatanggap ako ng yoyo kay cla-cla. Ang pathetic ko, hindi ko man lang magawa ang una at pinaka-simpleng trick. Salamat cla-cla!

Monday, April 16, 2007

First day, wala na namang prof.

Puyat. Kakagaling ko lang ng Singapore. 12:40am iyong return trip kaya puyat ako.

Masakit ulo ko ngayon. Mainit. Baradong sinuses. Kulang sa tulog.

Masaya sa Singapore. Pwedeng-pwede na maglalakad sa kalye kahit 12am na at hindi ka pa rin mapapatay, mananakawan o masasaktan. Ang galing nga eh. Malinis pero hindi naman litter free.

Masarap maglakad doon. Kung saan-saan nga ako nakapunta sa paglalakad lamang. Iyong mga kadalasan hindi mo malalakad sa Pilipinas magagawa mo dito.

Mainit pero mas mainit pa rin dito.

Maraming bilihan. Sa liit ba naman ng bansa nila, ang magagawa na lang ata nila ay magshopping. Joke lang pero matutuwa ka na malaki ang Pilipinas at malamang ay hindi ka mauubusan ng pupuntahan.

Sa internet shop ako ngayon; nag-iintay na magsimula ang praktis. Um... 4 hours pa. Sayang walang rf dito. Lilipat na ako mamaya.

Tuesday, April 10, 2007

Sa mga hindi nakaka-alam kung ano ang Prince of Tennis, puntahan niyo ito:
http://www.youtube.com/w/One-hell-of-a-forehand?v=bA1rC0GPAWA&search=tezuka


Nanonood ako ng Prince of Tennis kanina sa QTV. Pampalipas oras at para matawa pero...

P*TANG INA! Ano iyon! Grabe na ito! Isang malaking kagag*han!

Kanina...
Forehand na hindi nakikita ng kahit kanino!
Bola na nag-iiwan ng na marka sa hardcourt!
Cyclone smash!
Isang i-aassume nating matinong player, nag-forehand na matino (assume nga natin eh!) tapos na smash... teka... Cyclone smash. Paano mo naman ma-sma-smash ang bola na galing sa forehand?
Kung hindi pa marunong ang player malamang mataas ang lipad ng bola pagkatapos ng forehand pero isang matinong player hindi! Iba nga diyan parang hahalikan na ang net sa baba ng lipad eh tapos ma-sma-smash mo pa?! At hindi lang iyon isang beses nangyari kundi dalawa na magkasunod! OMG! WTF!

Okay lang sana iyong mga shots na exagg eh pero pati ang paglalaro maling-mali.
Service na tapos tatayo ang Reciever sa dead zone... tapos mare-return niya ang isang >200kph serve! WTF!!!
Ayan, game na. Nag-(super)forehand si Player A magugulat si B at hindi niya ito maibabalik. Tanga naman kasi, tatayo sa tabi ng pinagtalbugan ng bola! At genius ang mga players na ito ah!
Meron pa, Player A sa left corner ng court tapos si Player B nakayuko pa kasi kaka-return niya lang ng tira, nag-cross court si A biglang nasa kabilang dulo na si B at na-ireturn ito! WTF!
o kaya naman...
hindi na return ni B at imbes na tumalbog ang bola ay gumulong ito! GUMULONG?! Ano! Paano nangyari iyon? Ni si Federer nga hindi magagawi iyon eh!

Oo na! Hindi naman totoo iyon. Anime... exagg... blah blah... pero insulto ito sa tennis. Pwede ba ibang sports na lang? Talo pa nito iyong mga cards na pumapatay ng tao eh! Pero papanoorin ko pa rin, kasi nakakabaliw eh minsan nga lang sumosobra na! Tulad kanina...

Sunday, April 08, 2007

Easter Sunday.

Ang tagal na noong huli ako gumawa ng Easter Egg. As in, iyong nilagang itlog na pininturahan. Ang ginagawa namin noon, kukuhanin namin iyong mga natirang water color at paint brush sa school ko noong elem, bakasyon na kasi kaya inaangkin na namin iyon. Oo, corruption... blah...blah... Kapag meron na kaming water color, maglalaga na kami ng itlog. Mga lima o anim lang ginagawa namin. 2 itlog kada tao, kasi hindi naman namin makakain kung 10 ang gagawin namin. Pilipinas, mahirap ang buhay, maraming nagugutom, alam mo na, ganun. Pagnalaga na, pipinturahan namin tapos papatuyuin. Gagawin pa namin paiba-iba ang disenyo, may bilog, may mga stripes, red, blue, green, violet. Hindi pa namin binabasa iyong water color para hindi matubig ang labas at para dumikit sa itlog. Matapos ang lahat ng paghihirap, babalatan namin ang itlog at kakainin. Hindi pa nga kami naghuhugas ng kamay eh.

Hehehe. Hindi man lang nag-Easter egg hunt. Well... actually... ginawa ata namin iyon ng isang beses. Walang kwenta, anim lang ang itlog at tatlo lang kaming naglalaro tapos wala pang magandang taguan sa amin. Para kasing kapag tinago mo sa isang lugar, kadiri na at hindi na makakain. Sayang naman kung ganoon, di ba? Kaya KAIN na lang agad.

May napanood ako sa TV na paraan para makulayan agad ang itlog. Babalutan mo ng tela at ibabad sa pinakukuluang tubig at suka. Pag labas, funky na ang itsura ng itlog. In fairness naman, maganda naman ang iba. Sa akin lang hindi ba't ang saya ng Easter ay ang sa paggawa ng makukulay na itlog. Pero iba na siguro sa kanila, kasi sa kanila sa ibang bansa mas natutuwa sila sa Hunt at isang paghihirap ang paggawa ng Easter egg.

-----
Natanggap ang aking maikling kwento sa PI. Yey! Iyong tula hindi, pero ayos lang. Hmmm... Sana magkasulat uli ako ng kwento.

Saturday, April 07, 2007

Isang linggo na lang ng bakasyon tapos pasukan na naman.

Wala akong magawa sa bahay. Natapos ko na ang Greed Island DVD at ang Epi1-10 ng Season 3 ng Grey's Anatomy. Hindi ko naman magawa iyong site ng StDC kasi ala naman ako malagay. Natapos ko na rin ang God-Emperor of Dune, hindi ko ba nabibili ang Heretics of Dune kaya wala akong mabasa. So... so! Wala.

Black Saturday ngayon. Patay raw si God kaya pwede gumawa ng masasamang bagay kasi hindi niya makikita. Okay! Patayin na natin si toot! As if! Mga tao talaga! Hindi mamatay ang Diyos! Patay na siya! Joke! Mga atheist nagsasabi niyon, hindi naman ako atheist eh... malapit lang. Hindi naman ako agnostic, hindi rin naman ako devout na Katoliko. Ano ngayon ako? Uh...

Kung sa bagay, marami naman diyang ibang religion na pwede salihan. At ang ilan doon parang mas maganda pa sa Roman Catholic; nandiyan ang Buddhism, Wicca, Druidism, Shamanism, Rizalism, Bathalanism, Shinto, Taoism. Hmm...

Buddhism na lang kaya? Maganda naman ang tinuturo nila, pwede ka pa rin na mag-celebrate at maniwala sa ibang religion, hindi naman ata contradicting ang teachings nila, wala mang Paradise o Heaven(sa Christian, Islamic at Judeo sense) wala namang Hell meron pang Nirvana na kapag hindi mo naatim sa buhay na ito maaari mo pa rin maatim sa susunod kasi may Reincarnation. Assignment: Mag-research pa tungkol sa Buddhism.

Gawin ko na lang muna siguro ang mga pinagsasabi ni Kant: Gumawa ng mabuti dahil mabuti iyon at iyon ang iyong duty. Hindi dapat gumawa ng mabuti kasi kung hindi magagalit si God/Jesus/Allah o kaya nama'y hindi ka makakarating ng langit at mapapadpad sa impyerno. Ano ba! Reward-based!

Okay. Hindi na naman organized. Sorry naman.