Uh... tapos na ang unang lingo ng aking tunay na sem break. yey! boo!
Ano na ba ang nagawa ko? Umatend ng praktis at training, nalaman ang grade sa bio, nakagawa ng ilan kong dapat gawin, nabasa ang prequel ng WoT "The New Spring" at nakahabol ng onting tulog.
Ano na ang nangyari sa paghahanap ng photoshop? Sa kasalukuyan kasi kulang ako sa pondo at hindi makabili ng pirata kaya ganun.
Sige, magpahinga muna tayong lahat. Malapit na ang Nov 1, oras para balikan at alalahanin ang mga nagising na sa kanilang panaginip.
Saturday, October 28, 2006
Thursday, October 19, 2006
Start na ng aking sem break at ang boring. Well, next week action packed at planado na. Araw-araw wala ako sa bahay... yan ay kung papayagan ako umalis. Siguro naman papayagan ako. Goodbye muna sa acad related problems, kita na lang tayo sa enrolment. Ang problema ko ngayon, wala pa akong susuotin sa debut ni gelain sa Sabado... uh... meron na pero ang pangit pa eh... aayusin ko pa.
Kailangan maging productive ang sem break ko. Kailangan! Ang mga balak ko ay basahin muli ang Noli at Fili, likhain ang 2 bagay na dapat kong likhain, mag-tenis, maghabol sa tulog(sa bulacan ko na lang siguro gagawin iyon), magpataba(as always) at maglaro ng FFXII(na lalabas sa Oct 31). Syempre, aayusin ko rin ang header nito. Opo, wala ako sa ER ngayong sem break. Sa summer na lang kasi may mga bagay na nauna dumating at mas importante(pero importante rin naman ang Pahinungod).
Excited na ako para sa 2nd sem pero gusto ko muna magpahinga at maghabol sa tulog dahil wala ata akong matinong tulog na makukuha next sem(2 days na 7am-7pm classes at iyong 3 malamang para sa paggawa ng assignments).

Tuesday, October 17, 2006
Am currently cramming my Hum I comparative paper. Actually, I have typed down most, if not all, I want and need to put into my paper, however; I do not know yet how to put everything into an organized interesting paper. It's not just the grade, it's also about my future as a writer; not as a writer of novels, short stories etc but a writer of good research papers.
I think I promised to myself never to cram again but here I am, cramming. To tell the truth, I took a nap this afternoon so I would be able to last till tomorrow morning. After this ordeal, I'd probably promise never to cram again and then after 6 months I'd be posting a message about cramming for this certain paper. Okay! Break is over, got to get back to work.

Friday, October 13, 2006
Wednesday, October 04, 2006
Nag-test kami kahapon sa chem 27. Ang course title nito ay Elementary Quantitative Analysis o kaya naman Elementary Anal. Chemistry. 'Di ba parang madugo? Pero hindi naman dahil na rin sa mga dating chem na aming dinaanan, ang problema: ang guro. Fine, PhD. Fine, head ka ng LRC. Fine, sa ibang bansa ka nag-aral. Fine, member ka ng American Chem Soc. Hindi ka pa rin marunong magturo. Pero sabi ko nga parang extension lang ito ng ibang chem kaya lang puro solve-solve- solve-solve.
Iyong test namin ay ang pangatlo sa apat na tests. Sabi niya, iyon raw ang pinakamahirap. Mahirap, oo pero mas mahirap pa ang chem18 dep. Ang problema, matagal ito sagutan. Kalagitnaan ng test, maiisip mo, kung tumayo na lang kaya ako? Hanapin ang lunas sa HIV-AIDS? Tulungan ang mahihirap imbes na sagutan ito? Pagkatapos mapapatulala ka sa kawalan at biglang mapapansin ang orasan. Teka! 5 ng hapon ako nag-start ah, 8 na pala! Bukod pa doon, mananakit ang daliri mo. Ako nga biglang nagka-kalyo sa daliri. Epekto siguro ng mahigpit na hawak sa bolpen na bunga naman ng inis.
Dahil sa test na ito, pagdating ko sa bahay pakiramdam ko binugbug ako. Gusto ko nang bumagsak sa kama! Hindi naman siya kasing mentally-challenging ng chem 18 pero ang endurance mo naman masusubukan. May lima kasing problems at sa bawat problems may lima pa uling sub-problems. Ang isang sub-problem, kapag complete and systematic ang solution(wag na clean) aabutin ng mga 1/3 ng area ng short bond paper. Tapos mag-dro-drowing ka pa! PI! Sa totoo lang, ilang beses ako napamura ng test na ito at rinig na rinig ng katabi ko iyon.
Tungkol sa guro, may improvement! Binabantayan na niya kami! Dati kasi ibibigay niya iyong test tapos aalis, babalik after 3 hours! Buti na lang mabait kami at hindi kami nag-ko-kopyhan. Kumusta naman mga kaklase ko, pakiramdam ko babarilin ka niyong mga iyon kahit tignan mo lang ang mga likod nila! Bakit biglang nag-bago, si prof? Naisip ng kaklase ko bunga na rin ng biglang talon ng score namin from 1st test(pathetic, 50%mean, 12%SD) papunta sa 2nd(~65%mean, isa lang bumagsak ata). Naisip niya siguro na nagkopyahan nga kami! Please naman! Mabait nga kami!
End na ng formal classes sa tuesday! Yey! Babay prof!

Subscribe to:
Posts (Atom)