Tuesday, August 29, 2006
May test na naman kami sa chem sa friday. Sana mas matino ang gagawin ko sa test na iyon kumpara sa ginawa ko sa unang test. Tumatambak na ang mga dapat na gawain para sa eskwela at wala pa rin akong description ko para sa yearbook. Bukod pa doon, inaantok ako at kulang na sa tulog. Pero, wala na namang chem lab bukas kaya dapat matuwa na rin ako. US Open na nga pala.
Monday, August 21, 2006
Napapabayaan ko na naman ang blog na ito. Kasi marami akong ginawa noong nakaraang linggo. Ang hirap mag-kabisado ng mga parte ng palaka na hindi naman pala lalabas sa exam. Malapit na ang setyembre at marami ng mga debut na pupuntahan ko lingo-lingo. Iyong isa New Wave 80's ang theme at iyong isa Majika at Anime ang theme. Ano ba ang mga iniisip ng mga taong ito? Hindi ko alam, hindi ko rin malalaman kasi wala naman akong debut, magiging 18 at 21 ako tapos iyon na iyon. Imaginine nyo na lang na tipong ng mga ganito ang suot ko.
Pansinin na karamihan sa mga kasuotang ito(buhok kung sa 80's) ay masakit sa mata, sa puso at sa isipan. Lalong-lalo na ang Majica. Majica, isang teleserye kung saan naubos na ang pondo sa pagbabayad pa lamang sa mga artista kaya mga pinagtagpi-tagping mga tela na lang ang mga kasuotan nila. Ok na sanang pinagtagpi-tagpi pero mga neon colors pa talaga ang pinili nila. At least ang Encantadia at Mulawin, maayos-ayos pa ang mga costumes. Nga pala, may susunod na naman na telepantasya, may knights of the zodiac pang nalalaman, pero kung wala si Angel Locsin at Richard/Raymond Guiterrez, maaari ko iyon panoorin. Pero maaatim ko naman siguro magsuot ng Anime inspired na costume, naiisip ko ang Rayearth at Scrapped Princess.

Saturday, August 12, 2006
Sunday, August 06, 2006
Nire-format iyong pc ko noong nakaraang lunes at malinis na siya. As in walang laman. Kabaligtaran ng isip ko. Ang toxic-toxic kasi ng nakaraang linggo; miyerkules pa lang ayaw ko nang pumasok. Ilang mga nakakapagod na bagay: expt mula 7 ng umaga hanggang 230 ng hapon, pero may pahinga naman ng kaunti, sayaw sa LT noong friday, audi kahapon(sana...wag iyon...papasa kami), pag-iisip ng choreo, pagsagot sa lab manual, quizzes sa biolec, long quiz sa biolab, pe, std, "reunion," pag-gising ng kanda-aga-aga.
Pero dahil sa ka-toxic-an, nakapagtipid ako at nakabili ako ng CD ni Grace Nono. Oo na, may pagka-ewan ang aking choice of music. Syempre uunahin ko na iyong mga gusto ko na di-tipo ng iba. Syempre kung meron na sila, maaari ko na lang hiramin. Problema nawawala ang installer ng speakers ng pc ko, kaya walang tunog maliban sa hummmm... ng CPU.
Nakabalik na pala ako sa kisay, wala pa ring pinagbago. Kisay pa rin. Pumayat nga lang ang Physics teacher namin at may galit ata ang 3rd yr Chem teacher ko sa akin. =p
Syempre, wala na namang title at gagawa pa pala ako ng description ko; kilala ko pa kaya sarili ko noong high school ako?

Subscribe to:
Posts (Atom)