Friday, July 28, 2006
GC
Nakaka-asar ang prof namin sa chem27. Sana sinabi ng mas maaga na sa Lunes pa ipapasa ang problem set. Sige ayos lang. Para kasing iyon lang ang ginawa ko noong Linggo, Lunes, Martes, Miyekules at Huwebes(deadline date daw). Sa problem set kong ito sinisisi ang pagbagsak ko sa quiz(quiz lang! ang babaw...) at ang kabalbalan ng kunwa-kunwariang report namin sa hum1. Sinisisi ko rin ang problem set na ito sa pagkawala ng tulog ko noong gabi ng Miyekules...sandali lang... umaga pala ng Huwebes. Takte! Tinapos tapos ko pa tapos ganoon lang bigla! Pwede ko naman sabihin sa sarili ko na ako lang ang nakatapos ng buong problem set, dapat pala nanghingi ako ng bonus kay sir. tsk tsk tsk... Napansin ko lang na napakagaling ng mga solusyon sa kem, naitatama nila ang sarili nilang kamalian, lalo na ang activity at ionic strength.
Saturday, July 22, 2006
Nakaka-kalma pala ang tunog ng hangin na dumadaan sa mga dahon ng mga puno. Pauwi kasi ako kanina mula sa upm kasi nag-test kami, at parang tinangay ako ng hangin. Subukan niyo, bisita sa pinakamalapit na kumpol ng mga puno at hintayin ang ihip ng hangin. Kung hindi dumating, ayos lang, matulog ka na lang sa ilalim noon, baka mapanaginipan mo pa crush mo.
Thursday, July 13, 2006
I really need to go out. Somewhere... Remove myself for a while in this academic world I have been living in. Kailangan ko munang magpaka-babaw. But it is really hard, our hum1 prof is correct in saying we are stuck in a world governed by science and logic. I need some cheap thrills, some thing, or do I dare say, someone? Anybody interested?
Just kidding... I do not need a someone. I believe in love and, contrary to some of my existentialist beliefs, believe it will come looking for me not me for it. In the mean time, I drown myself with cheesy, but very good, romantic songs and a little bit of jazz.
Or, maybe, I am not just in the right mood due to the storm and all the sleep I am getting. I need help... I think I am a depressed workaholic.

Wednesday, July 12, 2006
Martes pa lang pero pagod na pagod na ako. Bakit ko ba ginagawang mahirap ang buhay ko? Bakit? Bakit? Bakit?
Nagkaroon ng gulo noong nakaraang araw sa aking mundo. May naasar sa akin, may mga taong hindi nagkaintindihan, naranasan ko na namang maging tagapakinig. Pero maayos na naman ata ngayon, bukas ko pa matitiyak. Ang hirap talaga ng buhay kapag may mga gulong ganito ang uri pero ginagawa nitong makulay ang buhay.
Ang galing ng utak ng tao. Pauli-ulit ko itong nabanggit ngayon. Isipin niyo, kaming mga PH students ay mayroon nang dalawang chem book sa aming utak tapos madadagdagan pa ng isa pagkatapos ng sem na ito. Samahan mo pa ng 1-2 na zoology books at 1 physics book. At studyante pa lang kami, paano pa iyong mga guro natin? Tapos hindi lang naman iyon ang laman ng utak namin, syempre may ibang bagay pang nandoon. Ang galing noh?
Balak ko na maksulat ng nobela balang araw pero habang lumalaon kami sa humdades 1 class parang nagbabago ang isip ko. Kasi pakiramdam ko hindi ako makakagawa ng akda na ganoon ang antas ng kagandahan, pagkaayos at pagkamalikhain. Isipin mo, naisip ng manunulat na ang salitang ito ang pinaka-angkop na salita at dahil sa isang salita maiintindihan mo ng lubusan ang akda. Ang kabigatan ng akda ay dinudurog ako. waaah! Pero nandiyan pa naman ang fantasy fiction, ang saya gumawa ng sariling mundo(iba ang creative sa oti).

Monday, July 10, 2006
Mauresmo won! Henin-hardenne lost... =(
Nadal is in the final... oh well...
------
Napag-isip-isip na rin ng aming chem lab prof na nahihirapan kami gumawa ng mga lab report, kaya nilipat niya ang deadline. Dati huwebes, 5:00 ng hapon, ngayon biyernes, 5:00 ng hapon na! Pero hindi yata ganito next week.
Nalalapit na ang mga tests, nagsimula na sa biolab kung saan kung anu-anong mga tissue ang mga pinatingin at pinahulaan sa amin. Sa awa ng Diyos, nakapasa ako sa patikim, pero nakasabit lang. Tanga tanga kasi, tissue na nga pinag-aaralan cells pa rin nilalagay. hay...
May cellphone na pala ako, same number pero ibang unit. Nawala ko nga lang iyong mga contacts ko kaya kapag may nag-text huhulaan ko pa kung sino ang nag-send niyon.

Tuesday, July 04, 2006
May bagong Yahoo toolbar ang IE namin, ang galing may bago silang feature, TABS! Say goodbye to too many windows on screen! Pero mas maganda pa rin ang tab feature ng Mozilla, mas malinis at hindi pa madali maapektuhan ng kung anu-anong mga viruses at worms. Iyon nga lang hindi binabasa ng mozilla ang ibang css codes pero inaayos na ata ito.
Yehey! Marami-rami na ang nag-o-audition sa STDc. Gagagawa pa pala ako ng webpage-kuno ng org na ito, ano kaya magandang host... bravenet na lang siguro...

Sunday, July 02, 2006
Nadal beats Agassi!
Sugiyama beats Hingis!
Murray beats Roddick.
Someone beats V.William!
boo nadal boo!
At least Feddy is still in the tournament.
Nadal might have won because of his youth, or because Agassi is just tired. I saw a glimpse of the match and Agassi is just not himself, playing near the baseline, hitting weak ground strokes. oh well... boo nadal boo!

Subscribe to:
Posts (Atom)