Friday, October 07, 2005

Si Komander Kontra

patawad walang matinong post eto n lng...

Si Komander Kontra

Katatapos lang ng rehimeng Marcos. Nagbalik na ang kalayaan sa bansa. Nagbabalik na sa dati ang iyong buhay. Pinapalakpakan ng buong mundo ang inyong nagawang mapayapang rebolusyon. Kala mo ay nasa mabuti na ang lahat. Lubos ka palang nagkamali. Buhay si Komander Kontra.

Sino si Komander Kontra? Siya ay isang karismatikong tao. Siya ay taong malakas. Siya ay taong hindi tinatamaan ng bala. Siya ay imortal. Siya ang taong matapang. Siya ang taong walang sinasanto. Siya ang Tagapagligtas. Siya ay ang lahat ng mga yan sa panananaw ng mga sumusuporta sa kanya. Kung di mo naman siya sinusuportahan. Siya ay brutal. Siya ay hindi tao. Siya ay baliw. Siya ay gago. Siya ay walang kwentang nilalang. Siya ay isang nilalang na masarap patayin sa pinakamasakit na paraan. Siya ay isang demonyo.

Ngunit sino ba talaga si Komander Kontra? Para sa akin? Ako ay hindi sumusuporta sa kanya, nasagot na siguro niyan ang tanong. Hindi siguro. Siya ang kontrabida sa pelikula kaya siguro ganyan ang kanyang asal pero natutunan ko sa panonood ng maraming palabas sa tv at pelikula at pagbabasa ng sandamukal na libro walang taong masama para sa kasamaan lamang; lahat ay may dahilan. Halimbawa ay ang madrasta ni Cinderella, naiinggit sila sa kagandahan niya kaya sila masama. Isa pa sa nobelang El Fili, parang ang sama-sama ni Simoun pero hindi bat naging ganyan lamang siya dahil sa masasamang nangyari sa kanya. Kaya napaisip ako? Bakit ganyan si Kontra? Anung nagpapatakbo ng isip niya? Hinintay ko ang sagot sa aking katanungan.

Nakita ko ito sa katapusan. Baliw nga talaga siya. Ngunit hindi iyon ang pinakaugat ng kanyang kasamaan. Isa siyang panatiko at may galit sa mga “duwag na intlektwal.” Sa kanyang “altar” makikita ang litrato ni Marcos at ng isang sikat na aksyon star, sa gilid naman ay ang maliit na istatwa ni Jesus. Isa sa mga huling linya niya ay ang pagaya kay Esper na sumali sa confradernidad ng Orapronobis, tuturuan raw niya siya ng mga dasal na gagawin siyang mala-imortal. Ano ang mga pinahihiwatig nito? Isa ba siyang tanga? Hangal? Baliw? May tama sa utak? Siguro sa mga standards natin ay oo. Pero hindi niya ito alam. Alam niya, tama siya. Tama ang ginagawa niya. Kung ganyan ang pagpapalaki sa kanya eh paano natin siya sisisihin?

Ngunit mali eh. Buti sana kung siya lang ang gumagawa niyan. Madali lang naman matalo ang isang nilalang na walang kakampi. Madali lang naman magpadala ng baliw sa mental. Pero nakaakit pa siya ng mga tagasunod, bunga siguro ng takot o kaya naman ng pangako ng kapangyarihan. Isa pa iyong mga prumoprotekta sa kanya. Pero hindi ba nila naisip na mali ang ginagawa nila? Hindi ba nila naririnig ang hinaing ng katotohanan? Huli na ng nalaman nila na niloloko lang sila, tutal hindi ko rin sila masisisi sa dami ba naman ng mga ginawa nilang kasamaan kapag lumabas ang katotohanan ay lagot sila. Ngunit wala pa lang katarungan sa mundo nila. Buhay pa rin si Komander Kontra. Totoo ngang hindi gumagana ang bala sa kanya.

*********************************************************

Ang pinakamatinding balita ngaung linggo? Uno ako sa nat sci I at 2 ata(83.8 ako sa math17. Baka di na ako mag-final sa math17 ang hirap kasi pataasin napakalaking sugal ito. Lumabas na rin pala ang sched nmn next sem, post ko na lang kapag tapos na ako magenrol. Registered na pala ako sa peyups. ako si adoti. Mag tetest pa ba ako? Ano! Sagutin mo ang tanong mo! Tinanggal na pala braces ko, retainers na ako next week, sana di magrelapse. Hindi pa rin ako magaling tumogtog ng sax, frustrated na talaga ako.

No comments: