Sa wakas! Nakakuha rin ako ng matinong marka sa dep ko sa m17! 93/110! Mabuhay(Nyek! masyadong nagfifilipino)! Kung i-pe-percent mo yan eh lalabas na 84.54545... iyan kaya ang aking present class standing ay 2.0 give or take. Dapat pala MTAP level palagi pag dep exam. Tama na ang pag walang bahala sa mga dep, kailangan na makakuha ng mataas na grado. Umeepekto na naman ang pagka-GC, bwiset naman kasi ako pa ang naturingang vale ng kisay(malapit na pala foundation day) andami tuloy na mga responsibilidad na naipataw sa akin. Aminado naman akong hindi ako ang pinakamagaling sa math pero dapat kagalang-galang pa rin kahit pa paano ang maging final grade ko, d b? may aa-angal? palit tayo ng pwesto tignan ko kung ano gagawin mo. Ha? anu ba to? pano lumabas yan? na-o-oti na naman ako.
Sa wakas! Nakapagrecite na rin ako sa histo1. Siguro kilala na niya ako ngayon, kasi naman dati sa may likod ako umuupo kaya hindi ako makarelate sa pinagsasabi niya, inaantok tuloy ako, di tuloy ako natututo. Siguro, nabura na ang mga kasalanan ko sa kanya, wish ko lang. Sa mga di nakakaalam ganito ang nangyari sa first class namin.
Sir Talampas: Ado... hmmm... qcshs. di ba sm science high school un?
Ako: Opo
ST: Dati kasi nakatira kami sa may bandang likod nun..
Ako na sinapian: Sir sa golden acres?
Shet! Kung ala siguro sa mood iyon pinalayas na ako sa klase. Ah basta, 1.15 naman ako sa isang napakaimportanteng paper na pinasa namin, matino-tino na siguro ang class standing ko ngayon.
Sa wakas! Nakapagreport rin kami sa soc sci1, matapos maunsyami ng dalawang beses nakapagreport na rin kami. Paepek naman ako, filipino, mahirap magenglish baka di ako maintindihan. Mabilis kasi ako magsalita at may tendency na magmumble tsaka matagal na akong hindi nakakapagsalita na ingles lamang ang gamit. Matino naman ang report namin kahit napansin ko may parte na hindi nakikinig ang mga kaklase ko, meron pa ngang tulog na tulog eh, si toot.
Sa wakas! Field trip na namin bukas! Kaya lang may bagyo pano ba to?
********************************************
Lam nyo ba may bomb threat kanina sa upm-cas. Wala namang bomba talga, ala ngang pulis na pumunta sa loob. May nakita kami na dumating pero dun pala sila sa mga nag-rarally pupunta. May mga reporters na dumating, ABC5. Sayang hindi na naman ako makikita sa tv(asa hindi ganun katino itsura ko).
Hay nako! Ang dada ko talaga! Tigil na ado! Magisip ka muna bago magsalita! Maaari kang mapahamak o mapahiya sa pagiging madada mo! Tigil na! Tigil!
Trigo na nga pala kami, next tues na dep ulit, sana makaya ko to, hindi matino ang trigo background ko, sa algebre uber tino, kaya nga nasagutan ko ang uber difficult question sa dep eh, feeling ko nasa tuktok ako ng mundo nang masagutan ko iyon. Himala kasi naalala ko pa kung pano sagutan iyon, actually naiihi ako nun kaya naglalabasan lahat ng (hindi ihi noh) mga natutunan ko, next time nga uli.
No comments:
Post a Comment