Thursday, September 15, 2005

Finally!

Sa wakas! Nakakuha rin ako ng matinong marka sa dep ko sa m17! 93/110! Mabuhay(Nyek! masyadong nagfifilipino)! Kung i-pe-percent mo yan eh lalabas na 84.54545... iyan kaya ang aking present class standing ay 2.0 give or take. Dapat pala MTAP level palagi pag dep exam. Tama na ang pag walang bahala sa mga dep, kailangan na makakuha ng mataas na grado. Umeepekto na naman ang pagka-GC, bwiset naman kasi ako pa ang naturingang vale ng kisay(malapit na pala foundation day) andami tuloy na mga responsibilidad na naipataw sa akin. Aminado naman akong hindi ako ang pinakamagaling sa math pero dapat kagalang-galang pa rin kahit pa paano ang maging final grade ko, d b? may aa-angal? palit tayo ng pwesto tignan ko kung ano gagawin mo. Ha? anu ba to? pano lumabas yan? na-o-oti na naman ako.

Sa wakas! Nakapagrecite na rin ako sa histo1. Siguro kilala na niya ako ngayon, kasi naman dati sa may likod ako umuupo kaya hindi ako makarelate sa pinagsasabi niya, inaantok tuloy ako, di tuloy ako natututo. Siguro, nabura na ang mga kasalanan ko sa kanya, wish ko lang. Sa mga di nakakaalam ganito ang nangyari sa first class namin.

Sir Talampas: Ado... hmmm... qcshs. di ba sm science high school un?

Ako: Opo

ST: Dati kasi nakatira kami sa may bandang likod nun..

Ako na sinapian: Sir sa golden acres?

Shet! Kung ala siguro sa mood iyon pinalayas na ako sa klase. Ah basta, 1.15 naman ako sa isang napakaimportanteng paper na pinasa namin, matino-tino na siguro ang class standing ko ngayon.

Sa wakas! Nakapagreport rin kami sa soc sci1, matapos maunsyami ng dalawang beses nakapagreport na rin kami. Paepek naman ako, filipino, mahirap magenglish baka di ako maintindihan. Mabilis kasi ako magsalita at may tendency na magmumble tsaka matagal na akong hindi nakakapagsalita na ingles lamang ang gamit. Matino naman ang report namin kahit napansin ko may parte na hindi nakikinig ang mga kaklase ko, meron pa ngang tulog na tulog eh, si toot.

Sa wakas! Field trip na namin bukas! Kaya lang may bagyo pano ba to?

********************************************

Lam nyo ba may bomb threat kanina sa upm-cas. Wala namang bomba talga, ala ngang pulis na pumunta sa loob. May nakita kami na dumating pero dun pala sila sa mga nag-rarally pupunta. May mga reporters na dumating, ABC5. Sayang hindi na naman ako makikita sa tv(asa hindi ganun katino itsura ko).

Hay nako! Ang dada ko talaga! Tigil na ado! Magisip ka muna bago magsalita! Maaari kang mapahamak o mapahiya sa pagiging madada mo! Tigil na! Tigil!

Trigo na nga pala kami, next tues na dep ulit, sana makaya ko to, hindi matino ang trigo background ko, sa algebre uber tino, kaya nga nasagutan ko ang uber difficult question sa dep eh, feeling ko nasa tuktok ako ng mundo nang masagutan ko iyon. Himala kasi naalala ko pa kung pano sagutan iyon, actually naiihi ako nun kaya naglalabasan lahat ng (hindi ihi noh) mga natutunan ko, next time nga uli.

Sunday, September 11, 2005

!st post of september

The month of the Filipino language is over pero hindi ibig sabihin nyan eh dapat na tigilan ang paggamit ng wikang Filipino but my English is getting a bit rusty time for some practice.

I am finding it hard to go home late almost everyday. This is due to my STDc practice which is fun but really demanding. I do not feel sore after practice just tired and sleepy at least I am lucky my professors are not that demanding unlike those my friends's(?). Time is not really a problem, I just wish my weekends were free so I could play tennis more often, oh well.

We have an upcoming recital next monday. We just finished our dance today and only three of the eight dancers know the entire routine, and we still have to polish it. Hopefully, one week of thorough practice would do us much good. I think the dance is alright and the music good we just need to project, practice, and polish. We learn fairly quick anyway it is just the execution of the steps that we need to work on, one comment from the members was we were not really doing the exact same steps which is good to a certain degree only. I'm getting bored with this post. No soul, no energy. Do you feel the same? Anyway...

We just had a m17 dep last tuesday, the results would be given on monday. I hope I get a high score, but I shouldn't keep my hopes up. I think I did okay, I feel more confident. I really hope I get a high score. I really want to qualify for exemption.

I think STD is the one that has been making my isko life bearable. If I hadn't joined it, I might be bored to death and become really lazy. Our fpf final is getting nearer, I think I can do it, just a few adjustments.

Hindi na naayos ang grammar. Patawarin. Tamad kasi.

Thursday, September 01, 2005

Lumot kasi.

Ayan, nagbalik na ako? Na-miss nyo ko noh? Nabitin kayo noh? Malamang hindi! Hindi naman ako ganoong kasabik-sabik na tao eh! Pero may internet load ako, mayroon rin akong onting kakapalan(minsan papalitan ang ikalawang a ng u) at matinong kamay na sanay na magtayp(yak nu ba yan!).

Ayan nadulas ako. Kasalanan ng lumot at ulan at tsinelas na pudpod! Aksidente iyon hindi karma! Mabait ako noh! Masakit madulas. Subukan niyo. Nakakatakot kaya, pagkahulog ko, hindi ako makagalaw, shocked ika nga tapos naramdaman ko ang sakit narinig ko ang sigaw ng aking ama. Tumayo ako, ang sakit grabe, malapit na ang upuan, malapit na. At ako ay humiga, gumapang. Crap! May gasgas ako! Ayaw na ayaw kong nagkakasugat, una masakit pangalawa may peklat pag gumaling na. Pangit(relatively) na nga ako, payat na nga magkakapeklat pa. Naisip ko bigla, makakasayaw pa ba ako uli? Makakasali pa ba ako sa std? Kailangan ko ba gumamit ng saklay? Ayoko! Ayoko! Inangat ko ng bahagya ang aking binti, kumikirot pero ayos lang ala akong nabali baka nasprain o na-bruise pero alang bale! Yes! Buhay pa ako!

Nangkwinento ko ito sa aking mabubuting kaibigan pinagtawanan lang nila ako! Kaasar noh? Pero ayos lang, bala sila. Yak. Ayos lang. Dat's what prends dooooo.

Sa ibang balita, gulong-gulo na ako sa mga kongresista natin. Mga gago mga iyon. Nag-walkout ba naman! Tangna! Buwis ng bayan ang nagdadamit sa inyo! Tsaka nagawa nyo pa magkalat! Siguro kung isa ako dun nasuntok ko iyong naghahagis ng papel! Gago ka ba?! Kung magwa-walkout ka bigyan mo naman ng kaunting dangal ang iyong sarili at kasama! Tawa pa kayo? Batuhin ko kayo diyan eh. At Dinky hindi bagay ang pink/magenta highlight sa buhok mo, feeling Jolens ka ba? Si Jolino nga di na ginagawa iyan eh! Para kang may bali na hairband na narugby sa buhok mo! At nakaretainers ka ba? Malapit ka na magkapustiso pinagkakaabalahan mo pa iyan! DSWD sec ka ba dati? Anu ang nangyari sa pagaayos ng sarili na katulad o malapit sa pinagseserbisyohan mo? Well, maaaply naman natin iyan sa lahat di ba? Pasensya. Kailangan lang ilabas ito. Wala akong matinong argumento pagbinara nyo ako. Hindi ako nanood ng balita ng matagal na panahon. Boring. OO responsibilidad ko na manood ng balita pero heller kung mamamatay naman ako ng maaga dahil sa balita at hindi na ako makakatulong pag patay na ako, hindi na lang ako manonood noh! Pero medyo updated ako via press and media snippets.

Natalo si roddick sa first round, uh okay, wawa naman siya. C ferrero rin, eto mas kawawa, kelangan kaya ang magiging comeback nya? c kutnetzova rin. wawa naman cla, pati c henman, naintindihan nyo b pinagsasabi ko? Kung hindi, pabayaan nyo na. Basta federer at henin at clijsters muna ako!

Ang dami kong nabisitang blog, napapansin ko mga tao gusto nila(minsan kasama ako) deep sila o mukha silang deep. Ex.1. I am a walking contradiction. comment: so you're gay?. 2. This is a blog of a psychotic person. comment: neurotic pwede, psychotic? possible, highly unlikely, and with your job 0 probability that you are psychotic. Mas interesting rin kung may love life part ang mga entries mo tulad ng "namimiss ko na pagbinibili mo ako ng diabetes sa coop." o kaya naman "sana mag-share uli tayo ng shake na gawa ni ate duday." Siguro naiingit lang ako, loveless kasi ako. Boring ang buhay ko. Alang special someone. Ala rin akong in-eeksperience na mental anguish or angst. Tapos na rin ako sa phase sa siga-sigaan ako sa pagsusulat, ung bang feeling biatch or uber-misunderstood ka. Mas masaya buhay ko ngayon, hindi na makati ulo ko, meron pa ring balakubak pero maganda na ang aking shampoo. (may hidden meaning dyan, natutunan ko sa blog ng friend ko).

Totoo, cgro nararamdaman nila talaga iyon pero meron ring ilang posers. Galit ako sa posers. Kaya ingat rin ako baka magmukha akong poser. Ang sarap sakalin ng mga nagsusuot ng che guevarra shirts, pins, memorabilia lalo na iyong may swastika. (ayos lang ang bob marley shirt, heller reggae legned sya). Si che ay isang doktor at higit sa lahat rebolusyonaryo. Bat ka nagsuot non? Feel mo naman? Nakisama ka ba sa kanya? Nabasa mo ba man lang ang bio nya? Bakit hindi na lang mukha ni rizal o bonifacio o erap ang isuot mo? nakikisawsaw ka pa sa bayani ng ibang bansa eh, kapal naman ng mukha mo. ung swastika naman (pati ung reversed)...hudyo k b? nazi k b? supporter k b n hitler? sino ang superior race? Kung nalaman mo o alam mo ang story behind dat isusuot mo pa rin ba iyan? bakit? kapal mo naman pwere na lng kung nazi ka nga o kaya hudyo (o kaya asa play n kailangan mo isuot iyan) pero cgro may utak ka namn o kaya simpatya s relihiyon mo para mahiya ka na isuot iyan noh?

Ska! Ska! Ska! Shit! bat ba ang hilig ko sa mga reggae, jazz and weird sounds. cgro frustrated saxophonist kasi ako at hanga ako sa mga master. ang dami nang opm bands ngayon, mdyo nakakasawa pero atleast nandyan sla d b, cno kaya ang eraserheads ng ating henerasyon ung atin talaga ha so excluded n ang rivermaya at parokya ni edgar. pde cgro bamboo...o kaya mayonaisse...cno kaya? sa tingin nyo? haba pala nito, sumakit mga daliri ko.