Alam nyo ba kung ilang beses ko pinipindot ang space bar bago simulan ang isang paragraph(ano ba ang filipino nun?[talata po, ala na ngaung indention, blogspot kc])? Kung nde...sasabihin ko. SEVEN. wala lang. kasi kung isang daan eh di nasira keyboard ko, alam ko may html command na parang tab eh, nalimutan ko lang kung ano.
Hay...gusto ko nang lumipat ng bloghost...ayos lang naman ang braveblog eh kaya lang sayang naman ung skin na pinaglaruan ko ng ilang oras. Hehehehe. Pero ala nga akong malagay na pictures. Oo, vanity un pero gusto ko eh, bisitahin nyo itsura nito ngaun sa http://otinesofowtis.blogspot.com/. Wala syang laman noh?! Kung mabait kayo, send kayo ng pics. Gusto ko ung edited photos, hehehe. demanding noh. Meron na kong nagawang ilang pics pero alang centralized theme na nabubuo. Ang arte ko naman!
Nabasa ko na rin sa wakas ang pinapabasa ni Sir Talampas. Mga 10% lang ang naintindihan ko. Saya noh? Nabasa ko naman iyong hispanization eh kaya ayos yon may edge(edge, ah edad!) ako. Pagpasensyahan nag fifeeling na naman ang inyong butihing doktor. Eto pa isa. Ang yabang ko talaga! Ano ba yan! Ah basta, ulitin ko na lang siya mamaya. Hindi ko nakonekta ang pangungumpisal sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Nakapagpabagabag. Wala lang, naalala ko lang ang mga ka-block ko. Lalang=i love you. Yuck! Chenes! Tsieness! Chuva! Ano ba yan! OT OT OT AKO!
Lam nyo ba may nakita akong Pooh stuff toy noong isang araw, libre, kukunin mo na lang. Malaki ito, mga kalahati ng katawan ko ang tangkad at mga kasing lapad ko(pag nakahug sa sarili). Kaya lang madungis siya... pero mahuhugasan naman iyon di ba? Bat ba hindi ko kinuha iyon?! Naalala ko tuloy si Madie na mahilig sa Pooh, eh di may regalo na ko sa kanya para sa bertdei at Pasko. Sana kinuha ko. Sa totoo lang kung may plastic ako n kinuha ko na iyon. Kinabukasan ala na siya, may kumuha na ata. Pero bat kaya iniwan iyon dun, kung may camera non sana may pic. Ang lungkot ng itsura niya, parang nandidire sa ginawa niya at naging madungis siya. Nasira ang kanyang magandang itsura, pero lumalabas pa rin ang ka-kyutan niya. Ganoong din kaya ang Pilipinas? Naging Pilipinas bigla noh? OT OT OT OT OT AKO!
Ang hilig ko kausapin sarili ko magisa. Kasi nagugustuhan ko ang boses ko eh. Narsisista! Yak! Joke. Ala lang, natutuwa ako pagnaririnig ko ang boses ko, kasi iba ang boses ko pagnag-eexplain ako, iba rin pag english, pag kumakanta, pag nageexplain in english, pagnagtatagalog, pagnapapakaKonyo, atbp. Tsaka ala kasi akong makausap ng matino, o nahihiya ako, kaya ako na lang. Walang kwenta naman nilalagay ko sa blog ko, sana may tape recorder ako, ilalagay ko ang aking mga conversations wid myself. Anyways...anyways...un lang.
Ayoko na ng nat sci1! ang redundant pala niya, pero baka sa simula lang parang histo1. Sana nga. Matino naman ung prof eh, ako lang may problema.
Tanong sa Histo1 namin: Bakit ka naliligo araw-araw? Kahit di ka umaalis ng bahay at ala kang ginagawa eh naliligo ka pa rin di ba? Bakit? Kulet noh. Basta ganun ung sagot. Ewan. Tang Ina to ah na dc. Copy paste, mamaya ko na nga i-post. Ung dinadownload ko naputol tuloy. OT OT OT OT OT AKO!
Ang astig ng Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon. Ang kulet ni Kulas, Diding, at Dodoy(?) limutan ko na. Advance kasi ako, nanood na ako kahapon. hehehehe. Nagprapraktis (more like nambubulabog) ako kanina ng sax, taas talaga ng pangarap ko, stuck na yata ako sa pagtugtog ng flute recorder, Galit kasi ako sa gitara at galit rin siya sa akin, ala naman akong piano, ala akong pera, kala ko kasi madali lang, yan tuloy, pagmay marunong dyan, paturo, 200 per lesson ok lang b? hehehe.
Friday, August 12, 2005
Ang Madungis na Pooh *Bow*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment