Ngayong araw na ito:
Edsa I Revolution
Birthday ni Mel
Ang araw matapos ang kaarawan ng aking ama
2 araw matapos ang Simulaw, ang variety show ng CPH
Pagpasok ng mga housemates sa Pinoy Big Brother 2
Unang araw ng Toxic Week part 2
Field trip ng mga ka-block ko para sa Hum II nila. Di ko sila kaklase sa Hum, di ako kasama
Nakalimutan ko magpagupit
4 na linggo na lang bago matapos ang klase: 9 written exams, 2 reports, 1 movie, 2 papers, 1 essay, 1 poem, 1 written report, ~8 quizzes, 1 pe recital na i-o-organize, 1 dance, 1/3 expt, 2 practical exams
Patawad kung maikli lang ito. Toxic na naman. Walang katapusang pagdurusa. Nagpunta nga pala kami kahapon sa Banahaw. Pumasok ako sa Husgado, wala akong sugat pero muntik na. So, malapit na akong matawag na makasalanan. Kita na lang tayo muli kapag hindi na ako ganoon ka-toxic. =)
Sunday, February 25, 2007
Saturday, February 10, 2007
Matagal na rin pala nang huli akong mag-post.
Hindi pala magandang ideya na manood ng Grey's Anatomy sa umaga. Magiging senti at problemado ka pagkatapos. Pero baka ako lang iyon.
Naiipon na naman ang mga gawain sa paaralan. At puro tungkol sa pag-aaral na lang ang nasa isip ko. O sige na nga, isama mo na ang StDC.
Ang hirap talaga kapag mag-isa sa laboratory. Noong nakaraang Huwebes kasi biglang nag-absent ang lab partner ko. Kakabwiset, monitor pa naman kami. Tapos, ang mga kaklase ko pa hindi matinong kasama. Ilalagay lang ang takip sa reagent hindi pa magawa! Hindi ba nila maisip na qualitative analysis ang ginagawa namin? Quali! Napakahalaga sa mga analysis na ito na maging malinis ang mga reagents! Aargh! Nasigawan ko nga sila eh. Hehehe... nag-ayos sila bigla pero mamaya-maya ayan na naman, ang mga takip nagkalat. Tapos ang aking partner na nag-absent hindi pa binigay ang dapat niyang ni-research. Hindi ba niya maipaliwanag sa magulang niya na kailangan niya ang kanyang cellphone upang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanyang pag-aaral? Ganoon na ba ang kakulangan ng cellphone sa mundo at hindi man lang niya ako ma-text na hindi siya makakapasok?
Hinga... hinga...
Tapos ang StDC na iyan, mga members nagkakawalaan. Hindi umaatend. O kaya naman, aatend nga uupo lang. Walang ginagawa. Hindi man lang kasi magsabi ng dapat gawin ang mga nakakatanda eh. Ano ba ang alam namin sa mga plano niyo? Ginawa namin, ayan na, meron na, ano ang susunod? Aargh!
Ano ba yan! Ginawang tambakan ng galit ang blog. Minsan na nga lang mag-post, hindi pa matino. Sana maging masaya ang susunod na linggo kahit mayroon na namang pagsusulit.

Subscribe to:
Posts (Atom)