Friday, September 29, 2006

Kahapon ininterbyu namin si Dr. Fanny A. Garcia. Ang saya! Bago iyong interbyu kinakabahan kami(pito kami, at oo interbyu iyon) kasi baka mataray siya o kaya kung ano ang gawin sa amin pero hindi pala. Ang bait nga(totoo ang sinabi ni JC)! Tapos kala namin hindi namin maabot ang time needed para sa interbyu pero ang daldal niya at ang daming kwento lumagpas kami kaya kailangang i-edit pa ang nakuha namin bukod pa sa kakailanganing transcript ng mga nangyari. At napa-pirmahan ko na ang libro ni Xylene kaya maibibigay ko na ito sa kanya. Speaking of Xylene...



Sa wakas na post ko rin!

Wala na naman kaming pasok bukas! Wala na rin akong natututunan sa Chem 27. Tigil na ako bago mag-power surge ulit.


Sunday, September 24, 2006

Wala munang mga posts, kasi sira uli ang WiFi. Epal sila! Garrr! Medyo mabuti na rin kasi nakakapagtoon ako ng pansin sa aking pag-aaaral. Malapit na ang new skin, sa sembreak siguro o kaya finals weeks lalabas.

Sunday, September 17, 2006

Kailangan ko gumawa ng tula!
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
Tumula at tumulala
tapos outline para sa paper at sa talumpati.
Toxic na naman.

Bakit ayaw ma-upload iyong pics sa blogger? O baka epal lang talaga iyong internet connection namin. Tapos iyong sayaw pala dapat ko nang tapusin. Tapos iyong costume ko sa Majica-inspired debut(t) ni Gelain.

Kumusta cla-cla? San kang univ/college pupunta after hs? Di ba gusto mo maging neurosurgeon? Debut kahapon ni tal kaya lang ala akong pics. Hehehehe...

Monday, September 11, 2006

Hell week na! Pero bakit ang dami kong free time o baka naman kasi nasanay na ako sa gawi ko dati kung saan umuuwi ako ng 8:30 sa bahay. Pero nakakabuti rin ito dahil ibig sabihin tumataas na ang antas ng aking galing sa pagbabalanse ng oras! Yes! Pics ng debut ni xy, soon...

Sunday, September 03, 2006

Mas uh...manageable(?) ang test namin kahapon. Pero hindi ibig sabihin na madali. Inabot kami ng lagpas TATLONG ORAS para matapos ang test na iyon. Sa totoo dapat dalawa at kalahating oras lang dapat pero mabait ang prof eh! Meron pa nga ata inabot ng apat na oras. Ganito kasi iyan, may tatlong batch(2:30, 3:00 at 5:00). Pinakakawawa iyong 5:00 kasi ilang oras lang sila siguro nagtest, pinaka-swerte syempre iyong 2:30. Pero hindi naman ganun kaabusado iyong pinakauna kasi nauna naman sila umalis sa akin. Ako ang unang nagpasa sa batch namin kasi napilitan dahil may dapat akong puntahan ng gabing iyon. Putek naman iyong pupuntahan kong iyon kasi 8 na nagstart, akala ko pa naman 7. Pero sige ayos lang natapos ko naman ang test at medyo na-check pa.

Next week na pala ako pre-hell week tapos HELL week na. Sa pre-hell tambak ng quizzes, reports at kung anu-ano pa sa HELL week lahat na isama mo pa ang tatlong dep tapos siguro after nang lingong iyon ang 3rd test sa chem27 na nararamdaman kong pinaka-BRUTAL sa lahat. Ang saya ng buhay PH!

Friday, September 01, 2006

May test ako bukas. Dapat mag-aral mabuti at maging handa at masigasig. May mga bonus na 5 points ang mga kaklase mo! Ikaw wala! Sa susunod nga, dapat pag araw ng pasahan ng problem set naka-sulat sa manila paper ang mga solution sa LAHAT ng problem tapos sa iyo lahat ng bonus! Ha! Tapos pag nagtanong sila kunwari di mo alam, sagutin mo lang kinabukasan kapag huli na ang lahat. Hahahahahaha!

Tapos ka-karma-hin ka! Hindi ako naniniwala sa destiny pero alam ko na kapag may masama kang ginawa, babalik at balik iyon sa iyon. Maaaring kapareha ng timbang o tatlong beses o pito, pero babalik ito.

Ayan, aral na uli!