Wednesday, May 24, 2006

Tapos na ang chem18. Hindi ako naka-uno. Pati wishing well sa baguio sinabi sa akin na mangyayari iyon. Pati mga hanger na hinahagis ko. Hay... Di bale, may chem 27 pa naman tapos may 31 pa tapos may PH 140 ata tapos nutrition at marami pang iba. Eto nga pala ang ilang kuha ko ng trip namin sa Baguio at La Union:



ako ang photographer diyan...

ang payat ko naman...
ayoko mabasa kaya sa may buhangin lang ako...

madilim kasi uulan na mamaya...
sa burnham park iyan, ang daming tao...

May isa pang trip na mangyayari, sana lang matuloy. Gusto ko talaga pero ayaw ata ako paalisin ng Pilipinas. Bobong a***** kasi. Pero kung iisipin, mabuti rin na napalitan ng sked ang trip na iyon kasi makakadalo na ako ngayon sa UNESCO workshop.

Monday, May 22, 2006

Piyesta ngayon sa amin. Wala kaming handa, hindi na kami naghahanda simula noong mamatay lola ko. Siya kasi ang nagaasikaso ng pagluluto, ngayon wala na siya kaya wala na ring handa. Ang lugar namin ay isa sa dalawang lugar sa mundo na patrona siya; iyong isa ay matatagpuan sa Portugal. Saya di ba?

Kung gusto mo pa malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya, pwede ka pumunta dito o kay dito. Sa bandang baba nung pangalawa iyong tungkol sa kanya. Kung sakaling ayaw gumana ng mga links na yan...

http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=767
http://www.portcult.com/OPS_10.htm

Tuesday, May 16, 2006

Ilang tulog pa ba? Malapit na! Malapit na! Matatapos na ang chem 18!

Hmmm... ang average life span ata ng isang blog ay isang taon. Hmmm... pero ayaw ko na palaging sumunod sa mga trend. Gustong-gusto kong pinatutunayan na mali ang maraming paniniwala, pero kadalasan napag-aalaman kong totoo ang mga ito.

Ilang tulog pa ba? Malapit na! Malapit na! Matapos ang aking freshie days.

Saturday, May 06, 2006

Hmmm...maayos na ata ang internet namin pero wala pa rin akong cellphone.
Pahinga pa rin muna ako sa pag-blo-blog. Masyadong matinding kalaban si Chem 18. Pero nakakatuwa kasi ang gaganda nang pagkakagawa ng mga problems sa test, nagagamit mo lahat ng natutunan mo mula high school chem hanggang sa kasalukuyan

Nabili ko na nga pala ang album ni Mishka Adams. Swinerte ako at may stock pa pero naubos naman ang ipon ko. Maganda at masarap pakinggan. Wala akong alam sa mga "technical stuff" na related sa jazz pero nakakamangha ang mga instrumental lalo na iyong mga piano at wind pieces.

Sana masaya ang summer nyo!

Monday, May 01, 2006

Mamamahinga muna si blog. Ayaw talaga kasi maayos internet namin at iniipon ko ang lakas ko para harapin si chem 18. Pero bisita ka pa rin kasi baka biglang maayos si internet at magkaroon ng bagong post.

PS
Tumataba na pala ako. Dati 95 pounds ngayon 98 na! =p At matino na ako magtennis.